Chapter 9

16 4 0
                                    


Partner!

"You are listening to 102.8 Radio CU. You're still with me, DJ Mish. Makakasama niyo sa loob ng isang oras."

Kasalukuyang nag-e-air yung program na naassign sa akin. Sa Musical ako natapat kasi, sakto, mahilig ako sa music plus ito yung bakanteng program.

Nung unang salang ko dito sa Radio CU, kinakabahan ako at nakakapagproduce ng dead air pero ngayon okay na at nagiging madaldal na rin during my program.

Last day ko na ngayon dito sa program na to kasi may bago daw na program na sinet for me and hindi lang ako magisa. May kasama raw ako don. That's why excited na ko makilala kung sino siya! Sana gwapo, sana mahilig din sa music para magkasundo kami. Sana..

Kinabukasan, nagpunta ko sa office ng Radio station para makilala yung kapartner ko sa bagong program which is "Love Confession" daw.

"Miss Cortez, i want you to meet Mr. Zhang. Siya ang magiging partner mo para sa Love Confession na magsisimula na next week."

Di ko makita kung sino tong Mr. Zhang na to dahil nakatalikod. Pero mukang gwapo. Yung tindig niya, yung pagiging obvious ng biceps niya dahil fit yung suot niya. His hair...

"Hello Ms. Cortez." He smirked. Di ko makakalimutan yang smirk na yan! Nakakairita! Feeling gwapo!

"IKAW?!" Tinitigan ko siya ng masama. Please sana nakakamatay ang pagtitig ng masama para maglaho na tong lalaking antipatiko na nasa harapan ko.

"Magkakilala kayo ni Mr. Zhang, Ms. Cortez?" Sabi ng station Manager na parang nagdududa pa.

Napaawang ang bibig ako at nagsalubong ang kilay. Sa dinami rami ng pwede kong maging kapartner sa program na to bakit ito pang matapobreng ito?

"Well then, maigi yan at magkakilala kayo at hindi mahirap magiging adjustments niyo sa program lalo na't kailangan ng emotions sa bagong program niyo ngayon. O siya, maiwan ko na muna kayo at ibibrief kayo ni DJ Saf para makapag air na ang program niyo sa makalawa."

God! Why!? Bakit ito pa ang makakapartner ko? Napaka antipatiko niya! Napatitig ako sa kanya...

Ang ganda ng brown eyes niya. Yung makapal pero maganda niyang kilay. Matangos na ilong. Pinkish cheeks. And thin yet red lips. Sarap hali-...

"Miss, kung nakakalusaw lang ang pagtitig, lusaw na sana ko ngayon. Pakisara yung bibig mo."

Umirap lang ako sa kanya dahil sa inis at dahil na rin sa kahihiyan. Padabog akong pumasok booth ni DJ Saf. Narinig ko naman ang yapak niya na sumusunod sakin.

"What?! 6 months?!" Napatayo at napasigaw ako bigla ng nalaman kong 6 months yung pag-e-air sa Love Confession. Seriously?!

Natapos ang briefing at badtrip pa rin ako. Magstart na kami sa makalawa pero di ko pa alam pano magiging sistema namin. Ugh. Awkward!

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon