Chapter 2
The sound from my phone woke me up. I almost jumped up when I saw that it was Angeline.
"H-hello?" Napapaos na bungad ko sa kaniya. Napatingin pa ako sa aking wall clock. Alas singko palang ng umaga, ano bang meron at ang aga niyang tumawag. Napangiti ako ng malaki. Namiss niya ako? Hindi siya nakatulog ng maayos?
"Hello best. Ano kasi... hehe anong favorite food ni Ron?" tanong niya sa'kin. Gusto kong magmura sa narinig ko. Ang aga-aga badtrip na agad ako.
"Wala bang good morning muna?" tamad kong sagot sa kaniya.
"Good morning sa pogi kong bestfriend!" aniya at humagikgik pa. Lalong hindi ako natuwa, tsk.
"Palabok ang gusto niya. Lagyan mo ng durog na hipon 'yung hindi na makikita sa sobrang liit! tadtarin mo!" sabi ko sa kaniya.
Sa sobrang inis ko, iyon ang nasabi ko. Alergy si Ron sa hipon, shit! Mapapahamak pa ang pinsan ko! Anyway, mild lang naman iyon.
"Sige magluluto ako ngayon, sakto pala may pang palabok ako rito! Destiny talaga!" She giggled.
Destiny my butt! Bahala sila, bibili nalang ako agad ng gamot bago pumasok. Kailangan mag away sila.
After the call, I took a shower and went to the drug store bago dinaanan si Angeline sa apartment. Palagi kasi kaming sabay na pumapasok.
I saw that she was carrying a lunch box."Ano 'yan?"
Inangat nya ang dala niya bago mag salita.
"Ahh ito ba? Ito 'yung palabok para kay Ron, anyway nasaan ba siya? Di mo ba siya kasabay papasok," nilinga linga pa niya 'yung ulo niya. She's probably looking for him.
"Tsk, nauna na sa school 'yon, buti pa si Ron may lunchbox. Bakit ako wala?" reklamo ko sa kanya.
"Ay sorry, pag uwi nalang natin kumain ka rito, may naiwan pa sa apartment ko, anyway hayaan mo ililibre nalang kita sa school," sabi nya sabay ngiti. I swallowed hard.
Ayan na nanaman 'yung ngiti niya, ngiti na nakakapag pabilis ng puso ko.
"Hey Toni, tulala ka nanaman," she said to me while waving his hand in front of me.
Napangiti ako, nakakahawa kasi ang ngiti niya.
"Alam mo bang ang gwapo mo pag ngumingiti ka," sambit nya bigla sakin. Nanlaki ang mata ko.
"A-alam ko. Kahit hindi, gwapo parin ako," nauutal kong sabi para ipag tanggol ang kinikilig na damdamin.
"Uy bakit ka nag ba-blush!" tanong niya at tumawa pa. Bwisit talaga, pinag ti-tripan nanaman ako.
"Rosy cheeks talaga ako!" Naiinis na sabi ko sa kaniya, tumalikod na ako sa kaniya at nag lakad papalayo ng palihim na nakangiti.
Hinabol naman niya ako pero pinag tatawanan padin niya ako. Ano ba naman oh!
Pag dating sa school ay bumungad sa amin ang maingay na classroom. Wala pang teacher kaya nag dadal-dalan pa ang mga kaklase namin.Graduating na kami ng highschool pareho, classmate rin kami.
"Best saan naka room si Ron?" tanung niya sa'kin.
Puro Ron nalang ba ang bukang bibig nya? Banas na banas na'ko.Sabay kaming naupo ni Angeline sa aming upuan na magkatabi rin. Nananatiling hawak niya ang lunchbox na para kay ron. Napahinga ako ng malalim.
"Classmate natin," tamad kong sagot. Lumaki ang kaniyang ngiti kaya napasimangot ako. Nakita kong mas humigpit ang hawak nya sa lunchbox na dala. Kunin ko kaya yon at kainin ko? Nakakainis!
"Good morning," pareho kaming napalingon ni Angeline sa nagsalita. Ang ibang kaklase rin namin ay napalingon doon. Nakita ko si Ron na hihikab-hikab pang pumapasok dito sa aming classroom.
"Akala ko ba nauna na siya? Bakit mukang kakapasok lang, mukang kagigising lang rin," nagtatanong tanong sa akin ni Angeline. Kinabahan ako. Ang totoo kasi ay iniwan kong tulog si Ron sa aming apartment.
"B-baka bumalik sa bahay at natulog ulit?" Nangangatal kong sagot na muka naman tanong.
Nanliit ang mata ni Angeline sa akin. Tila hindi naniniwala. Binalingan ko si Ron ng tingin, ngayon ay papalapit na siya sa amin. Naramdaman ko ang pag ayos ng upo ni Angeline sa tabi ko.
"Tol iniwan mo ako, nagulat ako wala kana sa bahay,"
Biglang tumalim ang tingin sa akin ni Angeline. Kumalabog ang puso ko sa kaba.
"Ha? Hindi ko alam, akala ko umalis kana e, katok ako ng katok sa kwarto mo wala namang nag bubukas," nag galit galitan pa ako. Panay ang kuyakoy ng aking paa, nag aalis ng kaba.
"Tsk, napalalim ang tulog ko." Ani Ron at nagkamot pa ng buhok.
Pag baling ko kay Angeline ay ngiting ngiti siyang nakatingin sa aking pinsan.
"Ron, para sayo nga pala!" Maligayang inabot ni Angeline ang lunchbox kay Ron.
Nanlaki naman ang mata ni Ron sa gulat at bahagya pang namula ang kaniyang pisngi.
"S-salamat. Hindi kana sana nag abala pa. Anyway, hindi ko to tatanggihan." Sagot ni Ron at humalakhak pa.
Pumait ang pakiramdam ko habang tinitingnan sila pareho. Sumasabog ang puso ko sa bulta-bultaheng selos.
I greeted my teeth, tumayo ako mula sa pagkaka upo. I need to get out of here. Pakiramdam ko'y selos ang papatay sa akin ngayon.
"Mag c-cr lang ako," paalam ko sa dalawa.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at nag mamadali na akong lumabas doon.
Kung magiging silang dalawa, saan na ako lulugar?
Alam kong unti-unti ay mabubura ang papel ko sa buhay niya kapag naging sila. Pero alam ko naman na iyon at tanggap ko na. Iyon ang papel ko bilang bestfriend niya. Pero para sa kaniya handa akong nag paraya. Mas importante ang kasiyahan niya, kahit masakit para sa'kin iyon.I will help her.
Nang makahinga at makapag isip-isip ay bumalik na ako sa classroom. Kahit ang dating upuan ko na katabi siya ay ibinigay ko kay Ron.
Hindi ako nakapag concentrate sa klase dahil silang dalawa ang umiikot sa isip ko, at ang sakit na nararamdaman ko.
Pigil na pigil ang damdamin ko, hindi ko makuhang tingnan silang dalawa. Masakit, sobra.
Hanggang kailan ko kakayanin ito?
Nang mag lunch ay magkasabay kaming kumain tatlo. Ngunit ilang subo palang ni Ron ay nasasamid na ito.
Iyon na!
"Hala, anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Angeline.
"I...I don't know," nalilito ring sagot ni Ron.
Hindi ako nakasagot. I know it's my fault. Pero paisa lang Ron. Hindi mo naman yan ikamamatay.
"Here uminom ka," Inabutan ng tubig ni Angeline si Ron na agad din naman niyang ininom.
"Parang na allergy yata ako," uubo-ubong wika ni Ron, unti-unti ay may lumalabas na ngang pantal sa kaniya.
"Allergy? Saan? S-sa palabok!?" Naghihisteryang tanong ni Angeline.
"Hindi, hindi diyan," Gusto kong matawa, alam namin pareho na dahil iyon sa palabok.
Tamad kong kinuha ang gamot sa aking bag at inilapag iyon sa ibabaw ng lamesa.
"Here, take it." Wika ko. Agad iyon kinuha ni Ron at mabilis na ininom.
"Samahan na kita sa clinic ng school halika!" Aya ni Angeline.
Nag mamadali silang umalis, naiwan ako.
Kinuha ko ang palabok sa naiwan ni Ron at inubos 'yon.
Ang hirap palang kumain ng masama ang loob.
BINABASA MO ANG
When my heartaches end
Fiksi Remaja(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito, ay magiging masaya rin ako.