Athena's POV
Nandito na ko sa karinderya ni nanay Mel. Dito kami palaging kumakain ni Chloe. Parang anak na din ang turing samin ni nanay Mel simula kasi nung highschool kami dito kami kumakain.
Mag kalapit lang kasi yung dati naming school at yung school namin ngayon. Kaya dito padin kami kumakain. Walang kupas at hindi nakakasawa ang mga pagkain na niluluto ni nanay Mel kaya hindi talaga nakakasawa.
Ang tagal naman ni Chloe. Hmm..
"Haaayyy" Singhal ko. Kailangan ko na talaga mag move on. Simula sa araw na toh! MOVE ON NA SI ATHENA SKY ALONZO! At wala ng makakapigil sa pag momove on ko! Bwahahaha! Ayoko ng mainlove! letcheng love yan! Pantanga lang yan! Haha!
"ATHENAAA!!!" Sigaw ni Chloe
"Oh? Ano problema mo?" tanong ko sa kanya. Ano kaya problema neto at nag sisisigaw?
"Nakita ko si Ax! May kasamang babae!" Sabi niya sakin na parang nag susumbong
"Ano naman? We. Are. Over." Sabi ko sa kanya na may diin sa mga salita na sinabi ko.
I just saw her jaw dropped. So what? Ano naman kung may kasama siya? Wala ng kami. And I don't have a plan na makipag balikan sa kanya kahit kailan. I hate him. Iniwan niya ko dahil may mahal siyang iba. Fine! I don't f*cking care anymore.
"Umupo ka na nga! At isara mo yang bunganga mo! Baka pasukan pa ng langaw yan paospital pa kita. HAHA!" Sabi ko kay Chloe at tumawa pa.
"Move on ka na girl?" Sabi niya na parang mangha na mangha. =.=
"Oo naman!" Sabi ko ng nakangiti. Okay na ko. Okay na ko.
--------
Tapos na kami kumain ni Chloe at kasalukuyang nag lalakad na pabalik ng school ng....
*Ikkkk*
"ANO BA?!" Sigaw ko sa sasakayan na muntik na kaming mabangga. Patawid na kasi kami ni Chloe at eto namang driver netong kotse ay parang natatae na sa sobrang bilis ng pag papatakbo. Buti na lang at nakapag break siya agad.
Bumaba ang isang lalaki na galing sa passenger seat.
"I'm very sorry miss. Eto kasi kaibigan ko masyadong makabilis ng takbo eh" Sabi nung lalaki. Wait lang. Parang kilala ko toh ah! Oo! Tama! Siya yung sinabi ni Chloe sakin na Daniel Montefalco ba yun? Oo! basta siya nga yun!
Bumaba na yung nag dadrive.
"Oy! Kupal! Mag sorry ka nga! Hindi na kita pahihiramin ng sasakyan ko kupal ka talaga!" Sabi ni Daniel.
"Sorry mga miss" He said then smirked. Aba't sira ulo toh ah!
Lumapit ako sa nag drive ng sasakyan. At inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Wooohhh! Miss.. Hinay hinay lang.. Baka.." Hindi niya pa man din tapos ang sinasabi niya.. I already cut him at binulungan siya.
"One more time that you mess with me and my bestfriend.. You're dead" Sabi ko at iniwan na sila. Sigurado ako na natakot yun. Hahahaha!
"Grabe ka girl! Ano sinabi mo dun? Gwapo pa naman." Sabi ni Chloe na umaarte na naman.
"Ikaw.. lahat na lang gwapo sayo! Palunok ko kayo sayo tong kamao ko? Sa tingin mo?" Sabi ko sa kanya ng naninindak.
"Gawa!" sabi niya sakin tsaka kumaripas ng takbo. Hahaha baliw talaga. Minsan nag tataka ako kung pano kami naging mag bestfriend neto hahaha! Hindi naman ako ganyan ka-sira ulo eh. XD
************************
To be continued
BINABASA MO ANG
Project: Never FALL
Teen FictionAko si Athena Sky Alonzo. Pinanganak akong mayaman pero wala naman akong pakielam sa yaman namin. Simula kasi nung bata ako umaasa ako na makita ng parents ko kung gaano ko kagusto makuha ang atensyon nila. Hindi yung puro negosyo na lang yung inaat...