Chapter 5

10 3 0
                                    

Daniel's POV

"Sira ulo ka talaga James! Pano na lang kung nabunggo mo yung babae?!" Sabi ko kay James at binatukan siya.

"Aray ko naman Niel! Ang sakit nun ah! Sorry na! Di naman nabunngu eh! hahahaha!" Sabi niya na natatawa tawa pa.

Iniwan ko na siya at sumakay na sa sasakyan ko. Bahala ka jan. Maglakad ka! Wahahahaha!

Ako nga pala si Daniel Montefalco. 20 years old na ko. College student na ko at nag tatrabaho ako sa company namin dahil sabi ni dad. Ayaw ko man pero kailangan. Only child kasi ako at ako mag mamana lahat pag nawala na si dad. Wala na kong nanay. Namatay si mom nung bata pa lang ako. Bestfriend ko si Andrew James Silva pero James ang tawag ko sa kanya. Teammate ko din siya sa Basketball.

Nandito na ko sa school at papasok na dito ng...

"WAAAHHHH!!!" Tili ng mga babae pag pasok ko ng school. Hindi naman ako naaasar o naiilang pero minsan nakakainis sila kasi halos kahit saang banda ng school nandyan sila. =.=

Pumasok na ko sa room at nakita ko yung babae na muntik na mabangga ni James kanina.

"Hi miss. Sorry nga pala dun sa bestfriend ko." Sabi ko at kumamot sa batok ko. "Daniel nga pala" Sabi ko pa at ngumiti sa kanya at inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Athena" Sabi niya lang at inilahad na din ang kamay niya.

"Ayos lang. Mag ingat na lang siya sa susunod at baka maka disgrasya pa siya" Sabi niya pa.

Ang bait niya naman. Haha! Ang cute pa. ^_^

"Uhmm.. May katabi ka na ba?" sabi ko sa kanya kasi bakante yung upuan na malapit sa kanya.

"Meron na" Sabi niya ng hindi man lang tumitingin sakin. May binabasa kasi siya eh.

"Hoy! Girl! Eto na yung water mo!" Sabi ng isang babae. Eto ata yung kasama niya kanina eh.

"Salamat kups!" Sabi niya ng nakangiti haha! Ang kulit ^_^

"Ay! Nga pala Daniel.. Bestfriend ko, si Chloe Martinez. Medyo abno yan ah masanay ka na hahahaha!" Sabi ni Athena sakin at tumawa ng malakas. hahaha!

Tumawa na lang din ako. Nag poker face naman si Chloe haha! Ang kulit niya pala akala ko masungit siya hahahaha!

Dumating na si sir kaya pumunta na ko sa upuan ko sa may likod. Dumating na din si James na pawis na pawis. Tumakbo pa siguro toh. Wahahahaha!

Athena's POV

Dumating na si sir at pumunta na sa likod si Daniel. Ahhh... dun pala siya nakaupo kaya di ko siya nakita nung huli. Dumating na din yung kasama niya kanina.

Mabait pala yun. Akala ko masungit. PERO! I don't care! Hindi padin siya gwapo para sakin.

"Ms. Alonzo what is your answer?" Sabi ni sir na ikinagulat ko. Ano bang tanong?! OMG! 0_o

"Uhhmm.." Sabi ko na lang
"What?" Sabi ni sir. Ano ba toh si sir! Dagdag kaba pa eh!

"I don't know sir." Sabi ko at yumuko. Hindi ko naman kasi talaga alam eh! Malay ko ba! Hindi ko nga alam kung anong tanong eh!

"Seat down and stop day dreaming!" Sigaw ni sir na kinainis ko.

"You can say that to me SIR without shouting. I'm sorry if i'm day dreaming. I'm just thinking.. How the hell did you become a teacher? You're not even teaching us anything." Sabi ko at nag smirk.

Nakita ko na nag tanguan yung iba kong kaklase at nag sabi naman ng "tama" yung iba.

Walang nasabi si sir kung hindi ang...

"Get out!"

The hell i care! Fine! Edi out! Hahahaha! Kinuha ko na ang bag ko at sinabihan si Chloe na hihintayin ko na lang siya sa tambayan namin sa loob ng campus. Ang epal talaga neto ni panot. Psh..

*************************
To be continued..

Project: Never FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon