Love Confession
Kanina pa ko balisa sa klase. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Tapos last subject ko for today. Half day lang kasi ako ng M W F. And Ito rin ang first day ng pag air ng new program na Love Confession.
Naabutan ko siyang nakapamulsa at nakasandal sa gilid ng booth ng Radio. Aga naman nito. Wala sa muka niya ang pagiging punctual.
"Kabado? Tsk. Palibhasa baguhan at bird brain." Sino pa? Edi yung kurimaw na kapartner ko.
"Oo nga eh. Kinakabahan ako kasi baka magkamali..." I paused for a while. "...ka." I said while smiling sarcastically.
Inirapan lang niya ako. Cute!! Yung dimples niya. Ugh. Mas lumalakas yung dating niya tuwing umiirap siya. Cut-- erase erase! Antipatiko pa rin siya. Ano ba tong utak na to.
Natapos na ang first airing ng program and nandito kami ngayon sa office ng station manager para ireview ang first airing.
Di naman maikakaila ang galing niya sa pagdi DJ. Maganda boses niya and malabo ang dead air sa sobrang daldal niya! My goodness! Ako pa ang nawawalan ng sasabihin tuwing babanat siya. Sarap niya tuloy banatan. Charing lang. Sayang ang pagiging gwapo niya kap-- hays! Ano ba tong sinasabi ko.
Nakita ko sa peripheral view ko na nakangisi ang antipatiko sa gilid habang pinapakinggan yung unang salang namin.
"Lumabas agad ang ratings for this day. And guess what? Number 1 ang love comfession! CONGRATULATIONS GUYS!" Sigaw ng station manager namin habang nakikipag kamay samin. Seriously?! Panong naging top 1 kami eh first airing pa lang yun plus the fact na masyadong mahangin tong kapartner ko.
"Thank you po." / "Thank you guys." Sabay naming sabi ni Zhang. Nagakatinginan kami ngunit binawi niya agad yung tingin niya. Wahaha! Talo.
Nakita ko namang namuo ang ngisi sa mga tao sa paligid namin. Tsk.
"This call for celebration!" Sigaw ng isang staff na panay ang pagpapacute kay Zhang.
"And since this was my first time doing this thing and successful agad..." Nagpause siya sandali. Seryoso? First time niya lang? Eh bakit parang ito lang ang alam niyang gawin sa buhay? Bat parang alam na alam niya yung ginagawa niya?
"Sagot ko na yung venue para sa celebration natin." Sabi niya habang nakangiti. Di ko mapigilang maasar sa kanya kahit nagmagandang loob siya sa pagprisinta ng ambag niya.
"Naks naman si partner!" Sabi ko na may halong sarcasm. "San naman? Sa beer house? Sige sagot ko na yung isang case ng red horse!" Singit ko habang humahalakhak. Wala akong pakielam kung nagmuka akong taong kanto. Ang mahalaga, nabara ko siya. Napansin ko namang natahimik ang mga tao at nakatingin lang saming dalawa at mukang naghihintay ng rebat ni Zhang sakin.
"No darling." He said while smiling. Shit! tumataas balahibo ko. "Sa Seteé Bar tayo. Sagot ko na yung pinakamalaking VIP room." Parang biglang nawala ang tensyon at naghiyawan mga tao sa loob ng room.
Bwisit talaga to! Napahiya na naman ako dahil sa kanya. Pangalawang beses na to ah! Nakakagigil! May araw ka rin talaga sakin Zhang!
Pero napaisip ako sa sinabi niya. Seteé Bar? Wooow. Dahil venue ang sinagot niya at sa Setee pa, he must be that rich para maafford isang VIP room sa isang high-end bar.
"Okay guys! Pack up na tayo. 8:00pm sa Seteé Bar mamaya! Sagot ko na food and drinks!" Sigaw na naman ng station manager namin.
"Whoo! Party party!"
"Yes! Libreng alak!"
Narinig kong sigaw ng ibang staff. Seryoso ba to? OA naman sila. Parang party at libre lang eh.
Naramdaman kong papalapit sakin si Zhang at napaatras ako ng mukang wala siyang balak magpreno. Medyo binend niya yung tuhod niya at pinantay ang labi niya sa tenga ko.
"See you later, Mosh." Goosebumps!
BINABASA MO ANG
Kismet
Teen FictionKismet. Fate. Destiny. It's funny how fate intrude in someone's life and make it as its playground.
