Hired
I got a phone call from 102.8. Charleston Univ Radio. Yes. May sariling Radio Station at TV Station ang Charleston. Kumpletong kumpleto. Ang kulang na lang siguro ay SM. Lol. Pero malaki din naman yung canteen and mga booths dito. Parang Mini SM ang datingan niya kasi kumpleto din ng mga gamit.
Nagpeprepare ako para sa interview ko ngayon sa CU Radio. Kailangan presentable ako kahit ngayon lang. Siyempre, naniniwala ako ng first impression lasts. So, I'm wearing an all black outfit pa rin pero this time, it's a black skirt and blouse na black na pinartner ko sa black flats.
Di naman ako kabado kasi mahilig naman ako talaga sa ganito, so kailangan ko na lang siguro iimpress yung magiinterview sakin. Nandito na ko sa radio station at hinihintay ko na lang yung magiinterview sakin.
"Kamusta interview?" Lance asked me as soon as I get out of the station.
Nag pout ako. Tas umasta na parang iiyak. Then i ran and hugged him. "I passed! Lance! Magstart na ko bukas!!" I screamed at the top of my voice.
"Oh. Wow. Congrats. I knew it! Makukuha mo yang spot na yan. And sana lagi kang masaya para yayakapin mo ko." He winked at me.
Yuck. Kadiri. Ano ibig sabihin nun? Topak talaga to. Pero masaya ko kasi i got hired. Magkakaroon na ko ng extra income plus training ground ko na to kasi ilang taon na lang gagraduate na ko.
Nagpasiya ang buong barkada na ilibre ako dahil unica ija nila ako (Kahit di naman nila ako tinatratong babae) tapos nakapasok pa ko sa Radio CU. Dahil libre, susulitin ko na at ako ang nagpasiya kung saan kami pupunta. Dahil gusto ko ulit mapakinggan yung malamig at magandang boses ng bokalista ng The Omen, sa Zeta Bar ako nagaya.
Kung sinuswerte ka nga naman, isa sila sa performers ngayon. Pagpasok na pagpasok namin ng bar, rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao. Bakit kaya? Umupo kami sa medyo gitna pero harap pa rin naman.
"And this will be our last song for this evening..." That familiar voice. Napalingon ako sa nagsasalita. He's still wearing that mask.
"Kakarating lang natin nakuha mo agad atensyon niya ah?"
"Ha?" Inosente kong tanong kay Niel.
"He's looking at you, Louis."
"Wow ha. Lawak ng imahinasyon niyo ah. Feeling mo lang yan, Niel. Parang hindi naman ako yung tipong headturner no." Which is true. Di naman ako maganda, besides, gwapo kaya ako. Hahaha.
Umorder na ng snacks and drinks sila Lance. Siyempre, bawal uminom ng hard kaya light lang tong inorder nila sakin. Di ko na napansin kasi nakatitig lang talaga ako sa taong naka mask sa stage. Nagstrum siya ng gitara. Nakakadala talaga, yung presensiya niya pa lang. Yung pagstrum niya ng gitara niya, grabe. He really have this talent.
Oh girls these nights are dull
I wish that I could spend them with you
I'm looking at this wall
Repeating Girl I love You
Pakiramdam ko hinehele ako ng sa kanyang pagkanta. Pakiramdam ko para sa akin ang kantang inaawit niya. Bakit ganon? Bakit feeling ko sinulat ang kantang iyon para sa akin? Grabe, iba ang nagagawa niya sa mga nanunuod sa kanya.
And now I am scared to move
Don't listen to a word I tell you
Just take me by my hand
And I swear I'll make this up to you
Bakit feeling ko sakin siya nakatingin? Bawat salitang bitawan niya, tumatagos sakin. Tagos sa buto! Nakatakip man ang muka niya, pero ang mata niya... Ang mata niya ay nangungusap. Nagulat ako ng mapansin kong nakatingin siya sa banda namin. No, nakatingin siya sa... sa akin?
BINABASA MO ANG
Kismet
Teen FictionKismet. Fate. Destiny. It's funny how fate intrude in someone's life and make it as its playground.
