Chapter 13- Still alive but barely breathing

6 0 0
                                    

***Carine’s point of view***

September 1, 2013 Sunday

Sinagot ko sa ikatlong ring ang tawag na may nakaregister na pangalang Wendy sa phone ko. Hindi ko alam kung kailan ko sinave ang pangalang ‘to. Hindi ko na rin matandaan kung kaninong number ‘to o kung kelan ko nakilala ang may pangalang Wendy.

“Hello!” bati ko.

Lalaki ang boses ng sumagot. “Hello, si Carine ba ‘to?”

“Ito nga. Sino ba ‘to?”

“Si Warren! Yung tumulong sa’yo nung nalasing ‘yung kaibigan mo sa bar. Kapatid ko kasi si Wendy at ako ‘yung inutusan niyang kumuha nung inorder na memory card.”

Inisip ko pa ng ilang saglit bago ko naalala si Warren.

“Ahh! Oo! Warren! Natatandaan na kita… O bakit? May problema ba sa memory card?”

“Wala naman. Yung kaibigan mo kasi nakita ko nong nakaraan, naiwan niya yung pouch niya. Hindi ko naman alam kung pano ko ibabalik. Hanggang sa naalala ko na may contact pa nga pala yung kapatid ko sa’yo.”

Hindi ko alam ang dahilan ng paglaki ng ngiti ko..

“Talaga? Ganun ba? Pwede mo bang ibigay sa kanya ng personal? Itetext ko ‘yung address.”

Pumayag siya. Pagbaba ng phone ay nakangiti pa rin ako.

Sa ganitong panahon ay kailangang makakilala ni Raffy ng bagong kaibigan. Mas mabuti kung lalaki.

Nang tanghali ay dumiretso ako sa bakeshop nina Raffy. Naabutan ko siya roon na nagbabasa ng magazine.

“Raffy!” tawag ko.

Tumingin lamang siya at ngumiti.

“Bagong flavor ulit?”

“Nagba-browse lang ako..” tipid niyang sagot.

Umupo ako sa tabi niya.

“Kumusta ka na, Raf?”

Nagbuntong-hininga siya bago sumagot..

“Ito, facing the reality. Trying to move on! Diverting myself to something worthy.”

“Anong plano mo niyan?”

Sinara niya ang binabasa niyang magazine at tumingin sa’kin.

“I’m planning to apply to some universities. Magtuturo ako ng linguistic. Pwede rin naman maghanap ng trabaho abroad,” sagot niya.

Nakikinig lang ako. Masaya ako’t sinusubukan niya kahit papanong makaraos sa sakit na naramdaman niya nitong nakaraan.

“Nagpasa ng ‘ko ng resume. Hopefully! Matanggap ako! Pero sa ngayon, magfocus muna ko sa orphanage..”

Sa kalagitnaan ng pag-uusap ay natanaw kong papasok na si Warren.

“Wait lang, Raf, magsi-CR lang ako..”

Nagtago ako sa likod ng pader. Dumiretso sa harap ng counter si Warren.

“Excuse me..” aniya.

“Good morning sir, What’s your…”

Lumabas na ko sa pinagtataguan ko. Nakita kong natigilan si Raffy pagkakita kay Warren.

“What are you doing here?”

Minabuti ko nang lumapit kay Raf at binulungan ko siya, “Raf, wag mong sungitan. Siya ‘yung…”

“the rude brother of Wendy, our customer?” pagsingit pa ni Raffy.

Nakita kong napapailing na lang si Warren.

“Siya yung nag-akay sa’yo nung lasing na lasing ka!” saad ko.

Nanlaki ang mata ni Raffy at tumingin kay Warren para sa paglilinaw. Ngumiti lang si Warren habang taas-baba ang kanyang kilay.

“You’re welcome, malditang lady!” pang-aasar pa ni Warren.

“Ano ba kasing ginagawa mo rito?” tanong ni Raffy.

“Kakain, malamang! Saka ibabalik ko ‘tong pouch mo! Naiwan mo sa waiting shed nung nakaraan!”

“Ang pouch ko!” bulalas ni Raffy pagkakuha ng pouch.

“You’re welcome ulit ha!” ani Warren.

Hinila ko sandal si Raffy at muling binulungan, “Raf! Wag mo namang sungitan ‘yung tao. Kausapin mo ng masinsinan at magpasalamat ka.. Ang buti buti ng ginawa niya sa’yo oh!”

Nagbuntong-hininga si Raffy at binaling kay Warren ang atensyon.

“Sandali lang.” saad ni Raf.

Lumingon si Warren.

“Maupo ka muna diyan,”

Ngumiti si Warren at sinunod ang utos nito.

Ilang saglit pa’y pinuntahan ni Raffy si Warren dala ang Iced-cold coffee at blueberry cupcake. Umupo siya sa tapat nito. Hindi ko na sila sinundan. Dinig na dinig ko naman ang kanilang usapan mula dito.

“Oy! Salamat ha! Libre ba ‘to?” ani Warren.

“Pasasalamat ko na ‘yan! Sa pagbalik mo nung pouch ko, sa pagpapaangkas mo sa’kin, sa pag-akay mo sa’kin when I was drunk.”

“Welcome!”

Pinanuod lang ni Raffy kumain si Warren.

“Nagiging Amerikana ka pala ‘pag lasing ka noh?”         

Hindi sumagot si Raffy.

“First time mo uminom noh?”

“Hindi noh!”

“Kaya pala sobrang lasing mo non. Bakit ka nga ba naglasing?”

“None of your business.”                                       

“Dahil ba dun sa timang na may kahalikan sa harap ng hotel?”

Tiningnan lang siya ni Raffy ng matalim na tingin.

“Okay.. Sorry.”

Mayamaya pa ay tumayo na si Raffy at dumiretso sa counter. Naupo na lang doon at nanahimik. Matapos naman kumain ni Warren ay pinuntahan koi to at hinatid sa labas.

“Pasensya ka na sa kaibigan ko ha,” sabi ko.

“Okay lang! Libre naman yung kape eh. Solve na ko!”

“Salamat ulit!”

At sumampa na siya sa kanyang motorsiklo at umalis.

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon