EPILOGUE

363 24 8
                                    

Epilogue

Angeline's POV

"Bilisan mo na riyan! Kailangan na ni Mr. Perez ang mga papeles na 'yan!" Utos ng Department manager namin. Habang nag tatatalak siya ay hindi naman ako magka ugaga sa ginagawa. Pinipilit na ayusin ang mga papeles na nag kakalaglag dahil sa pag mamadali ko.

"Opo ma'am." Sagot ko.
Araw-araw ganito. Nag mamadali ako. Inaabala ang sarili sa kung ano ang pwedeng gawin.

Araw-araw paulit ulit. Pinapagod ko ang sarili, at pag uwi sa bahay, lantang gulay. Hindi na maka galaw at hindi na rin minsan nakaka kain ng hapunan.

"Anak, baka may pera kana? Kailangan na ng kapatid mo ng pang enroll." Ani mama nang tumawag siya sa akin. Isa rin ito sa dahilan kung bakit rin ako nag sisipag. Bukod kasi sa gusto kong makalimot, madaming umaasa sa akin at kailangan ko ng pera.

Napapikit ako. "Sige po ipapadala ko." Pagod kong sambit. Napahiga ako sa kama nang natapos ang tawag. Huminga ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili. Kumakalam na ang sikmura ko pero hindi ko na kayang tumayo para mag luto.

Ilang taon naba ang nakakaraan? Pito?
Pitong taon na ngunit malungkot parin ako. May kulang parin sa pagkatao ko. Pakiramdam ko nasa loob ako ng kahon. Gusto kong makawala ngunit hindi ko alam kung paano.

Palagi ko siyang na aalala, parang kahapon lang lahat ng mga ala-ala naming dalawa. Parang kahapon lang sa akin ang lahat. Pati ang sakit. Araw- araw kapag lalabas nalang ako. Hinahanap siya ng mata ko.

Nasaan na kaya siya? Sa America kaya?

May asawa naba siya? Wala na akong balita. Gusto kong magalit sa kaniya. Pwede naman niya akong i-message pero wala. Wala siyang ginagawa para malaman ko kung okay siya. Hindi ko alam kung buhay paba siya, kamusta ba siya, may asawa naba siya?

"Angeline sasama kaba?" Tanong ni Lani, katrabaho ko.

"Ha? Saan?" Wala sa sariling sagot ko.

"Tulala ka nanaman. Sino nanaman ang iniisip mo? Si Mr. bestfriend?" Panunuya niya.

Napasimangot ako. Alam na alam nilang lahat ang kwento ko. Siguro dahil sa sobrang sama ng loob ko. Sa twing nag kaka inuman kami, si Toni ang bukang bibig ko.

"Baliw. Saan nga pupunta?"

"Lunch break na, anong saan pupunta? Tara sa Heart Cafe!" Anyaya niya.

Ngumiti ako ng tipid at tumango. "Sige."

"Sama kami!" Sambit nila Diana at Roxette. Natawa pa ako nang nag mamadali silang dalawa.

Apat kaming tumungo sa Heart Cafe. Pag punta doon ay napangiti ako, ngunit agad rin binalit ng lungkot. How nostalgic. Kahit palagi ako rito hindi parin nag babago ang pakiramdam ko. Parang nandito lang siya, kasama ko. Katulad noon.

"Anong order mo?" Tanong ni Roxette sa akin.

"Blue berry cheesecake at caramel macchiato." Sagot ko at binigay sa kaniya ang bayad. Hindi na kasi ito katulad noon na dating may lalapit na waiter. Sa counter na lahat ng order.

"Okay."

Habang naghihintay ay inikot ko ang aking mata. Nag sisisi pa rin ako na hindi ako agad umamin sa kaniya noon. Naalala ko pa ang ka gagahan ko noon nang makita ako ng pinsan ni Toni, na si Ron.

Naka pangalumbaba sa bintana at nakatingin kay Toni sa kaniyang apartment.

"Sinong tinitingnan mo riyan?" Nagulat ako sa kaniya noon nang mahuli niya ako. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko kaya nakaramdam ako ng hiya.

When my heartaches endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon