Chapter 5

3.8K 49 0
                                    

Chapter 5

HINDI makatulog si Alyana. Paano ay iniisip niya kung nakauwi na ba si Rozen sa mansyon. Kanina ay nabigla na lang sila sa malakas na buhos ng ulan. Malakas ang bawat pagbagsak ng patak ng ulan sa kanilang bubong. Ilang sandali pa ay bumangon siya at tumingin sa labas ng bintana.

Sana ay nakauwi na siya...

Mayamaya ay nagpasya na siyang bumalik sa kanyang higaan nang marinig niya ang ilang ulit na pagbusina sa labas. Nang bumalik siya ay nakita niya ang kotse na nasa labas ng gate. Mabilis niyang kinuha ang kapote, sinuot niya iyon saka nagdala rin siya ng payong. Pinapasok niya ang kotse.

"Señorito!" Gulat niyang sabi matapos na bumaba ng kotse si Rozen.

"Puwede ba na dito muna ako sa inyo? May naputol kasi na puno doon sa highway kaya hindi ako nakabalik sa mansyon."

"Sige po."

Pinapasok na niya ang binata sa bahay nila at dahil basa ang damit nito ay pinahiram ni Alyana ang damit ni Kuya Marcus sa binata. Pinatuloy din niya ito sa kuwarto ng kapatid para doon na matulog. Wala si Ivan sa bahay dahil umuwi ito sa totoong bahay nito.

"Salamat, Alyana," sabi nito saka naupo sa gilid ng papag na gawa sa kawayan. "Anyway, sino itong nasa litrato?" tanong nito matapos kunin ang isang picture frame na naka-display sa side table.

"Si Kuya Marcus ko 'yan."

"Nasaan na siya?"

"Umalis siya..." sabi niya saka naupo sa tabi nito at kinuha ang picture frame. "Alam mo kasi, bata pa lang kami ay nagtrabaho na kami sa mansyon. Kami 'yong parang naging pambayad-utang. May malaki kasing utang si Itay kay Doña Tacion. Wala kaming pambayad noon kaya naman kami na ang nagtrabaho. Ang kalahati ng sweldo namin ay binibigay namin kay Doña Tacion, paunti-unti ay nagbabayad kami. Pero ang Kuya Marcus ko, ayaw niya ng gano'ng buhay. Umalis siya sa mansyon. Sabi niya babalikan kami ni Inay. Iaahon daw niya ang sarili niya sa lungsod pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya." Biglang pumiyok ang boses niya matapos haplusin ang mukha ni Kuya Marcus sa litrato.

"Oh, God! Hindi ko alam ang tungkol doon."

Mapait na ngumiti si Alyana. "Matagal na iyon at ngayon ay maliit na halaga na lang ang babayaran namin."

"I'm so sorry sa nagawa ng lola ko. Hindi ko talaga alam na..."

Napangiti si Alyana saka binalingan ito. "Hindi ka naman dapat na mag-sorry. Wala kang kasalanan. Isa pa ay matagal na naming natanggap iyon."

"Pero paano ang kapatid mo? Kasalanan ng lola ko kaya siya umalis noon, hindi ba?"

"Oo pero naniniwala ako na babalik siya sa 'min. Nangako siya at alam ko na tutuparin niya iyon." Puno ng pag-asa na sabi niya saka hinawakan ang kwentas na nasa leeg niya. "O, siya. Matulog ka na po, Señorito. Malalim na ang gabi." Tumayo na siya pero bigla siyang natisod na naging dahilan para bumagsak siya sa mga braso ni Rozen. Mabilis kasi siya nitong naalalayan para hindi tuluyang matumba.

"Are you okay?" tanong nito habang titig na titig sa mga mata niya. Hindi agad na makasagot si Alyana.

She was mesmerized by his looks. Hindi na napansin ng dalaga na natulala na lang siya dito. Napalunok na lang siya nang unti-unti ay lumalapit ang labi nito sa kanya. There's no way out para umatras. Sukob na siya nito. Hanggang sa naglapat na nga ang mga labi nila. Magaan na halik lang ang binibigay nito na para bang kinakabisa pa ang mga labi niya. Nang magtagal ay naramdaman niya ang mainit nitong dila na kumakatok sa kanyang mga labi para makapasok ito.

She was about to open her mouth pero nabigla siya nang kumulog nang malakas. Agad ay naitulak niya si Rozen sabay hawak sa kanyang namamaga pang mga labi. Litong napatitig na lang siya sa mga mata ni Rozen na bakas din ang pagkabitin.

"Alyana—"

Pero hindi na pinatapos ng dalaga ang ibang sasabihin ni Rozen dahil lumabas na siya agad ng kuwarto nito. Mabilis na tinakbo niya ang silid kung saan kasama niya ang ina na natutulog pa rin. Hindi man lang namalayan na may dumating silang bisita ngayong gabi.

Napapikit na lang siya saka nahiga na sa tabi ng ina pero hindi naman siya makatulog. Nakipagtitigan lang siya bubong ng bahay nila.

Totoo bang nangyari iyon? Hinalikan niya ako? Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya makapaniwala pero sapat na itong nararamdaman niya ang pagpintig ng kanyang mga labi. 'Yon bang para kang kumain ng isang buong sili. Gano'n ang nararamdaman niya. May anghang iyon, anghang ng mas lalong tuminding atraksyon niya kay Rozen. Diyos ko! Hindi puwede! Siguradong makakatay ako ni Doña Tacion kapag nalaman ito. Napahilamus na lang siya ng mukha.

Pumikit na lang siya nang mariin at pilit na kinakalimutan ang pangyayari na iyon pero bigo siya dahil sumapit na ang madaling araw at inabutan na niyang tumitilaok ang manok ay gising na gising pa rin siya. Pabuntong-hininga na bumangon siya at iritable na kinamot ang ulo.

Ilang saglit pa ay nabigla na lang siya nang tumakbo ang kanyang ina papasok sa kuwartong kinaroroonan niya. Gulat na tinitigan siya nito.

"Bakit po 'Nay?"

"Ano'ng ginagawa ni Señorito Rozen dito? At bakit siya ang nagluluto sa kusina ng almusal natin?"

Bigla na lang napatanga si Alyana saka nagmamadali din na nagpunta sa kusina. Doon ay naabutan niya si Rozen na hubad-baro habang hinihipan ang de-uling na kalan gamit ang mahabang tubo. Ilang sandali pa ay napansin sila nito kaya lumapit ito sa kanila.

"Nagpapakulo na lang ako ng mainit na tubig para may pang-kape tayo," nakangiting sabi nito.

Hindi makapaniwalang nakatitig lang sina Alyana dito. Paano ay ang dumi ng mukha nito dala na rin ng uling, pawis na pawis na rin ito. Naiiling na bumaba si Alyana sa kusina at nagpunta sa banyo. Nagbasa siya ng bimpo at nang matapos ay lumapit siya kay Rozen at pinunasan ang mukha nito.

"Mamaya ay maligo ka pagkatapos nating kumain," sabi niya at hindi na niya napansin ang kakaibang tingin sa kanya ni Rozen.

"Yes, Ma'am!"

Napabuntong-hininga naman si Alyana saka ibinigay na sa binata ang bimpo at siya na ang nagtuloy ng ginagawa nito sa kusina.
_____

NAPATINGIN na lang si Alyana sa rearview mirror ng sasakyan ni Rozen. Ngayon kasi ay pauwi na sila. Nandoon pa rin sa labas ng bahay ang kanyang ina at si Ivan. Hinahatid sila ng tingin.

"Nami-miss mo na sila agad, 'no?" untag sa kanya ni Rozen.

"Opo naman. Isang linggo bago ko sila makita ulit," sagot niya saka umayos na ng upo.

"Anyway, gusto ko sana na pag-usapan 'yong tungkol sa tinanong ko sa iyo kagabi. Kung may boyfriend ka na?"

"Señorito—"

"Alyana, alam ko na napag-usapan natin ito pero hindi ako tulad ng iniisip mo. Hindi kita pinaglalaruan lang. At saka 'yong halik na nangyari sa atin kagabi, hanggang ngayon ay hina-hunting ako. Alam kong napaka-imposible pero handa akong patunayan na seryoso ako sa nararamdaman ko." Puno ng sensiridad na sabi nito saka hinawakan ang kanyang kamay. "Handa akong manligaw sa  'yo. Basta hayaan mo lang ako na ipakita ang totoong ako."

Napayuko na lang si Alyana at hindi na kumibo pa.

"Alyana?"

"Bahala ka."

"Okay na sa akin ang sagot mo," nakangiting sabi nito.

Making Her Mine (Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon