Chapter 6
MASAYANG tinitingnan ni Marcus ang isang lumang litrato kung saan kasama pa niya ang kapatid na si Alyana doon. Masaya at buhay na buhay ang kanilang mga mata doon. They were young then. 'Yong tipong wala silang problema na kinakaharap, 'yong hindi sila nahihirapan.
Napabuntong-hininga na lang siya. "Kumusta ka na kaya, Alyana?" Hinaplos niya ang mukha ng kapatid sa litrato. "Kung hindi lang dahil sa naging sitwasyon natin ay hinding-hindi kita iiwan, kayo ni Inay."
Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin si Marcus sa tuwing maaalala na minsan ay naging alipin siya. Labag sa loob niya ang maging alila ng kung sino man, hindi niya matanggap na nagawa silang ipamigay ng sariling ina para maging pambayad utang. Pero matagal na iyon. Fifteen years had past at sa tagal ng panahon na iyon ay nagawa na niyang patawarin ang ina. Somehow ay naiintindihan niya ito.
Napatayo siya mula sa swivel chair na kinauupuan saka minasdan ang napakagandang tanawin mula sa glass type na dingding. Ngayon ay mayaman na siya. Natupad niya ang isang pangako kay Alyana na papaunlarin ang sarili dito sa Maynila. Hindi naging madali ang naging daan niya patungo sa kinatatayuan.
Nang makarating siya ng Maynila noong kinse anyos siya ay naging palaboy rin siya. Naghanap siya ng makakain sa basurahan para magkaroon ng laman ang sikmura niya. Naging basurero siya at ibinebenta niya ang nagiging kalakal sa junkshop. Tiniis niya ang araw-araw na pahirap sa tuwing kakailanganin niyang tumakbo dahil sa mga taga-DSWD na nire-rescue ang mga kabataan at nilalagay sa isang bahay-ampunan. Ayaw niya na mapunta doon dahil para sa kanya mas liliit ang chance niya para mairaos ang sarili sa lupa.
Hanggang isang araw ay may tinulungan siyang isang matandang lalaki. Ninakawan ito at siya naman ang humabol. Ibinalik niya ang bag na naglalaman pala ng pera. Doon ay kinapalan na niya ang mukha. Hiniling niya sa matanda na bigyan siya ng malaking halaga ng pera. Alam niyang mali dahil hindi dapat nanghihingi ng kapalit kapag may tinulungan ka pero desperado na siya.
Natuwa naman sa kanya ang matanda. Pero hindi siya nito binigyan ng pera. Inampon siya nito. Pinatira siya nito sa mala-palasyo rin nitong mansyon. Inalagaan, binihisan at itinuring siya nitong anak. Pinag-aral din siya nito hanggang sa nakatapos siya at ngayon nga ay isa na siyang tanyag na abogado. Ayon sa kwento ng kanyang kinilalang ama na si Reynaldo Zacarias ay nag-iisa na lang ito sa buhay. Ang mga anak nito ay lahat nasa ibang bansa na. May kanya-kanyang mga buhay na.
Kaya naman siya na ang itinuring na anak ni Reynaldo. Inampon din siya nito at ang dala-dala niyang apelyedo ngayon ay Zacarias. Wala na si Marcus Fernandez. Siya na ngayon si Marcus Zacarias. Hindi naman tumutol ang mga anak ni Reynaldo sa naging pasya nito noon, sa totoo nga ay mababait ang mga ito sa kanya dahil sa wakas ay may mag-aalaga na sa kanilang ama.
Pero sa kinasamaang-palad ay patay na ang kinilalang ama ni Marcus. Two years ago nang magkaroon ito ng kumplikasyon sa puso. Namatay ito dahil sa heart attack. Pero bago ito namatay ay hindi alam ni Marcus na pinamanahan din siya nito. Isang malaking halaga ng pera at ilang lupain ang nasa pangalan niya.
Ipinagpasalamat niya nang malaki ang nakuhang mana sa kinilalang ama. Ang pera na nakuha niya ay ginamit niya para mas paunlarin ang sarili. Nagtayo siya ng kanyang sariling law firm kasama ang kanyang naging kaibigan sa kolehiyo na si Serge na naging business partner na rin niya.Malapit na Alyana, babalik ako. Tutuparin ko ang pangako ko sa 'yo.
Noong mga nakaraang taon ay hindi nagawa ni Marcus ang dalawin ang ina at kapatid. Paano ay naging busy siya sa pagpapaunlad sa sarili. Isa pa ay nagpakilala siya noon sa kinilalang ama na ulilang lubos na kaya naman ni minsan ay hindi niya binanggit na meron pa siyang ina at kapatid. Pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimutan na niya ang mga ito. Walang araw ang lumipas na hindi niya naiisip ang mga ito lalo na si Alyana. Napapangiti na lang siya sa tuwing naiisip kung ano na kayang hitsura nito?
BINABASA MO ANG
Making Her Mine (Approved under PHR)
Romansa(Soon to be publish) Making Her Mine Naiwan si Alyana sa mansyon ni Doña Tacion upang magtrabaho sa murang edad pa lang niya. Ang kanyang kapatid na si Marcus na dapat na kasama niya ay umalis at nangako na babalikan siya. Pero labing-limang taon na...