House
6:20amMaagang nagising si Karylle sa hindi malamang dahilan. Sinubukan niyang matulog ulit ngunit hindi na siya makagawa ng tulog. Naisipan niya na magbukas nalang ng fb to see kung nag reply na ang kanyang kaibigan na si Vice.
Nakita niya ang notif sa chatbox niya at ng buksan niya ito ay ibang pangalan ang tumambad sa kanya.
Hope Navarro: Goodnight, miss beautiful 😊😘 sleep well!
Sent 11:23pm
Nadismaya naman si Karylle sa nabasa dahil ang buong akala niya ay si Vice na ang nag chat sa kanya. She let out the deep breath at nagtungo sa cr para maghilamos.
Bumalik siya sa laptop niya at nag compose ng message para kay Vice.
Karylle Fierce: good morning, bisyo. i'm awake, i don't know why
Karylle Fierce: hindi siguro makampante yung utak ko :(
Karylle Fierce: kakaisip sayo, very un usual kasi hindi ka nagparamdam kahapon :( sineen mo lang ako </3
Karylle Fierce: kinakabahan ako . . .
Karylle Fierce: ako na mag re report mamaya sa science :(
Karylle Fierce: palakasin mo yung loob ko ha? :)
Karylle Fierce: aasahan ko yan
Karylle Fierce: banatan mo ko ng mga corny mong jokes para sumaya ako :)
Karylle Fierce: siguro tulog ka pa, sige sleep well :)
Seen 6:39am
In-off na ni Karylle ang kanyang laptop at nag tungo na sa banyo upang maligo, dahil hindi na siya makabalik sa pag tulog ay naisipan na lamang niyang maligo.
Sa kabilang dako naman ay nagising si Vice dahil sa sunod sunod na pag tunog ng kanyang cellphone, notification sa kanyang messenger. Kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng unan at iminulat ang isang mata, he unlocked his cellphone at tinignan kung sino ang nag chat.
Bumungad sa kanya ang mga chat ni Karylle kaya naman napamulat na din ang kanyang isang mata, napangiti siya ngunit mababanaag pa din ang kalungkutan sa mukha nito. Medyo hirap siya sa pag ngiti dahil may pasa siya sa gilid ng kanyang labi.
Hindi na niya ito ni replyan upang mapadali ang pag iwas sa kaibigan. Tinungo niya ang banyo at doon ay naligo.
××××××
School
8:57amKarylle's
Nakadating na kami dito sa school at nagpaalam na din sakin yung dalawa kong kapatid. Agad kong tinungo yung pinag aantayan sakin ni bisyo sa rest area. Pag dating ko doon ay hindi ko siya nakita. Umupo muna ako baka kasi na late lang siya ng gising or what.
Hanggang sa dumating siya, na may gasa sa labi niya, anong nangyari kay bisyo?!
Nagmadali akong tumayo at patakbo ko siyang pinuntahan.
"Bisyo! Anong nangyari sayo?" all worried kong tanong tsaka ko in-ispeksyon yung sugat niya, sugat panigurado yon may gasa eh.
Nakita kong iniwas ni bisyo yung mukha niya at tinignan niya ako ng walang emosyon. Anyare dito? -_- tinabig din niya yung kamay ko at dire diretsyo siyang nag lakad.
Loko yun ah! Iniwan ako mag isa. Hinabol ko siya at sumabay sa pag akyat. Bakit hindi siya nag sasalita? Napipi na ba siya?
"Bisyo" pag tawag ko sa atensyon niya pero patuloy pa din siya sa pag akyat.
BINABASA MO ANG
How Deep Is Your Love? ✔
Fanfictionall i'm saying is, real feelings don't just disappear.