Chapter 1- Ready to Go...Back

31 2 0
                                    

**Raffy's point of view**

August 2, 2013, Friday

Beijing, China

“All my bags are packed. I’m ready to go…”

Unang linya sa malungkot na kanta ni John Denver na okay sanang maging themesong ng pag-alis ko kaya lang hindi naman bagay sa nararamdaman ko ngayon. Malungkot yung kanta. Masaya naman ako. Masayang-masaya.

Ang daming nagsasabi o naniniwala na wala nang mas sasakit pa sa pagsasabi ng “Goodbye”. Nagtataka nga ako bakit Goodbye ang tawag kung hindi naman ma-ijustify ‘yong “good” sa salitang ‘yon. Dito sa Beijing, “Zai jian” ang sinasabi namin kapag magpapaalam pero at least ang ibig sabihin non ay see you or ‘til we meet again. Wala kang kelangang ijustify. Kelangan mo lang magpaasa na makikita ka pa nga nila.

Malungkot magpaalam, oo. Pero ako, masaya ako dahil uuwi na ko sa tunay kong tahanan. Wala namang mas sasarap pa sa katotohanang makakasama mo na ang mga mahal mo sa buhay, diba? Nakapagpaalam na ko kahapon sa mga naging kaibigan ko dito sa loob ng isang taon- Mga Chinese na nagparamdam sa’kin na hindi ako iba, na hindi ako malayo sa sarili kong bansa. Sa totoo lang, hindi naman talaga lahat sa kanila ay gaya ng iniisip ng karamihan sa ‘tin. Hindi naman talaga sila kuripot, responsable lang sa pera. Hindi naman sila ganon ka-rude sa ibang Chinese na lahat na inagaw, lahat na pineke. Mababait din sila at masayahin at sa tingin ko naman, naging totoo sila sa’kin. Peke ang mga gamit, oo. Pero sila, hindi. Hindi ako nagsising pinili kong graduation gift ang pagpunta rito. Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko kasi pumayag sila kahit malayo. Kasi alam nila, dito ako masaya.

Speaking of malayo, sinong nagsabing marupok ang relasyong long-distance? Well, screw you kasi nabubuhay kami ni Martin sa malayong relasyon. Take note, we are going strong. Para san pa ang technology kung hindi mo gagamitin ng maayos? Kaya ayun, teknolohiya ang namagitan sa relasyon namin. Hanggang virtual hugs and virtual kisses, usap sa telepono, text text pag medyo nagtitipid. Sakripisyo lang naman yan eh. At tiwala. At pagmamahal.

Katulad ngayon, dalawang linggo nang hindi nagpaparamdam si Martin. Pero hindi ako nangangamba. Kasi nga may tiwala ako. Isa pa, ilang araw na lang ay 2nd anniversary na namin. Wala akong balak ipaalam sa kanya na uuwi na ko kasi nga susurpresahin ko siya. Sabi niya rin kasi, ipapakilala niya ako sa mama niya pag-uwi ko. Hindi kasi nangyari ‘yon nong nasa Pinas ako kasi nasa Spain naman ang mama niya. Pero ngayon, for good na ang nanay niya sa Pinas. Papa na lang niya ang naiwan sa Spain.

Itong hindi niya pagpaparamdam na ‘to, alam kong plano rin niyang sorpresahin ako. Mahilig kaya ‘yon sa surprise. And he is so romantic. Kung boyfriend lang din ang pag-uusapan, I could say I am the luckiest to have Martin in my life. Bongga nga eh! Nagkakilala kami kung kelan pareho kaming ngarag sa studies. Pareho kaming graduating non. Pero hindi naging hadlang ‘yong pagkabusy sa’ming dalawa. Hindi nga rin hadlang ang distansya eh. Maswerte ako kasi nandiyan lagi si Martin para magpasensya at umunawa. Sobrang supportive niyan. Kaya nga nong nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako dito, pumayag agad siya. Naalala ko pa ‘yung eksaktong sinabi niya:

Para san pa’t minahal kita kung hindi ko rin mamahalin ‘yong mga bagay na gusto mo?”

Sino nga ulit ang magsasabing hindi magwowork ang Long-distance Relationship? Sasampalin ko. Joke. Pero seriously speaking, walang imposible. Love knows no distance. Hindi ko nga magets ‘yong mga bitter sa LDR eh.

Anyway, in an hour or two, lilipad na ko patungo sa pinakamagandang lugar na napuntahan ko… Pilipinas! Here. I. Come.!!!

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon