Chapter 4

4.1K 61 4
                                    


Chapter 4

MAGKASAMA na naghahanda ng panghapunan nila sina Alyana at ang kanyang ina. Pero kailangan na umalis ng dalaga para bumili ng mga rekado na gagamitin nila at ilang mga supplies para sa bahay ng kanyang ina. Malayo kasi sa lugar nila ang grocery store kaya naman bumibili na siya ng mga supply para hindi na kakailanganin ni Ivan ang umalis. Ayaw niya rin kasi na naiiwan mag-isa ang kanyang ina sa bahay.

Matapos magpaalam ay lumabas na siya ng bakuran. Nag-abang siya ng tricycle at nang may makita siya ay mabilis niya iyong pinara. Nang huminto ay akmang sasakay na sana siya nang marinig niya ang malakas na busina mula sa likod. Nang tingnan niya ay nakita niya si Rozen. Nakangiting lumabas ito ng kotse at nilapitan siya.

"Hi," bati nito sa kanya.

"Ano po ang ginagawa niyo dito?" taka niyang tanong.

"Naihatid ko na si Lola sa airport."

"Eh, paano niyo po nalaman na nandito ako?"

"Tinanong ko si Ann kaya pinuntahan kita agad dito."

Napatango-tango naman si Alyana. Ito ba ang sinasabi ng binata na See you later sa kanya kanina?

"O, ano? Sasakay ba kayo?"

"Hindi na ho siya sasakay, anyway, here," may binigay na isang libo si Rozen sa tricycle driver. "Sorry sa paghihintay pero sa akin na sasabay si Alyana."

Tumango na lang ang driver saka umalis na. Napanganga na lang si Alyana habang sinusundan ng tingin ang palayong trike. Ang hirap pa namang mag-abang ng trike dito sa lugar nila.
"Hala! Bakit mo naman pinaalis?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sa akin ka na sasabay."

"Eh..."

"Tara na!" Nakangiti na hinila nito ang kamay niya saka ipinasok sa siya sa loob ng kotse. Ilang saglit pa ay bumibiyahe na sila. Stiff lang sa kinauupuan si Alyana. Paano ay nahihilo siya sa amoy ng aircon sa loob ng kotse nito, hindi kasi siya sanay. "Saan pala ang punta natin?" Mayamaya ay tanong nito.

"Sa grocery po, sa kabisera."

"Okay!" Mabilis na itong nag-drive papunta sa kabisera. Nang makarating sa grocery store ay kinuha nito ang listahan ng mga bibilhin niya tapos ay ito na ang naghanap. Nakasunod lang siya dito habang panay ang kuha, sobra-sobra pa sa talagang kailangan niya.

"Teka, sobra na po ang mga ito. Hindi na kaya ng budjet ko ang-"

"Sino ba ang may sabi na ikaw ang magbabayad. Syempre ay ako." Kumpiyansang sabi nito saka kinindatan siya.

Mabilis namang pinamulahan ng mukha si Alyana. Paano ay ito ang unang pagkakataon na kinindatan siya ng isang lalaki. Napailing siya. Mali! Mali itong nararamdaman niya. Hindi siya dapat kiligin! Apo ito ni Doña Tacion kaya kapag nalaman ng matanda na kinikilig siya sa apo nito ay siguradong papagalitan na naman siya nito. Pagsasabihan na huwag siyang maging ambisyosa.

Ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas ay nakalabas na sila ng grocery store. Anim na plastic bags ang dala-dala nila at tulad ng sabi ni Rozen, ito nga ang nagbayad ng mga pinamili nila. Sa nakita niya sa computer sa cashier ay umabot ng sampong libo ang nagastos nito.

"Babayaran na lang po kita kapag sumuweldo na po ako," sabi niya kay Rozen matapos nitong isara ang likod ng kotse kung saan nilagay nito ang mga pinamili nila.

"Hindi mo na kailangan na bayaran. Libre 'yon, ano ka ba?" natatawa nitong sabi.

"Eh, kasi po, Señorito..."

"Come on, we are friends, aren't we?"

Hindi na lang kumibo si Alyana. Sa totoo lang ay natatakot siya sa inaasal nito. Alam niya kasi na may binabalak itong kakaiba pero hindi lang niya maintindihan kung ano iyon. Natatakot tuloy siya sa maaaring mangyari pagkatapos nito. Paano kung malaman ito ni Doña Tacion. Siguradong malaking gulo iyon 'pag nagkataon.
"Ibaba niyo na lang po ako sa may paradahan ng tricycle. Papasok naman iyon sa purok namin." Mayamaya ay sabi niya habang nasa biyahe sila pauwi.

Making Her Mine (Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon