Prologue

50 1 2
                                    

Hindi ko inasahang balang araw ay kakainin ko lahat ng sinabi ko. Hindi ko alam kung ilang ulit ko pa ‘tong gagawin pero kung ako ang tatanungin, ayoko nang ulitin.

Of all the things I have to swallow, the pride and the devastation are the hardest to digest. Naaalala ko pa kung gaano pa ako kumontra sa mga sinasabi ng iba believing that what I have is so much different, something that everybody would wish to have. Something so strong. Something long-lasting. Kumbaga sa cellphone, kami ‘yong Nokia na hindi basta-basta nasisira.

Nang umalis ako patungong China para matuto at dahil na rin sa gusto ko, wala akong pangamba dahil pinanghawakan ko ‘yung paniniwala kong ako lang ang mahal niya. Pero sa pag-alis na ‘yon, doon ko nalaman na ang dali palang masira ng tiwala at puso. Pilipino ako, pero sa mga sandaling ‘yon, naniwala akong I was made in China. Ang daling nawasak. Ang daling nasalanta.

Nakakapagod? Siguro. Pero mas nakakatakot. Ang hirap tumayo na para bang isang paa ko ang naputol. Habang tumatakbo ang oras, ako heto, nakatigil lang. Tuluyang iniiwan ng panahon. Tuluyang nakukulong sa kahapon.

Kung pwede lang magka-amnesia para lang makalimutan ko na minsan sa buhay ko, dumating siya. Kung pwede lang magpaturok ng anesthesia para hindi ko na nararamdaman ‘to.

At sino nga palang nagsabing may nagtatagumpay na relasyon ‘pag long-distance? Pakisampal ako.

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon