Chapter 5- The Blind Optimism

18 1 0
                                    

                                                                **Carine’s point of view**

August 6, 2013 Tuesday

Kahit na inabutan na kami ng madaling araw ng mga ka-banda ko sa gig kagabi, maaga pa rin akong bumangon para pumunta kina Raffy. Ang daming mga request ng customer ang nareceive namin at masaya ko’t malaki ang tip na nakuha namin dahil sa tanang buhay ko sa pagbabanda, kagabi ko lang naranasan na sobrang daming may gusto ng musika ng banda ko.

Naisip ko, dahil ‘to kay Raffy. Mula kasi nang makilala ko siya nong elementary, lahat nang magagandang bagay, natamasa ko. Napakaswerte ko’t siya ang nakilala ko at mas maswerte akong ako ang napili niyang maging matalik na kaibigan. Buong pamilya niya, tinanggap din ako bilang bahagi ng pamilya. Hindi ko sila kadugo pero malaya akong maglabas-pasok sa bahay nila at sa bakehaus kahit hindi ako customer. Alam ko nga rin ang ilan sa mga recipe ng side dishes ng nanay niya eh, na madalas i-serve sa bakehaus.

Ala-siete y media pa lang ng umaga, umalis na ko sa amin at nagtungo na kayla Raffy. Unang tumambad sa’kin si Ronnie na naka-uniform at gayak na gayak na para pumasok sa eskwela.

“Hi, Ronnie!”

“Hi, ate Carine. Ate Raffy’s still in her room.”

“Thank you.”

Ngiti na lang ang tinugon niya sa’kin at saka siya sumakay ng kotse.

Dumiretso agad ako sa kwarto ni Raffy. Matagal ko ring hindi nagawa ang paggising sa kanya kada umaga kaya eto.

Ngunit nang makarating ako sa kwarto niya, hindi ko inasahang nakabangon na si Raffy ng ganito kaaga. Nakaupo siya sa malambot na upuan sa may bintana. Dilat na dilat ang mga mata ngunit tila nasa malayo ang diwa. Alam kong naramdaman niya ang pagpasok ko pero hindi siya kumibo. Naisip ko, ganito siguro siya kaagang gumising nong nasa China siya.

“Agang bangon ah!” bungad ko.

Lumingon siya sa’kin. Ngumiti at agad iniwas ang tingin.

“Naisip ko kasing maglinis ng kwarto ko.” Sagot niya na tila walang emosyon.

Dumiretso ako sa kama niya at umupo. Nakita ko ang bukas na kahon ng mga larawan nila ni Martin.

“Oh.. Kumusta na nga pala yung pagsurpresa mo kahapon?”

“Ayun! Ako ang nasorpresa...”

Wala pa ring nagbago sa tono ng kanyang pananalita, hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

“Anong nangyari, mas romantic ba? Alam mo, ang swerte swerte mo kay Martin, kasi nakapaghintay siya ng isang taon mahigit. Tapos ganyan pa rin siya sa’yo tapos alam mo...”

“Kumusta nga pala gig mo?” pagsingit niya.

Natigilan ako. Doon ko nalamang may ibang nangyari kahapon. Ngunit hindi ko muna ito pinansin.

“Ahhh.. Ayun, ayos naman. Alam mo ba ang daming nagtip sa’min kagabi. Ang lakas ng kita. Swerte ka talaga kasi nung dumating ka dito, ngayon na lang kami nagkaganto.”

Hindi siya tumugon dito. Nasilayan ko ang mukha niya. Alam kong may bumabagabag sa kaibigan ko.

“Raf, ayos ka lang ba? Ano bang nangyari?”

Ngayon ko lang nakitang ganito kamugto ang mata ni Raffy. At sa mga oras na ‘to, nakita kong may tubig na naman sa kanyang mga mata, ngunit agad niya itong pinunasan.

“Okay lang ako. Medyo nako-confuse lang but I’m okay. I’m okay..”

Sa puntong ‘yon, hindi ko masabi kung ako pa ba ang kinukumbinsi niyang maniwala o ang mismong sarili niya.

Yakap na lang ang naibigay ko sa kanya. Nang tanggalin ko ang mga braso ko sa pagkakayakap ay nagbuntong-hininga ito na akala mo’y sobrang higpit ng yakap ko.

“Okay! I’m sorry if I can’t go into details but aaminin ko... it was not something I’d ever expected to happen or to witness. Pero alam ko okay pa ako.. okay pa kami. I am hopeful! Optimistically hopeful na malalampasan namin ‘to pero ayoko munang magkwento about that.”

Tumayo siya pagkakaupo. Humiga siya sa kanyang kama.

Alam kong hindi ito ang tamang oras para magpasuggest ng kanta at magkwento pa ng mga nangyari sa gig kagabi.

“Kailangan mo ba ng kasama ngayon?” tanong ko.

“No.. I’m okay. In fact, what I really need is a time for myself right now.”

Sinuri ko pang mabuti kung gaano ba ka-devastating ang nangyari, pero hindi ko alam ang tunay na sagot dahil siya lang ang may alam nito. Umaasa akong magkakaroon na siya ng lakas ng loob na ikwento ito sa mga susunod na araw.

“So pano, aalis na lang muna ko ha. Sigurado ka, okay ka lang ha?”

At tango na lang ang naitugon niya sa akin.

Nang palabas na ako ng kwarto ay natanaw ko sa sulok ang regalong kahapon ay ibinalot namin para kay Martin. Natigilan ako at muling nilingon si Raffy. Ganon pa rin, tahimik, nakatingin sa kawalan.

Lungkot at pagtataka ang bumalot sa akin paglabas ko ng bahay. Huwag naman sanang masaktan ang kaibigan ko dahil hindi niya deserved ‘yon. Pero naisip ko, sa lahat naman ng relasyon, dumadaan sa mga matitinding problema. Sana pagsubok nga lang ang nangyayari sa kanila ni Martin. At sana malampasan nila ito ng matagumpay. 

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon