Chapter 9- Meet-up

19 0 0
                                    

**Raffy's point of view**

August 13, 2013 Wednesday

Oh thank goodness!! The rain has finally stopped. Ang panahon ay nagbago pero yung nararamdaman ko, hindi pa rin. Pilit kong nilalabanan dahil ayokong isuko ang lahat ng magagandang alaala para lang ihatid sa katapusan.

Kakatapos ko lang gumayak nang magbeep ang phone ko, chineck ko ito agad:

"Hey Raf! Dumaan ako sa bakehaus, kunin mo na lang don yung memory card. At send ko na lang sa'yo yung photo nung kikitain mo. Wendy Cristobal  ang pangalan.. Thank you talaga, Raf!"

Si Carine pala ang nagtext. Napabuntong-hininga na lang ako. All this time, I'm still hoping that his name will appear on my inbox. Isang buntong-hininga pa ulit. Pero nagreply ako sa message ni Carine. I told her I'm wearing a pink cardigan, with white sleeveless inside and dark brown leggings.

Agad din naman siyang nagreply at sinabing sa coffee shop ang meeting place.

Nag-ayos lang ako ng kaunti at dumiretso na agad sa bakehaus para kunin ang memory card. Matapos non ay pumunta na ako sa meeting place. Tumingin ako sa paligid. Mamasa-masa pa ang semento dulot ng ulan. Wala pa akong napapansing taong naghihintay rin. Kaya umupo muna ako at umorder ng frappe at cinnamon bread. Hindi ko maiwasang hindi maalala si Martin sa bawat lugar ng coffee shop na 'to. Madalas din niya akong dalhin dito. Sa totoo lang, siya ang nag-impluwensiya sa'kin sa pagkain ng cinnamon bread. Ayoko kasi talaga ng pasas pero nang tikman ko ang tinapay na 'to, nagustuhan ko na.

I glanced at my watch. Five minutes na pala akong naghihintay. To be honest, waiting is the thing I hate the most. Hindi ko kasi kailanman napaghintay ang isang tao, well except for Martin who waited for me ng mahigit isang taon. Pero... hindi nga yata niya ako nagawang hintayin eh. But I don't want to speculate. I want to give him the benefit of the doubt. Ganun ko pinapangalagaan ang oras. Ayokong naghihintay pero para kay Carine, ginawa ko hindi lang dahil sa kaibigan ko siya but also because she has given me so much para tanggihan ko pa siya.

 Minuto pa ang lumipas. Naubos ko na ang pagkain ko. Nabilang ko na lahat ng customer na dumarating dito. Marami nang umalis, marami nang dumating pero ako nandito pa rin.

 Pinili kong lumabas na lang kahit umaambon. Sumilong ako sa labas ng coffee shop kasama ng ilang taong tila nastranded din at piniling magpatila muna sa munting bubong na 'to.

Mga dalawang metro siguro sa'kin ay may narinig ako. Hindi ko naman sinasadyang marinig pero malakas kasi ang boses ng lalaking 'to.

"Akala ko ba alas-dos ang usapan eh bakit wala pa rin 'yon? Bakit ba kasi ako pumayag eh! Alam mo bang abala 'to sa'kin?... Ay naku naman! Baka naman manggagantso 'yang Carine na 'yan?"

At natigilan ako ng marinig ang pangalang binanggit niya. Agad kong chineck ang photo ni Wendy na sinend ni Carine sa'kin. Kamukha niya ito. As in kamukhang kamukha niya. Ang kaibahan lang ay lalaki ito.

Hindi na ko nagdalawang isip, nilapitan ko agad ang lalaking may katangkaran, maputi, balingkinitan at nakajacket na itim.

"Excuse me?.. W-Wendy... Cristobal?"

Tumingin lang siya sa akin. Matulis ang tingin. Mukhang inis na inis.

"Wendy!? Mukha bang Wendy ang pangalan ko?" pagtataas pa niya ng boses.

"I-I'm sorry but... kamukha mo kasi yung imi-meet ko ngayon na umorder ng..."

"16gig memory card?!"  lumapit siya sa'kin at umayos sa pagkakatindig. "So ikaw si Carine.. Hulaan ko ang apelyido mo?"

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon