hdiyl : 14

1.5K 47 0
                                    

Vice's

"Two wins na tayo sa basketball."

Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi nang marinig ko ang magandang balita mula sa kagrupo ko.

Nanalo kami kahapon, kahit na tinamad ako mag laro. Pinanalo nila Pag-asa ang grupo namin. Sayang kasi kung matatalo pa kami kahapon, isang hakbang na lang abot-kamay na namin ang championship.

Mamaya na malalaman kung kami nga ang mag cha-champion. Makakalaban namin ang second year, sisiw diba?

Kasakukyan akong nagmamaneho papunta kila Bangis.

Sinabi kasi sa 'kin ni Tito M na ako muna daw ang in-charge sa paghatid sundo sa mga anak niya, which is nagustuhan ko naman.

Palagi kong makakasabay pumasok at umuwi si bangis, dagdag points.

"Good morning, kuya Vice." Bungad sa 'kin ni Coco.

Nasa labas kasi siya hawak-hawak ang tali ng aso niyang si charles, nagpapa ihi.

"Good morning din Coco. Nasan ang ate mo at si Sea?" Tanong ko at lumapit sa kanya upang bumeso.

"Nasa loob nagboblower silang dalawa ng buhok." she quickly answered. "Pasok ka muna sa loob kuya Vice."

"Oh sige," I nodded at pumasok na sa loob since naka bukas naman na ang gate.

"Hi kuya Vice good morning." Bati sa 'kin ni Sea.

Nakita ko si Sea na nagsasapatos na, pero wala hindi ko nakita si Bangis. Lumapit ako kay Sea at bumeso, at umupo ako sa may sofa.

"Ate mo?" I asked.

"Nasa taas, may kinuha lang saglit." She answered.

"Vice nandito ka na pala, kain ka muna." si Tita Z nakita ko na lumabas sa kusina.

"Hindi na po, kumain na po ako sa bahay." Pagtanggi ko.

Tumayo ako at pinuntahan si Tita Z upang makapagmano.

"Sige, may hinuhugasan pa ako sa kusina. Maiwan ko muna kayo d'yan." Paalam ni Tita Z at bumalik na sa kusina.

Bumalik na din ako sa sofa at nilabas ang cellphone ko to see kung anong oras na at ibinalik ko din kaagad sa aking bulsa.

"Mommy, nakita mo ba 'yong isang pares ng hikaw ko?" Rinig kong sigaw ni Bangis, naghahanap pala ng hikaw.

Rinig kong bumukas ang pinto sa taas, kwarto niya siguro 'yon. Nakita ko naman na nakahawak siya sa kaniyang tainga. Mukhang kinakabit ang hikaw.

Bumaba siya na nakatingin pa din sa baba na tila hinahanap ang isang pares ng hikaw.

"Mom." Tawag niyang muli kay Tita Z. Hindi pa din niya inaangat ang kaniyang mukha kaya hindi pa niya ko nakikita.

"Bakit?" Si Tita Z at lumabas sa kusina, naglakad papunta kay Bangis.

"Yong hikaw ko po?" Tanong niya sa mommy niya at inangat na ang mukha. "Bisyo andiyan ka na pala." sabi niya at lumapit sa 'kin.

"Hi, good morning." Salita ko na nakangiti.

Palihim akong natatawa sa kanya. Kunsumidong kunsumido kasi ang kaniyang hitsura dahil lang sa nawawalang hikaw. Paano pa kaya kung si cinderella 'to at sapatos na niya ang nawawala, paano na ang magiging hitsura ni Bangis?

"Ate, nakita ko kanina. 'Yon ata ang pinaglalaruan ni charles." Entrada ng kapatid niyang si Sea.

"What?! Where's Buko?" Bangis said, hysterically. Hikaw lang naman ang nawawala kung makareact akala mo katapusan na ng mundo.

How Deep Is Your Love? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon