Chapter 8- The Diversion

25 1 0
                                    

                             **Raffy’s point of view**

August 12, 2013 Tuesday

Agad kong sinend kay Carine lahat ng photos ng mga lumang gamit ko na napagdesisyunan ko nang ibenta. Kabilang dito ang mga bag ko, ilang dresses at ipod at netbook. Mga ayos pa naman sila at tiyak na mapapakinabangan pa ng iba.

Gusto ko sanang lumabas ng bahay at magpunta sa bakehaus kasama si mama pero umuulan. Hinihila ako ng kama. Ramdam ko ang lamig pero wala pa ito sa kalingkingan ng lamig sa China nong winter. Pero iba ang lamig na dala ng panahon. Doble kesa sa inaakala kong mararamdaman ko dito sa Pilipinas. Hindi naman big deal sa’kin dati ang tag-ulan pero ngayon parang bawat patak nito, may ibig sabihin. Ayokong maniwala na sa loob ko, may nangyayari ring tag-ulan. Ang tahimik ng paligid pero yung diwa ko ang ingay, ang daming iniisip, ang daming tinatanong.

 Napatingin ko sa paligid ng kwarto. Nakita ko ang malambot at napakalaking teddy bear na binigay sa’kin ni Martin na sa pagkakatanda ko’y wala namang okasyon nog mga oras na 'yon. Malinaw pa sa alaala ko ang ngiti niya sabay sabing, “kelangan pa ba ng okasyon para maalala kita?” Napalingon naman ako sa malaking sweater na binili niya sa’kin nung nagpunta kaming Baguio. Pares kami ng sweater at nakalagay “I love Baguio” pero tandang-tanda ko pa nung nagbiro siya at tinuro ako sa ibang tao matapos niyang ituro ang nakasulat sa sweater: “But I love this girl more than Baguio.”

Hindi ko maiwasang mangiti at mangibabaw ang luha sa mata ko dahil sa lahat naman ng masarap tanawin, bakit yon pa ang hindi mabalikan?

Sa layo na ng nilakbay ng diwa ko, nagring ang cellphone kong ikinulong ko sa drawer mula nang bumalik ako. At nang makita ko kung sino ang nasa kabilang linya ay may kaunting disappointment akong naramdaman.

“Oh hello Carine?” pinilit kong maging masaya ang tono ng bati ko.

“Raffy! Natanggap ko na ‘yung photos na sinend mo. Sigurado ka di mo na gagamitin ‘yon?”

“Yeah! Sure na sure.” ani ko. “Do you think we can get the desired amount of fund na kailangan natin sa party ng mga bata?”

“Hmm. Tingnan natin. Pero para sure dagdagan pa natin ng mga ibebenta.” sagot niya. “Ano kaya kung ibenta mo na rin yung regalong ibibigay mo sana kay Martin last last Sunday?”

At natigilan ako… Hindi ko talaga alam ang irereact, actually.

“Ahh.. pero siguro pwede namang hindi na natin idamay ‘yon.” biglang bawi ni Carine.

“No! I-I think it’s a good idea. Go on! Sell the watch.”

“Sigurado ka? baka naman…”

“No. Just go on.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, I immediately hang up the phone. Hindi ko na rin kasi alam kung paano ko pa makakayang ang lahat na lang ng bagay may alaala niya.

Isang linggo na rin nang huli ko siyang makita... sa piling pa ng iba. Isang buwan na rin na hindi ko siya nakakausap. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal sa mga kamay ng iba at hindi ko maiwasang isipin na sana pala hindi na lang ako umalis. Sana hindi na lang ako nagpumilit. Sana ako na ang naunang makipag-usap. Baka siguro ngayon, may nabalikan ako. Baka siguro ngayon, gaya pa rin kami ng dati. At siguro kung hindi nagkaganto, baka kasama ko siyang magplano ng Christmas Party para sa mga bata sa ampunan.

December 3, 2011 Saturday

Children of God Orphanage

Excited na excited akong pumasok habang hila-hila ko ang kamay ni Martin. Hindi na ko makapaghintay na makita ang mga ngiti ng mga batang puno ng pag-asa at saya.

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon