Chapter 2- My Valentine

18 0 0
                                    

                                                                            **Raffy's point of view**

February 14, 2012 Tuesday

St. Judielle University

 Kasama kong naglalakad si Maureen, thesis mate ko, papunta sa classroom. Napansin kong ang daming decorations bawat pader at kisame na mga cupids at mga puso. Puro pula. Puno ng dedications ang Bulletin board.

Kung gaano naman kagaan ang atmosphere sa paligid ng campus, ganoon naman kabigat ang kabang nararamdaman namin sa nalalapit na defense. Minsan nga naisip ko, gaano ba kahina ang mga thesis at bakit kelangang depensahan pa sila? Magsama nga sila ng Math na hindi maisolve ang sariling problema. Isama na rin ang Dependent Clause na hindi makapag-isa.

“So kelan ka bibili ng dress?” tanong ni Maureen.

“Dress? Sa graduation?” tanong ko pabalik.

Tumawa siya. Hindi ko alam kung bakit.

“Graduation agad? Defense muna. Excited ka masyado.”

Napailing na lang ako.

“So kelan nga? Sabay na ko.”

“Defense agad? Hindi pa nga kumpleto yung thesis natin eh. Ikaw yata ang excited diyan eh.”

Napakamot sa ulo si Maureen.

“Oo nga pala! Dami kasing iniisip eh.”

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at muling binasag ni Maureen ang sandaling katahimikang nangibabaw sa amin.

“Nasabi mo na ba sa magulang mo na nakapasa ka diyan sa Mandarin exam?”

“Oo.”

Kumusta naman?”

“Sabi ko, gusto kong i-grab ‘yong opportunity na makapag-explore don. Sabi ko, kahit ‘yun na lang ‘yung grad gift nila.”

“Pumayag sila?”

Tumango lang ako.

“ Alam na ba ‘to ni Martin?”

Umiling ako.

“Pano siya?”

“Sasabihin ko rin naman sa kanya.”

“Pano kayo?”

Natigilan ako sa tanong niya at tumingin sa mga mata niya.

“Bakit? Anong paano kami?”

“Isang taon ‘yun, Raffy. Malayo.”

Bago ko sinagot si Maureen, nagbuntong-hininga muna ako. Humugot ng lakas para sumagot sa tila ba’y kumplikadong pangungusap.

“Anong kaso kung malayo at matagal? May batas na ba na bawal maging magkarelasyon ang malayo sa isa’t isa?”

“Ang ibig ko lang naman sabihin…”

“na maghihiwalay rin kami?”

“No. Ang ibig kong sabihin… Walang tumatagal sa LDR.”

Tinitigan kong muli sa Maureen sa mata.

“We’re the exception.”

Ilang saglit pa’y tumunog ang aking cellphone. Si Martin tumatawag. Agad ko itong sinagot.

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon