PROLOGUE

1.3K 27 6
                                    

PROLOGUE

Mahirap magka gusto sa kaibigan. Masakit magmahal ng best friend.

Pag nag mahal ka ng bestfriend ganito iyon.
'Yung ok na sa'yo 'yung kahit kakarampot na pag mamahal na makukuha mo galing sa kaniya. Mag titiis ka at magiging masaya kana doon.

At kapag may magustuhan s'yang iba. Kailangan mong maging masaya para sa kaniya, kahit nasasaktan kana. Kahit durog na durog ang puso mo t'wing nakikita mo s'yang masaya....masaya sa iba. Wala kang magagawa dahil para sa kaniya, kaibigan ka lang. Hanggang doon ka lang.

Mamahalin mo s'ya nang palihim. Aalagaan at poprotektahan. Nandiyan ka dapat t'wing kailangan ka niya.

Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Kahit na hindi niya ko mahalin tulad ng pag mamahal ko sa kaniya, ayos lang.
Kahit ako pa ang maging tulay para mapalapit siya sa taong gusto niya ay ayos lang rin. Susuportahan ko siya, dahil ako ang bestfriend nya.
Kahit nasasaktan ako....okay lang.

Nandito padin ako para sa kaniya. Kahit alam kong hanggang bestfriend lang ako....okay lang.
Kahit mag muka na akong tanga kakasunod sa kanya, kakagawa ng assignments niya at sa pag tatanggol sa mga nananakit sa kaniya....okay lang. Okay lang ako. Lahat para sa kaniya ito.

Kahit minsan hindi ako nag sawa sa mga ginagawa ko para sa kaniya. Kasi nga mahal ko sya. Mahal bilang babae at hindi dahil lang bestfriend ko sya.
Kahit na ang sakit sakit na. Na sa twing makikita kong pina iiyak sya ng taong mahal niya at sa twing makikita kong nasasaktan siya kasi hindi siya mahal ng taong pinili nya.

Kung may lakas lang ako ng loob, gusto kong sabihin sa kanya na...

Angeline ako nalang. Matagal na akong nanghihintay sayo. Ang tangang bestfriend mo na lihim na nag mamahal sayo. Na doble ang sakit kapag nasasaktan ka.

Ako nalang Angeline. Mahal na mahal kita. Sana ako nalang ang mahalin mo. Na sana kahit konti.. Kahit konti ay umaasang mahal mo rin ako.
Hanggang kailan ba ko masasaktan ng ganito? Kailan kaya matatapos ang sakit na ito?

When my heartaches endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon