Chapter 5

28 4 0
                                    

The Meeting (Part 2)

Arjay's POV

I saw Louis ran towards the crowd. Kahit kelan tsismosa to. Hahaha. Pero feeling ko medyo narelieved na rin siya dahil na divert ang atensyon ng tao sa papadating which is I'm pretty sure na sila Zhang yon.

Everytime na dadating o dadaan yung grupo nila Zhang, halos mamatay sa tuwa't kilig ang mga babae. Ewan ko ba. Eh mas gwapo pa kami nila Miguel dun! 

Their group is composed of three drop-dead bachelors. Si Lee or Lenard Zhang, Lester Gonzales na pinsan ni Miguel, and Aki Kurunai.

Si Lenard Zhang. Mixture of Chinese, Korean and Filipino blood pero ewan bakit muka siyang Americano. Siguro dahil halo-halo na? Well, I don't care.

Siya ang leader ng grupo nila. Kapag sinabi niya, kailangan mong gawin or else you're dead. And obviously, siya yung anak ni Mr. Zhang. 19 years old. Taking up Civil Engineering. Varsity ng Basketball. And if I'm not mistaken, may banda siya pero ang di ko alam bakit di siya nagpapamember sa Virtuoso kasi ang bali balita ay magaling talaga siyang musikero.

Si Lester Gonzales naman ang anak ni Mr. Gonzales. Pure Pinoy. Pero para siyang may lahing American dahil sa features ng muka niya. First cousin siya ni Miguel. magkapatid ang Daddy niya saka si Mr. Gonzales. Varsity siya ng basketball kaya kilala ko siya.

And lastly si Aki Kurunai. Half Filipino Half Japanese. Anak ni Mr. Kurunai. Sobrang halata na may lahing hapon ito dahil pag ngumiti nawawala yung mata niya. :3 Kagaya ng dalawa, girls drool when he's around. Varsity siya ng soccer team.

Kung sa physical appearance lang, perfect is an understatement to describe them. Pero mas gwapo ko siyempre. Hahaha! I've known them for years dahil nameet ko na sila sa business event na inattendan namin nila Daddy. Sinasama na ko nila Daddy sa mga ganong event kahit bata pa ako para daw maexpose ako sa business scene. Plus parehas pa kami ng school since high school, kaya nagtataka ako kung bakit di kakilala ni Louis sila Lee eh we all graduated from same school.

"Who's inside the music room?" Si Zhang.

Katahimikan. Walang naglalakas loob na sumagot. Maybe kasi kasama kami ni Louis. Di naman sa pagmamalaki or what, stock holder din naman yung family namin ni Miguel dito sa Charleston kaya kilala din kami plus Varsity pa kami. Pero di kami katulad nila na mahirap iapproach at kinakatakutan.

"Them!" Sabi nung isang babae na naglalas loob na sumagot.

I saw Louis na salubong ang kilay. Hahaha! Kahit kelan talaga tong babaeng to. Amazona talaga.

"May problema po ba?" Burn Zhang! Bwahahaha. Sarcasm! Naka cross arms pa siya. Natawa ko. That's our girl! Hahaha!! Bigla akong siniko ni Miguel. Maybe nararamdaman niya yun tensyon and the fact na pinansin kami, or I should say, pinansin ni Zhang si Louis.

Nakakapagtaka kung bakit napansin ni Zhang yung ginawa namin. Alam kong magaling talagang kumanta si Louis. So, nagandahan siya ganon? Pero hindi eh. Bihira kasi talagang mamansin tong si Zhang. Lalo na sa mga students dito sa Charleston. Ang alam ko mabait naman tong si Zhang, it's just that di lang talaga siya ganon ka approachable.

"Tsk. Bird-brain." Zhang rant.

Tumalikod na siya/sila at naglakad na palayo. Wala bamg modo to? Pati babae papatulan? Bading talaga.

Di naman mukang tomboy si Louis. Sa totoo lang maganda naman talaga si Louis. Mas trip niya lang talaga kaming kasama kasi sabi niya mas komportable daw siya sa lalaki. Which I understand.

I saw the pissed Louis. Hahaha! Muka siyang amazonang mahaba ang nguso. Kala naman kasi niya uubra siya kay Zhang. Hindi niya din siguro alam na si Zhang ang isa sa anak ng may ari ng skwelahan na to.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon