36

1.5K 59 18
                                    

House
3:23 pm

Karylle's

After namin bumili ng mga abubot para sa gagawin naming surprise para kay Buko ay naisipan namin na umuwi na. Nag take out nalang din kami ng pagkain sa resto para makakain na din sila, na sesense ko kasi na hindi nagsi kain yung mga 'to at puro junk foods lang ang kinain. Halata naman kasi, puro balat ng malalaking chips ang nakakalat sa sala.

"Ako na ate" prisinta ni Cams kaya siya na yung pinagpatuloy ko sa pagpulot ng mga kalat nila.

Kung madatnan 'to ni manga panigurado papalayasin kami pare pareho non dito.

"Nasan nga pala yung mga kapatid ko?" tanong ko kay Cams, wala kasi akong nadatnan na maingay.

"Naliligo na ate," she quickly answered at tinapon na sa trashcan yung mga kalat.

"Eh ikaw, tapos ka na ba?" I asked her, pansin ko kasi na siya lang yun nandito.

"Yes ate, in fact ako nga yung pinauna nilang maligo" she uttered, I just nodded at pumunta na ako sa dining area.

Nakita ko naman si bisyo na inaalis sa plastic yung tinake out naming pagkain at nakangiti. Hindi pa rin ba siya nakaka get over sa kaninang ganap?

"Huy, move on move on din" sita ko sa kanya at tumawa ng mahina.

"Sarap magbalik tanaw e" pilyo niyang sabi at tinignan ako sabay kindat, ene be besye.

"Buset ka! Baka makahalata sila" sabi ko at binato ko sa kanya yung takip nung isang container.

"Alin ang mahahalata?"

"Sinong sila?"

Nagpantig naman yung tainga ko ng marinig ko yung boses ng dalawa kong kapatid. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Buko na nagpupunas ng buhok niya gamit ang towel, at si Dagat naman na naka kunot ang noo at mayroong towel sa ulo niya.

"Ah......eh" tama bang sabihin ko na sa kanila ngayon? Hindi ba masyadong mabilis?

"What? May dapat ba kaming malaman?" Dagat asked as her eyebrows got knitted.

Naramdaman ko nalang na may brasong pumulupot sa bewang ko kaya napatingin ako sa gilid ko. Bumungad sakin si bisyo na naka ngiti at tumango as if he's trying to say na sabihin ko na ang totoo. I smiled back at him at binalik ko yung tingin ko sa tatlong babaeng nasa harapan namin.

I raised my left hand kung saan nakasuot yung  singsing na binigay sakin ni bisyo.

"He proposed?" Buko asked shockingly, bigla naman akong natawa sa reaksyon nila mga naka nganga kasi tas nanlalaki yung mga mata, narinig ko din na natawa si bisyo.

Hindi ba nila napansin kung saan naka suot yung ring at proposal agad ang nasa isip nila?

"Pero bakit sa index finger nakalagay?" buti pa 'tong si Cams may jutak HAHAHA.

"Hindi naman kasi 'to proposal ring, promise ring lang 'to" sagot ko, natikom naman yung mga bibig nila at dahan dahang tumango, naintindihan na nila siguro.

"O, bakit may promise ring?" pambasag ni Dagat sa katahimikan na muntik ng bumalot sa aming lima.

"We're official" rinig kong sabi ni bisyo at lalong humigpit yung paghawak niya sa waist ko.


Croooo . . .

Croooo . . .

Croooo . . .



How Deep Is Your Love? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon