Chapter 7
Pagkatapos ng klase ay tumungo kami ni Angeline sa paborito naming coffee shop, Heart Cafe. Dito kami madalas mag date dalawa.
"Caramel Macchiato dalawang order please, at dalawang order narin ng Blue berry cheesecake!" Order niya sa waiter na lumapit sa amin. Ngiting ngiti si Angeline pagkatapos mag order.
As usual, narito kami sa dati naming pwesto. Sa labas ng coffee shop. Humangin ng mahina at gumalaw ang mahabang buhok ni Angeline. Umalis ang waiter habang si Angeline ay may kinuhang kung ano sa kaniyang bag.
Sinakop niya ang kaniyang buhok at pinusod iyon na parang siopao. Napangiti ako. Bagay na bagay sa kaniya ang pusod na iyan.
Nang matapos siya sa ginagawa at tumingin siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Bakit? May dumi ba ako sa muka?"
Binalik ko ang tingin sa kaniya at kunwaring sinipat ang muka niya. Napangiti ako.
"Oo meron, sandali aalisin ko." Sagot ko kahit wala naman. Gusto ko lang hawakan ang muka niya.
May aalisin lang sana ako kunwari, ngunit kinain ako ng kahihiyan at kaba nang titigan niya ako. Nanginig ang kamay ko kaya imbis na punas ang gawin ko, nakaisip ako ng ibang gagawin.
Pinisil ko ang pisngi niya kaya napangiwi siya.
"Aray! Bwisit ka! Niloloko mo lang pala ako!" Wika niya sabay tampal sa kamay ko.
Tumawa 'ko ngunit nananatiling busangot ang muka niya.
Dumating ang order namin at sabay naming kinain iyong cake.
As usual, pati cake ko kinakain niya.
Napangiti ako, madaya talaga. Gusto niya ay laging magkaiba ang flavor ng cake namin para magka ibang flavor raw ang matikman niya.
Gusto ko rin naman iyon. Gustong gusto ko 'yung pakekeelam niya sa order ko at pag kuha nya ng pagkain sa plato ko. Kahit sa ibang restaurant kami kumain, ganito ang gawain ng babaeng 'to. Nasanay na ako at hinding hindi ako mag sasawa.
"Masarap?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Enjoy na enjoy ang muka niya. Hindi ko pa ginagalaw ang cake ko na malapit na niyang maubos.
Tumango ito at tiningnan ang cake sa harap niya. Kumuha siya doon at nagulat ako nang iangat niya sa muka ko iyon.
"Ah, tikman mo rin itong sa'kin." Nakangiti niyang sambit.
Kumalabog ang puso ko. Sa hiya at sa saya. Nanginig pa ang bagang ko nang binuka ko ang aking bibig at sinubo iyon.
Lalong lumaki ang kaniyang ngiti. "Masarap 'diba?"
Tanong niya habang kumukutsara ng panibagong cake at sinubo iyon. Naubo ako dahil sa kabang naramdaman. Iisang kutsara ang ginamit namin.Nag init ang pisngi ko dahil sa hiya at sya.
"Ayos ka lang?"
"Oo ayos lang." Wika ko nang mailulon ang cake na sinubo niya sa akin at uminom agad ako ng kape.
"Oh, mainit pa!" Bawal niya ngunit huli na.
Napamura pa ako nang mapaso.
Mainit pa nga pala."Bakit pumayag kang si Lyka ang ka partner mo sa group?" Tanong niya habang pauwi na kami. Sabay nag lalakad. Malapit lang rin kasi iyong coffee shop na iyon.
"Wala naman akong ibang makakapartner. Sigurado namang partner na kayo ni Ron." Sagot ko. Hindi ko siya natingnan dahil ayokong makita niya sa mata ko ang lungkot ng pagkatao ko.
"Hindi mo naman ako tinanong kung kami na ang partner ni Ron."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya padarang akong napatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
When my heartaches end
Novela Juvenil(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito, ay magiging masaya rin ako.