Chapter two

410 20 0
                                    


"BAKIT dito sa Quezon Memorial Circle mo naisipang mag-jogging, Rham? Puwede naman tayo sa subdivision natin." Himala na si Rham pa ang nagyaya kay Zhaine na mag-jogging kinabukasan na dati ay halos isumpa nito. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak dito para dumayo pa sila sa malayong lugar na iyon ng Diliman, Quezon City. Mabuti na lang at ipinaayos nito agad ang kotse nito sa talyer pagkagaling nila sa pag-go-grocery. Kaya may nasakyan sila ngayon.

Marami nang joggers sa sikat na parke kung saan nakahimlay ang mga labi ng pangalawang pangulo ng Pilipinas. Karamihan sa nakikita niya roon ay mga pareha. May matataba na gustong magpapayat. Ang iba naman ay nais lang i-maintain ang magandang pigura.

"Wala lang para maiba naman." Nakakadalawang round na sila sa paikot ng circle tower. Kahit alam niyang hingal-kabayo na si Rham ay hindi pa rin ito humihinto. Naawa siya rito. Niyaya niya itong maupo sila sa isang concrete bench doon.

"Totohanan na ba talaga 'yang ginagawa mo? O drawing lang?" tudyo niya sa himig na nagbibiro. Hindi kasi siya makapaniwala na gagawin nitong magpapayat.

Ngumiti ito habang nagpupunas ng tumatagaktak na pawis sa noo. May naaamoy siyang kakaiba rito. Bakit ngayon lang yata niya napansing masayang-masaya ito? She also noticed his appearance. Sinadya nitong magpakaguwapo ngayon. Sa ikatlong beses ay sumulyap na naman ito sa wristwatch nito.

"Ano'ng oras na sa iyo? Baka advance lang ang time sa relo ko." anitong nakitaan niya ng pagkainip sa anyo.

Quarter to seven, ayon sa lady wristwatch na suot niya. May hinihintay ba ito? O, may inaabangan?

"Thanks God, she's coming." sa sumiglang boses na sambit ni Rham. Umaliwalas bigla ang mukha nito. Hinayon niya ang tinitingnan nito. Gustong maningkit ng mga mata niya nang makilala ang babaeng tinutukoy nito.

Si Alyanna! She was not wearing a pair of jogging pants but a cycling pants matched with tube top that revealed her cleavage and ivory-skin tone belly. Nag-fi-feeling maganda ang dating nito kahit hindi naman kagandahan ang mukha nito. Yap, she was enough sexy. Hindi niya iyon ikakaila. Pero katawan lang ang maganda rito. Tuwang-tuwa ito sa atensiyong nakukuha nito mula sa mga kalalakihang napapalingon dito at sinisipulan pa ito.

Anong ginagawa ng babaeng ito rito?

Zhaine jumped into the conclusion that the two were going to meet in that place. It was obvious to figure out. Nang hindi man lang ipinaalam ni Rham sa kaniya? Kailan pa ito natutong maglihim sa kaniya? Gusto tuloy niyang maghinanakit dito.

Nagmamadaling tumayo si Rham at sinalubong ito. "Hi, Alyanna!" Sinabayan ng kaibigan ang pagtakbo ng babaeng nagmamaganda. "Salamat at dumating ka na."

"Kanina ka pa?" ang narinig niyang sabi ni Alyanna. Hindi siya nagkamali ng sapantaha.

She's not totally an eavesdropper but when it came to Rham's concern, she considered herself as one. Bumuntot siya sa likuran ng dalawa at pinakinggan ang pag-uusap ng mga ito kahit ang gusto niya ay iwan na lang ang kaibigan. Ayaw niyang magmukhang alalay ng mga ito. Nasa likod niya ang bagpack na naglalaman ng towels at ekstrang damit nila ng best friend.

"No, just recently." ani ni Rham.

Napakunot si Zhaine. Dalawang oras itong naghintay. Kung alam niyang makikipagkita lang ito sa babaeng iyon ay kanina pa niya niyaya itong umuwi. Pero mukhang walang pakialam ang kaibigan sa kaniya. Na kay Alyanna ang buong atensiyon nito. Kinakausap ito ni Rham at sumasagot naman si Alyanna.

"Puwedeng mahingi ang number mo?" tanong ni Rham sa babae.

"Sure. Mamaya pagkatapos nating mag-jogging, ibibigay ko sa iyo." sagot ng babae.

My Big Best Friend (s0on to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon