Chapter 12- Somebody's Heartbreak

7 0 0
                                    

**Warren’s point of view**

August 19, 2013 Monday

Malakas ang tugtog sa opisina. Boses ni Adam Levine ang sumakop ng buong lugar ngayon pero hindi masyadong nakuha ang atensyon ko ng kanyang kanta gaya ng dati. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi mabura sa isip ko ang mukha nung babaeng nakilala ko noong nakaraang linggo.

Kakaiba ang naramdaman ko nang makita ko siyang umiiyak at sobrang lugmok nang malaman niyang niloloko siya ng mahal niya. Sa di ko malaman na dahilan, bigla ko na lang pinutol ang komunikasyon kina Melanie at Jackie na pinagsasabay ko at pinaglalaruan. May kung ano sa loob ko ang naguilty nang makita ko sa harapan ko mismo ang babaeng walang magawa habang nakikita niya mismo na niloloko siya ng taong hindi maikakaila na mahal na mahal niya.

Ewan ko ba! Hindi ko naman nararamdaman dapat ito eh. Ano ‘to, guilt? Kelan nga ba ako huling nagseryoso sa babae? Hindi ko na matandaan. Hindi ko na rin matandaan kung kelan ba ko nagmahal ng totoo. Ang alam ko lang, nairaraos ko ang pangangailangan ng mga lalaking katulad ko sa mga babaeng kung sino na lang ang makilala.

Nagring ang telepono sa desk ko, pangalang Michelle ang nakaegister. Hindi koi to sinagot!

Haaaay! Hindi ko alam ang nangyayari sa’kin. Paulit-ulit sa utak ko ‘yung reaksyon nung mataray na babaeng naka-meet ko para kunin ang memory card na ‘to!

Ganun ba talaga katanga ang mga lalaking katulad ko para iwan ang babaeng nagmamahal sa amin ng totoo?

“Brad! Sama ka mamaya? Inom tayo! May ipapakilala ako sa’yo… Sobrang sexy!” sabi ni Lindon, katrabaho ko.

“Pass muna, brad! Kelangan kong bumawi ng tulog eh.” Sagot ko.

Pagdating ng hapon, mabilis akong nag-log out sa opisina at naisip kong dumaan muna sa coffee shop. Nitong mga nakaraang araw, halos isamba ko na ang kape sa sobrang pag-inom ko nito.

Pagdating ko ron, umorder agad ako ng frappe. Naupo saglit at nagmasid sa paligid. Napahinto ako nang matanaw ko sa labas ang pamilyar na babae na mabilis na naglalakad. Tila may hinahabol. Hindi ko marinig ang sinasabi pero alam ko sa mukha niyang nababagabag siya. Lumabas agad ako. Tama! Siya nga ‘yong babaeng nakameet-up ko para sa inorder ng kapatid kong memory card. Tama! Siya rin yung babaeng naglasing sa bar.

Paglabas ko ay nakita ko kung sino ang kanyang hinahabol—Ang lalaking nakita niya sa labas ng hotel na may kalambingang iba. Ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

Tila hindi niya pansin ang nasa paligid, patuloy lang siya sa pagsunod sa lalaking tinatawag niyang Martin. Sa kinatatayuan ko’y naririnig ko ang mga sinasabi nila at kitang-kita ko ang nangyayari.

“Martin! Please talk to me! Kahit ngayon lang! Martin… please!!!” saad ng babae.

Huminto yung Martin ngunit hindi lumingon sa babae.

“I just want to know, what happened?... What happened, Martin? Tell me? I just need clarification” sabi nung babae na nagsimula nang lumuha.

Matagal bago sumagot si Martin. Mayamaya ay humarap na siya dito.

“Raf… I’m sorry.”

Nakita ko kung paanong nagliwanag ang mukha nung babae sa paghingi ng tawad na ‘yon. Hindi agad siya nakasagot.

“I’m sorry but I have Airah now. I didn’t mean to hurt you… pero nung wala ka, siya lang ‘yung laging nasa tabi ko para dumamay sa saya at lungkot ko..”

Nakita ko ring napawi ang pangiti nang mga labi ng babae.

“You let Airah to take my place? You did not even tell her you had me the way you’re telling me now that you have her? Bakit hindi mo sinabi agad? Bakit hinayaan mo pang mawitness ko? You even left me hanging there!!!”

“I’m sorry… It just occurred to me that I had loved her more than… you.” Ani Martin.

Hindi nakaimik don yung babae. Mas lalo lang siyang napaluha.

“Sorry kung hindi kita nainform but dati pa tapos para sa akin, ang lahat lahat sa atin,” saad pa ni Martin saka umalis…

Napatulala sandali ang babae ngunit hinabol pa rin niya si Martin. Dumaan siya sa harap ko na parang walang pakialam sa paligid.

Hindi ko na sila sinundan. Bumalik na lang ulit ako sa loob ng coffee shop.

Ano nga ba namang pakialam ko!?

Nakadalawang order pa ako ng kape bago ko mapagdesisyunang umalis na ng coffee shop.

Paglabas ko, wala nang araw. Naglakad lakad ako papuntang sakayan. Hindi ko kasi dinala ang motor ko ngayon.

Napahinto ako nang makita kong muli ang babae kanina. Nakaupo siya at nakatulala sa waiting shed ng ganitong oras. Minasdan ko lang siya. Magang-maga ang mga mata. Malayo ang tingin niya at malalim ang iniisip. Patay na! Mukhang mawawalan pa ng bait sa sarili ‘to ah.

“Ahhh… Excuse me, miss. May hinihintay ka ba?”

Hindi siya sumagot.

“Kasi, palalim na ang gabi oh! Delikado na..”

Hindi pa rin siya sumasagot.

“Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah..”

Agad siyang tumayo at nagpara ng taxi. Dali-dali siyang sumakay. Nakalayo na ang taxi bago ko mapansing naiwan niya ‘yung pouch niya sa kinauupuan niya kanina. 

Forever WarrantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon