Athena's POV
Ano na naman kayang meron?
"Ang gwapo nya talaga girl!" Sabi ni ate 1
"Oo nga eh! Ang hot pa!" sabi naman ni ate 2
Ano bang meron? Sino ba yun?
*Sapak!*
"Araaaay!" Sigaw ko kay Chloe
"Ano bang problema mo kups! Ang sakit ah!" Sabi ko sa kanya
"Eh iniwan mo ko hayup ka! Ang sakit ng pwet ko!" Sabi nya ng umaarteng parang umiiyak iyak pa hahahaha mukang tanga haha!
"Ewan ko sayo!" Sabi ko na lang sa kanya.
*habang nag lalakad
"Sino ba yung pinagkakaguluhan kanina sa hallway?" Sabi ko kay Chloe na may halong pag tataka
"Ahhh.. Yun? Si Daniel Montefalco yun. Siya yung captain ball ng basketball team ng school. At isa din siya sa pinaka mayaman at pinaka sikat dito sa buong campus. Mabait yun at gwapo pa!" Paliwanag ni Chloe na may pa-actions actions pa. Muntanga talaga hahaha! Gwapo daw.. Psh.. Mukhang goon nga eh!
"Hindi kaya gwapo. Psh.." Bulong ko na narinig padin ni Chloe.
"ANO?! Anong hindi gwapo?! Bulag ka na ba?!" Sabi nya sakin na nanlalaki ang mata. bahala ka na nga jan kakatakot ka na naman =.=
"Bahala ka nga jan! Gutom na ko." Sabi ko sa kanya at nauna na sa karinderya na lagi naming kinakainan.
-------
Chloe's POV
Haaayyyy nakoo talaga tong si Athena. Ang lakas mang iwan! Litsi =.=
Alam ko naman kun saan siya pupunta eh! Wahahahaha! Akala nya ah! Haha!
*habang nag lalakad
Ohhh... Mayyyy... Gaaahhhhd..
Si Ax yun ah! 0_o May bago na agad siya?! Hayup talaga tong lalaking toh!
Siya si Axavier Castro. Ang ex ng bestfriend kong si Athena. Last year lang sila nag-hiwalay. Pero parang hindi pa ata nakakamove on tong bestfriend ko. Ganito kasi yun..
*Flashback
Athena's POV
Nandito ako sa park ngayon. Hinihintay si Ax. Sabi niya kasi may mahalaga daw siyang sasabihin sakin ngayon kaya pinapunta niya ko dito sa tagpuan namin. Ang tagal naman nun.
Ay! Ayan na pala siya! ^_^
"Sky.." Tawag niya sakin. Bakit ganun? Bakit ang gulo ng buhok niya? Ang gulo din ng suot niya. Tsaka bakit mugto yung mata niya? Umiyak ba siya?
"Ayos ka lang ba Ax? Ano nangyari sayo? Bat ganyan itsura mo?" Tanong ko sa kanya na may halong pagtataka at pag-aalala sa muka
"Sky.. I'm sorry.. Pe-pero.. Mag hiwalay na tayo.." At kusa na ngang tumulo ang nga luha ko.. Bakit? Ayos naman kami ah. May nagawa ba ko?
"Bakit Ax? May nagawa ba ko? Bakit? Sabihin mo sakin!" At hinampas ko ang kamay ko sa dibdib nya. Kusa na ang daloy ng luha sa mga mata ko. Parang wala ng katapusan.
"May.. May mahal na kong iba.."
"....." Wala akong nasabi. Napaupo na lang ako bigla at humagulgol. Bakit biglaan? Bakit ngayon nya lang sinabi? Bakit?! Ang sakit sakit.
Pag tingin ko sa paligid ay wala na siya.
*End of flashback
Chloe's POV
Yan ang kwento sakin ni Athena. Ang sakit noh? Haayyy.. Bakit kaya nandito tong ungas na toh? Hmmm
**************************
To be continued
BINABASA MO ANG
Project: Never FALL
Novela JuvenilAko si Athena Sky Alonzo. Pinanganak akong mayaman pero wala naman akong pakielam sa yaman namin. Simula kasi nung bata ako umaasa ako na makita ng parents ko kung gaano ko kagusto makuha ang atensyon nila. Hindi yung puro negosyo na lang yung inaat...