Chapter 2

5.3K 82 2
                                    


Chapter 2

LUMIPAS pa ang ilang araw at matiyagang inalagaan ni Alyana si Doña Tacion. Para na nga siyang naging personal nurse nito. Feeling pa nga ng dalaga ay siya lang ang pinagkakatiwalaan nito. Hindi naman sa assuming o nagmamayabang siya pero nitong nagdaang araw ay hinayaan siya ng matanda na pumasok sa kuwarto nito. Hindi kasi nito pinapapasok ang mga katulong sa kuwarto nito dahil ang silid na iyon ang nagsisilbing sanctuary ng Doña.

Pero ngayon ay nag-iba na ang ihip ng hangin. Well, slight lang, naging mabait ito. Hindi na siya nito masyadong sinisigawan. Pero naging dahilan naman nang pagbabago ng matanda ang pagiging insecure ng mga kapwa niya katrabaho. Paano ay naiinggit sa kanya na kesyo bakit daw ganoon ang matanda sa kanya? Bakit mabait lang ito sa kanya samantalang sa kanila naman daw ay palaging binubugahan ng apoy.

Tulad kanina, noong naghahanda siya ng breakfast ng Doña. Kukunin na niya sana ang tray na naglalaman ng mga pagkain ni Doña Tacion para dalhin sa kuwarto nito pero narinig niya ang bulungan— pagpaparinig pala nina Lyn at Kat. Sipsip daw siya sa matanda kaya naging mabait sa kanya.

Pagsasabihan niya sana pero pinigilan na siya ng kaibigan na si Ann. Huwag na raw niyang patulan dahil magkakagulo lang. Napabuntong-hininga na lang siya. Hinayaan na nga lang niya ang mga ito. Tama naman kasi ang sinabi ni Ann, kung papatulan niya kasi ang mga ito ay lalabas na parang totoo ang paratang ng mga ito sa kanya.

"Doña Tacion, nandito na po ang—" natigilan siya sa ibang sasabihin nang marinig ang boses nito na galit na galit. Napapasok tuloy siya sa loob ng kuwarto nito at iyon nga, naabutan niya itong galit na nakikipag-usap sa cell phone nito.

"Ibang klase talaga ang batang 'yon!" sabi nito matapos ibaba ang hawak na cell phone. Naupo ito sa silya at pagod na hinilot ang sintido nito.

Mabilis na nilapitan ito ng dalaga at inabutan ng tubig. Hinimas-himas din niya ang likod nito.

"Salamat, hija." Nakangiting sabi nito.

Napakurap pa ng ilang beses si Alyana. Ngumiti ba sa kanya ang Doña? Namalikmata ba siya o, totoo ang nakita niya? Napailing na lang siya. Ano ba naman itong iniisip niya? Bakit niya kailangan na tanungin iyon? Hindi naman robot ang Doña para hindi ngumiti, 'no.

"Walang anuman po."

Muli ay ngumiti ang matanda saka hinarap siya. "By the way, may gusto akong itanong sa 'yo. I hope you don't mind."

"A-ano po 'yon?"

"Ano'ng gagawin mo kung magkakaroon ka ng maraming pera?"
Napanganga si Alyana sa tanong na iyon ng Doña. Ano ang dahilan bakit nito itinatanong iyon?

"I'm waiting. I need your answer."

"H-hahanapin ko po si Kuya Marcus. Para makasama na namin siya ni Inay."

"Great answer." Puri nito sa kanya saka hinaplos ang kanyang pisngi.
_____

OH MY GOD!

Nanlaki ang mga mata ni Alyana nang masilayan ang isang gwapong lalaki na ngayon ay pababa ng kotse. Seryoso ang anyo nito at may pagmamadali na pumasok na sa loob. Saglit itong tumigil sa harapan niya saka inutusan siya nito para asikasuhin ang mga gamit na dala nito.

"Si Señorito Rozen, 'yon!" Kinikilig na sabi ni Ann nang mawala na sa paningin nila ang lalaki. Nakita nila itong pumasok sa study room kung saan tuwing hapon ay doon tumatambay si Doña Tacion. "Ang gwapo, 'di ba? Tama ang pagkakalarawan ko sa kanya sa 'yo!"

"Oo nga, ang gwapo niya sa personal." Hindi na rin maiwasan ni Alyana ang mahawa sa kilig na nararamdaman ng kaibigan.

"Kaya may bagong sipsipan na naman na magaganap." Nakaismid na sabi ni Lyn, kasama nito si Kat na nakangisi rin. Tiningnan sila ng mga ito mula ulo hanggang paa na akala mo ay minamata sila.

Making Her Mine (Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon