Chapter 3
"Paano mo nalaman? Bakit may dala kang gamot kanina." Siryosong tanong sa akin ni Ron nang makauwi kami. Nag alis ako ng bag at tumungo sa lamesa. Kumuha ako ng baso roon at nagsalin ng tubig.
"Nakita ko lang, may palabok na baon si Angeline, para sa'yo daw. Naglalagay ng hipon 'yon sa palabok na niluluto niya. Pero ayokong masaktan siya kung sasabihin kong hindi mo pwedeng kainin ang pagkaing pinag hirapan niya, kaya bumili nalang ako ng gamot mo." Pag sisinungaling ko. I am so disappointed with myself. Why am I doing this?
Nabubuhay nalang ako sa pag sisinungaling at sa pag tatago ng totoong nararamdaman. Gusto kong sapakin ang sarili ko sa kaduwagan.
"May gusto ka sa bestfriend mo." Aniya. Hindi iyon tanong kundi pag aakusa.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napahigpit rin ang pagkakahawak ko sa baso. Hindi na nagawang inumin iyon, dahilan nang mas panunuyo ng aking lalamunan.
"Ikaw ang gusto niya." Matalim ko siyang tinitigan. Tumawa siya.
"Seriously, Toni? Tsk tsk," umiling iling pa siya at dumiretso sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng itlog doon.
"So okay lang sayo kung maging kami?" Tinaasan niya ako ng kilay ngunit nanatiling matalim ang tingin ko.
"Kung iyon ang gusto niya bakit hindi." Sagot ko at mabilis na ininom ang tubig.
Pumasok ako sa aking kwarto para makapaligo na, ngunit bago pa ako makapasok sa kwarto ay tumunog na ang cellphone ko.
Lalo akong nadismaya nang makitang si papa iyon.
"Hello," tamad kong sagot.
"Okay lang ba kayo ng pinsan mo d'yan? Lumipat na kaya kayo dito?"
Napalunok ako. "Okay lang kami." Matigas ko ring sagot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya napapatawad. Hindi ko yata kaya.
Habang si mama noon ay nagpapakahirap sa ibang bansa para sa amin, si papa naman ay nag papakasaya sa kaniyang kabit. Mabuti narin siguro itong nag hiwalay na sila ni mama. Kaysa sa patuloy niyang lolokohin si mama. Dalawang taon narin ang nakakaraan simula nang nasira ang pamilya namin, pero hindi parin humuhupa ang sugat sa puso ko. Masakit parin.
I hate him because of that. Ngunit hindi ko parin maaalis sa sistema ko na siya ang tatay ko. Kahit kinamumuhian ko siya ay wala na akong magagawa pa roon.
"Kumain naba kayo diyan? Nagluto ang Tita Natalie mo nang—-
"Kumain na po kami. Pagod ako pa, ibababa ko napo."
"S-sige anak, magpahinga kana."
Pagkatapos nang tawag ay tumungo ako sa banyo para maligo. Kasabay ng tulo ng tubig sa katawan ko, ay ang luha kong parang hindi hihinto.
Wala na yata talaga akong karapatang sumaya. Kapalaran ko nang mabigo. Tanggap ko na.
Kinabukasan ay magang-maga ang mata ko. Maaga rin akong gumising paga gawin ang assignments ko. Iiling iling si Ron sa tabi ko habang sabay kaming patungo sa unit ni Angeline para sunduin siya.
"Good morning!" Maligayang bati nilg bestfriend ko. Tila sobra ang kasiyahan na makita si Ron. Tsk.
"Good morning." Bati ni Ron.
"Oh? Anong nangyari sa mata mo?" Nagtatakang tanong ni Angeline habang naglalakad kami.
"Nanood ako ng movie, nakakaiyak kaya namaga." Kibit balikat kong sagot. Namumuro na talaga ako sa kasinungalingan.
Narinig ko ang impit na singhal si Ron kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Sa unang subject namin ay nakita ko ang pangangatog ng binti ni Angeline habang pumapasok si Sir Lagdameo, ang terror naming teacher sa English Subject.
Hindi ko naman malapitan dahil hindi na kaming dalawa ang magkatabi. Pinaubaya ko na kasi kay Ron ang upuan kong iyon.
Nasa harapan ko sila, at sa pagitan namin ay ang kaklase kong sila Jilian at Maxi.
"Nakagawa ba kayo ng assignment niyo?" Masungit na tanong ni Sir.
"Yes sir!" Halos sagot ng karamihan. Ngunit si Angeline, tahimik parin at hindi mapakali ang binti. I know her. Kinakabahan siya.
"Alright pass your assignment, now." Ani sir at sumandal sa kaniyang upuan sa harapan.
Kinuha ko ang assignment ko sa aking bag, naka sulat iyon sa isang one whole sheet of paper.
Matagal ko pang tinitingnan iyon. Huminga ako ng malalim bago nakapag desisyon. Kinalabit ko si Maxi.
"Maxi, paki abot naman kay Angeline." Utos ko.
Kumunot pa ang noo nito ngunit sinunod rin naman. Nang kalabitin niya si Angeline ay kaagad pa itong nagulat. Nang lumingon siya ay nag tataka niya pang kinuha ang papel na iniabot ni Maxi. Mahagyang nanlaki ang kaniyang mata at nilingon ako.
Ngiti lang ang naging tugod ko sa kaniya.
Nagsimula nang magpasa ng papel ang mga kaklase ko. Nag dadalawang isip pa si Angeline kung ipapasa niya yun pero kinuha na ni Ron sa kaniya ang papel.
"Lagyan mo ng pangalan, nakalimutan mo." Narinig ko pang utos ni Ron.
Hindi gumagalaw si Angeline. Tiningnan ako ulit nito ng may pag aalala sa kaniyang muka.
"Hurry up! May lesson pa tayo!" Sigaw ng teacher namin. Napapikit si Angeline at kumuha ng ballpen. Nag mamadali siyang ilagay ang pangalan doon. Nang iabot niya iyon kay Ron ay tumayo ang pinaan ko at dinala na sa harapan ang kanilang assignment.
Tiningnan akong muli ni Angeline.
"Thank you." Mahina niyang sabi ngunit kita parin ang kaba at lungkot sa kaniyang mata.
"No problem." Sagot ko sa kaniya at nginitian siya ng tipid.
Pagkatapos ng klase namin, as usual. May parusa ang walang assignment.
"Toni Raneales, Julie Samson, David Santos. Maglilinis kayo ng Cr ngayong araw pagkatapos ng klase mamayang hapon." Wika ni Sir bago lumabas ng classroom.
Dismayado ang muka nila Julie at David. Dismayado rin ako dahil hindi ko makakasabay umuwi si Angeline.
Pagkatapos ng klase, iyon nga ang ginawa namim.
"Salamat, Toni. Nahihiya ako sayo," malungkod na saad ni Angeline. Ginulo ko ang buhok niya at pilit na ngumingiti.
"Cheer up, baby. Ang isipin mo nalang magkasabay kayong uuwi ni Ron ngayon, ayaw mo na yon?" Pilit kong ginagaanan ang boses ko, kahit nasasaktan ako sa sariling sinasabi.
"Pero, ——
"Okay nga lang. Sige na umuwi na kayo ayan na si Ron," putol ko sa sasabihin niya nang makita si Ron na papalapit na sa gawi namin.
Ngumiti ng tipid si Angeline at tumango. "Babawi ako sayo bukas!" Aniya at nagpaalam na silang umuwi.
Habang tinitingnan silang sabay na lumalayo sa akin, sumisikip ang dibdib ko.
Okay lang kahit hindi ka bumawi, mahal kita kaya ko iyon ginawa hindi para nagkaroon ng kapalit.
BINABASA MO ANG
When my heartaches end
Teen Fiction(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito, ay magiging masaya rin ako.