Chapter 9

9 2 0
                                    

Athena's POV

"I like..." Nag pause siya at tumingin sakin. Sinong gusto niya? Ako ba? 0__o

"Somebody" Tuloy niya at ngumiti. Akala ko I like you sasabihin niya. Ay! Joke! Erase erase!

"Ano bang dapat kong gawin? Aminin ko na ba?" Tanong niya sakin. Ano nga ba?

"Gaano katagal mo na bang kilala yan?" Tanong ko sa kanya =.=

"2 days?" Sabi niya na parang nag iisip. 2 Days?! Gusto niya na agad?! Baliw nga toh.

"Baliw ka ba?! Haha! Wag mo muna aminin duuhhh! Kilalanin mo muna noh!" Sabi ko pa sa kanya. Malay ba mo masamang tao diba? Isa pa tong shunga eh.

"Hahahaha! Ano bang gusto ng mga babae? Ligawan ko kaya?" Sabi niya at tumawa. Abnormal =.=

"Aba malay ko!" Sabi ko sa kanya.

"Eh kung ikaw tatanungin? Ano bang gusto mo?" Tanong niya sakin

Napaisip ako dun ah.. Uhhmm..

"Wala naman kasi akong hilig sa matiryal na bagay eh.. Mas gusto ko na iparamdam sakin na mahal ako yung tipong alam mo na hindi kaiiwan.. Hindi ka sasaktan.." Sabi ko at yumuko. Naalala ko na naman yung nangyari samin ni Ax one year ago.

Huminto siya sa pag lalakad kaya huminto na rin ako.

Lumapit siya sakin at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ko at bumulong siya ng mga salitang hindi ko inaasahan.

"Ako.. Hindi kita iiwan." Sabi niya sakin na ikinagulat ko ng husto.

Parang biglang tumigil ang mundo ko. At napayakap na lang din ako bigla sa kanya.

"Wag mo na isipin yung g*gong yun. haha! Somebody loves you.. I promise." Sabi niya at ngumiti.

Nginitian ko na lang din siya at nag lakad na nga kami ulit.

Habang nag lalakad kami ay hindi ko mapigilan ang maluha. Naaalala ko talaga yung nangyari samin dati ni Ax. Bakit kasi nag pakita pa siya ulit? Okay na nga ako eh! Nakakainis naman oh!

"Hey.. Stop crying.. Ang pangit mo na oh!" Sabi niya habang tumatawa kaya natawa na din ako.

"Yan! Mas maganda ka pag nakatawa" Sabi niya at ngumiti.

"Tara na. Hatid na kita sa inyo"

"Ayoko pa umuwi" Sabi ko lang at nag isip kung saan pwedeng pumunta.

"AH! Alam ko na! Punta tayo sa park!" sabi ko sa kanya at ngumiti.

Dun kasi ako madalas nag pupunta pag ayoko pang umuwi sa bahay.

"Sure.. sige" sabi niya na lang at hinatak na ko papunta sa sasakyan ko.

------------
*Sa park

Daniel's POV

Nandito na kami sa park at nag lalakad lakad lang.

Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Athena. Halata kasi na may iniisip siya na nakakasakit sa kanya.

Siguro yung gag* niyang ex yun. Sira ulo ba siya?! Nakuha niya pa mag pakita ulit kay Athena pag tapos niyan sabihin na may iba na siyang mahal. Kapal ng muka amp.

"Hey.. Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya na hindi niya naman ata narinig.

"......" Wala siyang sinagot at patuloy lang ang pag iisip

"Hey" Tawag ko sa kanya na nakakuha ng atensyon niya

"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong niya sakin.

"Sabi ko.. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nag iisip ng malalim diyan oh! Muntik na nga ako malunod sa sobrang lalim!" Sabi ko at tumawa

"Abnormal ka talaga" sabi niya na lang at ngumiti na halata namang peke =.=

Nag patuloy ang pag lalakad namin ng biglang...

*Bushhhh*

Biglang umulan ng malakas. Pakshet naman oh! Malas! Ang layo pa naman ng kotse ni Athena sa kinatatayuan namin ngayon =.= malas talaga! Litsi!

Tumakbo kami ni Athena at nag punta sa ilalim ng malaking puno ng narra.

Nakita kong basang basa si Athena kaya hinubad ko ang jacket ko at ipinatong sa ulo niya.

"Ano? Tara? Basa na rin naman tayo eh hahahaha!" Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot jiya at hinatak na siya papunta sa kotse niya.

Pag dating namin sa sasakyan niya ay pareho kaming basang basa. Nag katinginan kami at sabay na tumawa.

Natawa kami dahil sa sinapit namin. Basang sisiw ang peg amp! Hahahaha!

"Ayos ka lang?" Tanon ko sa kanya.

"Yeah.." sabi niya lang.

Pinaandar ko na ang sasakyan dahil medyo malayo layo pa ang bahay niya dito sa park.

Habang nasa biyahe ay napansin kong nanginginig si Athena.

"Hey! Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako.. masakit lang ulo ko.." sabi ni Athena na ikinabahala ko.

Hininto ko ang sasakyan sa may drug store at bumaba.

"Ate pabili nga po ng gamot sa sakit ng ulo tsaka bottled water." Sabi ko sa nag titinda.

"Eto po sir" Sabi nung nag titinda

Kinuha ko na ang gamot at ang tubig at tumakbo papunta sa kotse at sumakay agad.

"Inumin mo muna toh Athena." Sabi ko.

"Dali na oh! Para sa sakit lang ng ulo yan hindi yan lason haha" Sabi ko at nag biro para mabawasan ang sama ng pakiramdam niya.

Ininom niya na ang gamot at nag pasalamat.

---------

Nakarating na kami dito sa bahay nila.. Ay! Mali! Mansion pala.. Ang laki ng bahay nila grabe!

Kanina sa kotse ay natulog lang si Athena kaya wala masyadong nangyari.

"Salamat sa oras at sorry na din kung nadamay ka sa problema ko Daniel." Sabi ni Athena sakin.

"Ayos lang yun ano ka ba" Sabi ko at ngumiti.

"Paano ka nga pala uuwi?" Tanong niya sakin.

Haluh! Oo nga pala! Naiwan ko sasakyan ko sa school 0_o

Ang malas ko talagaaaa!!! =.=

"Hindi ko din alam eh haha!" Sabi ko na lang.

"Haha! Abno ka talaga! Oh!" sabi niya atsaka inabot saakin ang susi ng sasakyan niya.

"Yun! Salamat! hahahaha! Hindi ko tatanggihan yan! haha!" Sabi ko at tumawa.

"Sige na haha! Sunduin mo na lang ako bukas.. 7:00 am.. Bye.. Thanks sa time.. ingat ka. goodnight" Sabi niya at nag paalam na.

"Sige! Goodnight!" Pahabol kon sigaw.

Oraaaaayt!!! Susunduin ko siya bukaaaas! Hahahaha! Ayos! Ninja moves men! Wahahahaha! XD

Excited na ko para bukas! Makauwi na nga! Mag beauty rest pa ko Wahahahahaha!!! XD

Project: Never FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon