Athena's POV
Nandito na ko sa kwarto ko at nakaalis na din si Daniel.
Buti na lang at nandun siya kanina nung kinausap ako ni Ax. Kung hindi siya dumating di ko na alam kung anong gagawin ko.
Tapos na ko maligo dahil nga basang sisiw kami kanina haha! Buti na lang at binilhan ako ng gamot ni Daniel. Di na masyado masakit ang ulo ko ngayon. Puso ko na lang haha..
Makatulog na nga! Buset!
Daniel's POV
4:30 a.m
*kriiiing*
Tumingin ako sa gilid ng kama ko at may tumatawag sa phone ko. =.=
Sino namang matinong tao ang tatawag ng ganito kaaga?! Wala pa ngang araw eh!
"Hello?!" Pasigaw kong sagot sa taong tumatawag
Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag dahil hindi ko pa maidilat ang mata ko =.=
"Ang sungit naman! Papaalala ko lang na susunduin mo ko ngayon kasi na sayo ang kotse ko!" Sigaw ng taong nasa kabilang linya.
Napaupo ako bigla sa kama ko at napatingin sa phone ko.
Si Athena pala yung tumawag XD HAHAHAHA! Nasungitan ko pa haha! Akala ko kasi kung sino eh ang aga aga haha!
"Haha! Sorry sorry! Ang aga aga kasi natawag ka" sabi ko at napangiti.
"Eh kung makalimutan mo?! Edi patay na naman ako kay sir?!" Sabi niya na parang natatawa din.
"Hindi ko naman nakalimutan wag ka mag alala hahaha!" Sabi ko.
"Buti naman! Haha! Sige na matulog ka na ulit! Baka mabangga pa tayo pag sundo mo sakin dahil kulang ka sa tulog haha!" sabi niya at tumawa.
"Haha! Sige sige! Buti alam mo hahahaha!" Sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Ang sakit pa ng ulo ko haha! Makatulog nga ulit.
Zzzz...
*kriiiiing*
Nagising ako dahil may tumatawag na naman sa phone ko. Baka si Athena na naman toh.
"Hello?" Sagot ko na medyo inaantok pa.
"HELLO! Asan ka na?! Anong oras na oh!" Sigaw ni Athena na ikinagising ng diwa ko.
Anong oras na nga ba? Tumingin ako sa phone ko at...
6:30 a.m
0__o
6:30 na?! F*ck! Napabalikwas ako at binaba na ang tawag.
Kinuha ko agad ang susuotin ko at naligo na.
T*ng ina! 7:30 ang first class namin ni Athena. Patay ako dun pag na late siya. Huhuhu
Nandito na ko sa kotse ni Athena at paalis na ng bahay ng biglang may tumawag na naman sakin.
Si Athena. Paktay.
"Hello!!! Asan ka na?!?! 7:00 na uy!!! 7:30 ang klase ko!" Bungad niya sakin. Hay nako. Patay hahaha!
"Eto na malapit na ko sa inyo" Sabi ko kahit paalis pa lang ako ng bahay XD
"Siguraduhin mong hindi ako malelate ahhh!!! Pag ako napagalitan na naman ni sir! Nakoooo!!!" Sabi niya at binaba na ang tawag.
Ang sungit talaga nun haha!
Wala pang 15 minutes ay nakarating na ko sa bahay nila Athena.
Nag door bell ako at binuksan naman ng isang katulong at pinapasok na ko.
Nasabihan na ata ni Athena tong si manang.
Pinaupo muna ako ni manang at tinawag na ata si Athena.
Ilang minuto lang ay bumaba na si Athena.
0_o
Bakit parang ang ganda niya ata ngayon??? Ganyan ba nagagawa ng sakit sa mga tao???
Parang bumagal yung paligid habang pababa siya ng hagdan.
Wala namang bago sa suot niya. Ganyan naman talaga niya pumorma. Pero bakit parang ang ganda niya talaga ngayon? O nabubulag lang ako? Wahahaha! XD
Nakasuot siya ng white na t-shirt tapos black na jacket.. Jeans then naka black na converse.
"HOY! Ano pang nginanga nga mo jan! Malelate na tayo! Tara naaaa!" Sigaw niya sakin na ikinagulat ko.
Hinatak niya na ko at sumakay na sa kotse niya.
"Bat ngayon ka lang? Buti na lang at tinext ako ni Chloe na absent daw si sir ngayon." Sabi niya na ikinaginhawa ng utak ko.
"Buti na lang talaga" Bulong ko.
"Ha?" tanong niya pa.
"Wala! Sabi ko ang ganda mo!" Sabi ko na lang.
Napatahimik naman siya at napansin kong namula siya dun.
Hahahaha! Gwapo ko siguro? Nyahahaha!
Saktong 7:30 ay nakadating kami dito sa school.
Tinext ulit ni Chloe si Athena bago kami makarating dito sa school na free time daw kasi walang pumalit kay sir.
Buti na lang kundi patay ako dito kay Athena hahaha!
Bumababa na kami at nag lakad na papunta sa room ng biglang may humatak sa braso ni Athena na ikinagulat ko.
Etong gag* niyang ex na naman.
"Aray ko Ax! Ano ba?! Nasasaktan ako!" Sabi ni Athena.
"Gusto ko lang naman makipag usap" Sabi ni Ax
"Brad. Bitawan mo si Athena." Sabi ko.
Nanggigigil na ko dito sa kupal na. Wala ng ginawa kundi saktan si Athena.
"Paano kung ayaw ko?" Sabi niya ng maangas.
Di ko na siya sinagot at binigyan ko na ng isang sapak sa muka.
Tumumba siya at humawak sa labi niya.
"Bakit?! Sino ka ba?! ha?! Kung makaasta ka akala mo pag aari mo tong si Athena!" Sigaw niya at tumayo.
"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ni Athena habang umiiyak.
F*ck! Ayokong umiiyak si Athena kaya di ko na sinagot si kupal.
Hinatak ko si Athena papunta sa tambayan namin at doon siya kinausap.
"Athena.. Sorry kanina. Sumosobra na kasi yung kupal na yun eh! Wala ng ibang ginawa kundi saktan ka..." Sabi ko at yumuko.
Athena's POV
"Athena.. Sorry kanina. Sumosobra na kasi yung kupal na yun eh! Wala ng ibang ginawa kundi saktan ka.." Sabi ni Daniel at yumuko.
I can see it in his eyes na he really cares about what i'm feeling.
"Ayos lang.. Salamat sa talaga Daniel ah.. Palagi kang nandyan para sagipin ako sa oras na kailangan ko ng tulong." Sabi ko sa kanya.
"Wala yun.. May mga tao kasing nag mamahal sayo matagal na Athena hindi ko lang napapansin." Sabi niya pa ulit.
"Sorry din pala dahil nadamay ka pa sa gulo namin ni Ax" Sabi ko.
"Ayos lang yun! Ano ka ba! Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin.
Tumango na lang ako at niyakap siya.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may nag tutulak sakin para gawin yun. Parang pasasalamat na din siguro sa mga ginagawa niya para sakin.
"Tara na?" Sabi niya at ngumiti.
Hinatak ko na siya papunta sa room dahil matatapos na din ang first class namin kaya kailangan na namin bumalik.
Buti na lang talaga at may Daniel akong nakilala na palaging nasa tabi ko.
*************************
To be continued..Sorry sa matagal na walang update guys hahahaha yung next chapter abangan niyo guys hahaha promise! Di niyo pag sisisihan yung pag hihintay niyo! Thank you!!! Mwaaaaahhh!
BINABASA MO ANG
Project: Never FALL
Teen FictionAko si Athena Sky Alonzo. Pinanganak akong mayaman pero wala naman akong pakielam sa yaman namin. Simula kasi nung bata ako umaasa ako na makita ng parents ko kung gaano ko kagusto makuha ang atensyon nila. Hindi yung puro negosyo na lang yung inaat...