Chapter 3

47 6 0
                                    


Jamming


Today's saturday! Yehey! What to do? Hmm. Parang light bulb na nagningning yun ulo ko. Hihihi. Dahil stressed ako buong linggo dahil sa Hell week...

I dialed Vince's number.

*riiiiiiiing*
*riiiiiiiing*
*riiiiiiiing*

Ugh. Sagutin mo kang unggoy ka. Alas otso na ng maga tulog pa r---! Finally!

"Ano ba Mosh?! Ang aga aga mong tumatawag. Istorbo ka, alam mo ba yun?!" Nilayo ko tenga ko sa cellphone dahil sa pagsigaw niya. Kulugo talaga to.

I tried my best to sound like sweet.

"Uhmm. Kasi sabado ngayon and wala akong gagawin mamaya after ko maglinis ng bahay so..." I paused.

"What Louis? Inaantok pa ko kaya sabihin mo na yung sasabihin mo." Walang gana niyang sabi. Oh. That's new. Louis tinawag niya sakin. Hahaha. Pissed na to. Kasi tinatawag niya akong Louis kapag naaasar o pikon na siya sakin. Hahahaha. So gay.

"Tara mag-jam mamaya!" I said while smiling.

"Yun lang? Ge. Later." He said then hang up the call.

Wala talagang modo yung taong to kahit kelan. Pero yehey! Pumayag siya. Hihihi. Text ko na ang tropa para makapunta sila.

To: Vince, Shaun, Miguel, Arjay, Niel

Guys, jam maya. Sa studio nila Kuya Saster. 2pm. Dating mga piyesa! See you mga kurims! ^___^

/Sent

Lumabas ako ng kwarto ko to start doing household chores. Ganinto na routine ko ever since. Si pate at papa lang pumapansin sakin sa bahay simula ng aksidente. Kaso madalas wala si papa kaya bihira din kaming magkausap.

"Good morning ate. Kain ka na. Nakaluto na si Mama ng umagahan." Jossiah said.

I nod.

Jossiah pangalan ng kapatid kong bunso. Mabait siya pero minsan may topak din. Siguro nasa lahi namin. Hahaha! I went to the kitchen. Hmmm sarap. Champurado and itlog na maalat. Yum! Nakita ko si mama na nasa sink, naghuhugas ng pinggan. I breathe hard and try to compose myself.

"Ma, ako na po diyan sa mga urungin. Magpahinga na po kayo."

As usual. Di siya sumagot. Tumango lang siya at umalis na sa kusina. Hays. Sanay naman na ko pero umaasa pa rin ako na babalik yung dati kong mama.

Tinapos ko na yung urungin. Sinunod ko yung paglilinis ng bahay. Nagwalis ako sa buong bahay. Nag map ako. Pagkatapos nilabhan ko na mga maruruming damit. Simula kasi nung hindi na ko kinakausap ni Mama, naisipan kong ako na ang gumawa ng mga bagay na ito para kahit papano di siya mapagod at makabawas bawas ng sama ng loob niya sakin.

Nakakapagod. I checked my watch. 11am. Pwede pa kong umidlip tutal mamaya pa naman kaming 2pm magkikita kita.

I close my eyes.

*beep*
*beep*
*beep*

Ano ba yan halos kakapikit ko pa lang may mangiistorbo na agad. I grabbed my phone and check it. 11 messages. Ay? Ang oa naman ng mga to.

5 messages from Vince
3 from Miguel
2 from Shaun
1 Unknown number

From: Vince Unggoy

Hoy Mosh! Andito na kami! Asan ka na ba?! 😡

From: Vince Unggoy

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon