Chapter 10
"Bakit hindi mo sinabi, papa!" Galit ako ngunit umiiyak habang hawak ang kaniyang kamay. Rinig na rinig ko ang hirap niyang pag hinga. Sa tabi niya ay may nurse.
Ngiti lang ang isinagot ni papa. "Ayokong mag alala ka, anak." Nahihirapan niyang sambit.
"Bakit mo nilihim sa akin ang pagtataksil ni mama? Bakit mo pinalabas na ikaw ang may kasalanan? Bakit hinayaan mong kamuhian kita!"
Narinig ko ang singhap ni tita sa gilid. Umiiyak na rin siya.
"Patawarin mo ako, anak. Bago sumama sa iba ang mama mo, alam kong may sakit na ako. Hinayaan ko siya dahil alam kong iyon ang ikasasaya niya. At alam kong hindi siya sasaya sa akin. Lalo na alam kong mawawala rin ako. Patawarin mo ako anak. Ayokong kamuhian mo ang iyong ina dahil siya nalang ang natitira sa'yo. Hinayaan kong dalhin ko lahat ng kasalanan at plano ko ring dalhin iyon sa hukay. Naisip ko na, kung galit ka sa akin ay baka sakaling mabawasan ang sakit na mararamdaman mo kapag wala na ako. Mabilis mong matatanggap. Patawad, anak." Ani papa kahit hirap na hirap na siya sa pag sasalita.
"Papa!" Iyon lang ang tanging nasabi ko.
"Wag mo sanang ... kamuhian ang iyong ina, anak. Patawarin mo siya sa kaniyang nagawa. Mahal na mahal....ko kayong dalawa. Kapag wala na ako. Gusto kong sumama ka sa kaniya. Okay na ako anak."
Sa araw na iyon ay pinatawad ko siya. Ngunit doble ang sakit na nararamdaman ko dahil kinuha rin siya.
Nang masabi niya lahat sa akin at siyang pag hinto rin ng kaniyang paghinga. Hindi ko naalagaan ang aking ama. Sising sisi ako.
"Nakikiramay ako, Toni," sambit ni Angeline sa gilid ko.
Tulala ako habang nakatingin sa kabaong sa aking harapan. Hindi parin makapaniwala sa lahat. Gusto kong mag wala. Gusto kong manakit at saktan ang aking sarili.
Gusto kong ibalik ang lahat ngunit alam kong hindi na mangyayari.
Sana napatawad ako ni papa. Sana nanatili ako sa kaniya. Sana lahat ng hiling niyang umuwi ako ay ginawa ko.
Nandito na ako papa. Kasama mo ako ngayon. Sana masaya ka.
Tatlong araw lang ang naging burol ni papa. At sa kaniyang libing. Dumating si mama.
Umiiyak ito at mabilis akong niyakap.
Umiyak ako sa kaniya at niyakap rin siya ng mahigpit."Sorry anak, ngayon lang ako. Natatakot kasi akong lalo kang masaktan kapag nakita mo ako. Pero hindi ko kayang hindi pumunta." Aniya nang magbitaw kami sa yakap.
"Ang mahalaga pumunta ka. Gusto ni papa na pumunta ka." Mahinang sagot ko.
Nakita ko si Tito Ronald sa kaniyang likuran. Tumango ako sa kaniya. Nagulat ako nang lumapit ito at niyakap ako.
"I'm sorry." Bulong niya at ramdam ko roon ang sinseridad.
Sinalubong rin sila ni Tita Nathalie na namamaga rin ang mata. Sa puntong ito ay sa kaniya ako naaawa.
Habang binababa ang kabaong ni papa ay iyak ako ng iyak. Naka akap sa akin si Angeline na lumuluha rin. Sa tabi niya ay si Ron at ang kaniyang mga magulang.
Sa gilid ko ay si mama at tita Nathalie.
Nang malibing si papa ay nanatili ako kay mama sa Manila. Hindi na rin nila kailangan ang annulment. Pwede na silang magpakasal ni tito Ronald.
Habang narito ako ay nasa kwarto lang ako at nag mumukmok, minsan ay makakaiyak at mag sisisi.
"Dito kana mag aral sa Manila anak. Hindi na ako aalis dito lang ako sa tabi mo. Dito na tayo titira. Kapag nakatapos ka, saka tayo lilipat sa America." Sambit ni mama.
BINABASA MO ANG
When my heartaches end
Roman pour Adolescents(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito, ay magiging masaya rin ako.