59

1.3K 59 21
                                    


Hospital
7:48 am

Karylle's

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa maganda kong mukha. Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa 'kin ang matinding liwanag na ito.

Ito na ba 'yung mga napapanuod ko sa telebisyon? 'Yung makakakita ng maliwanag 'tas unti unti masisilaw kasi kinukuha na pala ni Lord.


Patay na ba 'ko?

"Bajee!" pero bakit may narinig akong nagsalita? Alam ko kay mommy galing ang boses na 'yon.

Napalingon ako sa direksyon kung saan ko narinig ang tinig na 'yon. At tumambad sa 'kin ang maputing katotohanan, naka white dress si mommy. Nasa langit kaming pareho?


Nabaling naman ang tingin ko sa pinang gagalingan ng liwanag. Nakita ko na may taong tumayo sa pinang gagalingan nito, at may hinawi siyang bagay dahilan ng pagkawala ng liwanag.


Ano 'yon?





"Sobra pala sikat ng araw ngayon, masyadong maliwanag." narinig ko ang boses ni Dagat.


And then I realized na kapatid ko pala ang naghawi ng kurtina. So hindi ako nategi?


Napapikit ako ng marahan at nang dumilat muli ako ay tumambad sa'kin ang mga taong malalapit sa 'kin. Literal na malalapit dahil nakapalibot na naman sila sa 'kin.



"A-anong nangyari?" buong pagtataka kong tanong.

Ang huli ko kasing naalala is nung inatake ako tas nawalan na ako ng malay.

"Nawalan ka ng malay at naisagawa na din ang operasyon mo noong nakaraang araw." umupo si mommy sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Operasyon? T-teka, paano ako na operahan e diba wala pa naman kayong donor na nahahanap?" gulong gulo na talaga ako.


Last time kasi na pinag usapan namin 'yon ang sabi nila wala pa daw silang nahahanap. So, paano nangyari 'yon?

Imbis na sagutin ni mommy ang tanong ko ay inabot na lamang siya sa'kin ang isang sobre, na sa palagay ko ay sulat ang nilalaman.

Bago ko buksan ang sobre na 'yon ay dinaanan ko muna lahat sila ng tingin na nagtataka, ngunit ngiti lang ang sinukli nilang lahat sa'kin.

Dahan dahan kong pinunit ang sobre. Binuksan ko ito at nakita kong may guitar pendant at pick sa loob ng sobre. Bakit parang pamilyar sa 'kin ang pick na 'to?

Sunod kong ginawa ay inilabas ang papel at binasa na ang sulat.


Sabi ko naman sa'yo noon na, I'll do anything mabuhay ka lang. Madami ka pang kantang kakantahin, and I hope na ang ibang kanta don ay ang mga cinompose ko. Sorry for everthing that I've done. Sobrang panghihinayang ang naramdaman ko nang malaman kong kayo na ni Vice, pero sino ba naman ako para pigilan kang ibigin siya diba? Di hamak naman na mas matangkad siya sa'kin, pero mas pogi pa din ako kaysa sa kanya haha. Ang hirap pala kapag may gusto kang isang tao tapos hanggang gusto ka nalang. Ang lakas maka heart broken. But always remeber that, you're my 'okay lang' in this world of 'ang hirap pala'. Mahal kita. Mahal mo siya. Mahal pa rin kita. I will always care for you, even if we're not together, even if we're far, far away from each other. Ingatan mo 'yang puso ko ha, na ikaw lamang ang tanging nilalaman bukod sa mga ugat at dugo.

Please take care of my heart. Ayokong mawala ka. Tama na 'yung ako nalang ang mawala at masaktan. Love is sacrifice, that's why I sacrificed my life for you.

How Deep Is Your Love? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon