hdiyl : 13

1.2K 51 1
                                    

Iniintay ng grupo nila Vice matapos ang naglalaro. Dahil pagkatapos nito ay sila na ang susunod na isasalang sa labanan.

Naglalaban ngayon ay ang third year at first year, sila ang natalo kahapon, lose to lose ang labanan kaya hindi nawawalan ng pag-asa ang mga manlalaro.

Natanaw  naman ni Vice si Hope na papasok sa home room nila kung nasaan si Karylle ngayon.

Naisip niya na bibigyan na naman ni Hope si Karylle ng bulaklak dahil may dala dala na naman itong isang bugkos ng sunflowers.

"Hi, Kent." Nabaling ang atensyon ni Vice sa tinig ng babae na tumawag sa kanyang pangalan.

Nilingon niya ito at nakitang nakatayo si Saddi kasama ang dalawang kaibigan na babae.

"Hello." he quickly said.

"Sorry nga pala hindi ako nakapanuod kahapon ng game niyo. . . but I've heard na nanalo daw kayo sa mga third year. So I'm here to congatulate you and to give my goodluck to you." Tuloy-tuloy na pagsasalita ng dalaga.

Inabot ng dalaga ang box na maliit at agad naman itong kinuha ni Vice at kunot noong tinignan ang dalaga.

"Para saan 'to?" He asked, puzzledly.

"Congratulation gift. Kasi alam ko na kayo ang magiging champion this year."

"Ah. . . t-thank you." Vice stuttered as he smiled at her.

Sa kabilang dako naman ay sinubukang kausapin ni Hope si Karylle kaya pumasok siya sa loob ng home room nito. Balak din nito na ibigay ang dala-dalang bulaklak.

Pumayag naman na makipag usap si Karylle sa binata at inaya ito sa labas na ma-usap. Dahil madami-dami din ang tao sa loob.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng paningin ni Karylle ang direksyon sa baba kung saan magkausap sila Vice at Saddi.

Nakita niya ang pinsan na may ibinigay kay Vice na tinanggap naman ng binata. Kunot ang noo niya itong tinignan - not knowing na naghihintay si Hope na kausapin siya.

Tinignan na lamang ni Hope kung saan nakatingin ang dalaga. Nakita naman niya ang kaibigan na may kausap na babae sa baba - hindi niya maaninag ang hitsura ng babae dahil may kalayuan din ito medyo may problema na siya sa kaniyang mata.

Muli, ay tinignan niya ang katabing babae. Sa reaksyon pa lang ng mukha ng dalaga ay mababanaag na ang kongklusyon na nagseselos ito sa nasaksihan.

He cleared his throat before magsalita. Nakuha naman nito ang atensyon ng dalaga.

"Pwede ba kitang ayain na mag early dinner after ng game namin?" Buong tapang na tanong ni Hope.

Isa itong paraan ng panliligaw na ginagawa ni Hope upang mapalapit sa kaniya ang dalaga at umaasang magiging sa kaniya ito bandang huli.

"Sorry Hope hindi kasi ako pwede. Sinabi ko kasi kila mommy na maaga ako uuwi mamaya." pa-eexcuse ni Karylle.

"Okay lang, naiintindihan ko." Nakangiting sabi ni Hope. Ngiti din naman ang sinukli ng dalaga sa huli.

Muli siyang tumingin sa ibaba at nakita na magkatabi na ngayon ang dalawa at masayang nag-uusap.

"Hindi pala kaibigan ha." She mumbled.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Hope ang sinabi ng dalaga ngunit hindi naman ito gaanong malinaw.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Hope.

"W-wala. Tara baba na tayo mukhang mag sisimula na ang game niyo." Pagdivert ng usapan ni Karylle.

Ngiting-ngiti naman ang huli sa tinuran ng dalaga dahil kasama niya itong pupunta sa baba at manunuod pa ito ng laro nila.

How Deep Is Your Love? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon