17

1.1K 52 2
                                    

Tuesday
9:45am

Karylle's

Kasalukuyan kaming nagkaklase ngayon sa Math subject namin. Tupa nakaka bored! -_-

Tumingin naman ako sa paligid ko at halos lahat sila ay nakikinig kay Maam Ortega, ang titino ng mga classmate ko, anyare sakin? Hahahaha.

Tinignan ko si bisyo na katabi ko sinubukan ko naman siyang tusukin sa tagiliran niya gamit ang ballpen ko pero wa epek pa din, focus pa din siya sa pakikinig. Kaya nag isip ako ng ibang paraan para makuha ko yung atensyon niya.

"Huy! bisyo nagugutom ako" bulong ko kay bisyo, nagtagumpay naman ako this time dahil tumingin na siya sakin.

"Mamaya na, malapit ng mag time" sabi ni bisyo at binalik ulit yung tingin sa blackboard.

"Napaka tino niyo grabe" I chuckled.

Lahat kasi ng mga kaklase ko naka focus lang sa blackboard. Tumingin naman ako sa kaliwa ko at nakita ko si Saddi na nag cecellphone na tinatabingan ng librong nakapatong sa desk niya, pwera lang pala sa kanya. Napansin ko naman na napapangiti siya habang nag ttype, may ka text ang bruha.

Kaya naisip ko na mag cellphone nalang din dahil bukod sa nabobored ako inaantok na din ako. Nakakawalang gana talaga yung math :(

Kinuha ko yung librong nasa desk ni bisyo tinignan naman niya ko na nagtataka at binalik din agad yung tingin sa blackboard pisti.

Binuklat ko yung libro at pinantabing ko sa cellphone ko. Nakita ko naman na may unread message kaya dali dali kong binuksan.

From: Asa ka

Hi, Miss beautiful ;)

Luhh! Nag cecellphone din siya habang nagkaklase? Hahahahaha mga pasaway na bata.

Naisipan ko naman na replyan si Hope since bored nga ako at walang makausap.

To: Asa ka

Hello! Pag asa :)

Naka vibrate mode naman yung cellphone ko kaya ako lang makakadama kapag may nagtetext.

From: Asa ka

Cellphone habang nagkaklase? #Meantobe HAHAHAHA

To: Asa ka

Konting kibot meant to be agad?

From: Asa ka

Oo naman yes. Pwede bang sabay tayo mag lunch later?

To: Asa ka

Kasama ko si bisyo eh pasensya na.

From: Asa ka

Ah ganun ba. Kung hindi mo na siya kasama pwede tayo magsabay?

To: Asa ka

Pwede naman KUNG HINDI KAMI SABAY NI BISYO

Lintek napindot ko kaagad yung capslock.

From: Asa ka

Woaaw! Sige sige. Makinig ka na muna, baka makumpis pa yang cellphone mo

To: Asa ka

K

In-off ko na yung cellphone ko at nakita ko na nag aayos na si maam ng projector, ibinabalik na sa lalagyan. Tapos na pala yung klase hindi ko naramdaman hahaha.

"Ano gutom ka pa rin ba?" tanong sakin ni bisyo habang nag iinat pa, tamo pati siya inaantok din kanina hahaha.

"Oo eh" I said as I pout my lips.

How Deep Is Your Love? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon