Daniel's POV
Nandito na kami ni Athena sa room at nakaupo na ko sa upuan ko.
Wala pa naman si ma'am kaya medyo magulo pa ang room.
Hindi mawala sa isip ko yung muka ni Athena kanina. Naaawa na ko sa kanya. Hindi niya dapat nararamdaman ang ganong klaseng sakit.
Sobra siya nasaktan nung nag kita ulit sila ng kupal niyang ex.
Gusto ko ng upakan yung gag*ng yun pero di pwede kasi magagalit si Athena. F*ck! Nanggigigil talaga ko.
"Hayyy... kalma lang Daniel. Gwapo ka naman eh ayos na yun! hehe." Pag papakalma ko sa sarili ko.
Naalala ko na naman yung itsura ni Athena kanina. Magang maga yung mata niya sa kaiiyak.
Kung ako na--
"Mr. Montefalco! Do you have any plans on greeting your prof?" tanong ni ma'am na ikinagulat ko.
Naputol yung iniisip ko at napatingin ako sa paligid. Nakatayo silang lahat at halatang bumati na.
Dali dali akong tumayo at bumati.
"Uhmm.. I'm sorry Mrs. Lorenzo and goodmorning" sabi ko at yumuko.
"Umupo na kayong lahat at makinig" Sabi ni ma'am at nag umpisa ng mag turo.
Ano nga ba yung iniisip ko kanina? Arghh..
Athena's POV
Ano kaya nangyari dun kay Daniel. Parang ang lalim ng iniisip nun ah. Matext nga.. Nag checheck naman ng papers si ma'am eh..
To: Daniel Montekupal XD
Uy! Ayos ka lang? Lalim ng iniisip natin ah! Hahaha! Si crush ba yan?
*sent*
Text ko sa kanya. Biniro ko na din para di niya na isipin na nasasaktan padin ako hanggang ngayon.
I don't like other people to see that i'm weak. That i'm getting hurt.
Nakita ko ang pag ilaw ng phone ko sa loob ng notebook ko. Bilis mag reply ah!
From: Daniel Montekupal
Baliw ka din eh noh? ikaw tong nasa harap lakas ng loob mo hahahaha!
******
Hindi ko na siya nireplyan at tumingin na lang sa kanya.
Nakita kong nakangiti siya sakin kaya ngumiti na din ako.
Parang ang lalim talaga ng iniisip niya.
Ayos lang kaya siya?
Hmmm..
Napatingin ako sa katabi ko.
=.=
Tulog na naman si Chloe.
Nakita ko naman yung pagkain sa ibabaw ng desk niya kaya ano pa bang gagawin ko? Hahaha!
Kinuha ko ang pagkain niya at binuksan ito ng dahan dahan para hindi marinig ni ma'am.
Binalik ko sa desk niya ang pagkain at inilagay ang tinapay sa kamay niya.
Buti na lang hindi mabilis magising toh hahahaha!
Tinaas ko ang kamay ko na napansin naman agad ni ma'am.
Tinuro ko si Chloe kay ma'am. Nakita ko na kumunot ang noo ni ma'am.
WAHAHAHAHA!!! Paktay ka! XD
Lagi kaming ganyan ni Chloe. Lagi namin pinag tritripan ang isat isa.
Nung isang buwan lang ay nilagyan niya yung desk ni sir ng "AH PANOT! -by Athena"
Hindi naman naisip ni sir na kung ako nga nag lagay nun bat ko naman lalagyan ng pangalan ko. Shunga shunga.
Eto na ang revenge ko BWAHAHAHAHA!!!!
Lumapit si ma'am kay Chloe at..
"CHLOE MARTINEZ! HINDI KA BA MARUNONG RUMESPETO!" sigaw ni ma'am na ikinadilat ng mata ni Chloe.
"Huh? Ano na namang ginawa ko ma--" naputol ang sasabihin ni Chloe ng makita niya ang hawak niya.
Napaisip siya sandali at napatingin sakin.
Pigil na pigil na yung tawa ko at halos hindi na makahinga.
Hindi kasi namin pwede isumbong ang isat isa para hindi na lalaki.
"Sorry PO ma'am" sabi ni Chloe habang ang sama sama ng tingin sakin.
"GET OUT!" Sigaw pa ni ma'am na muntik ng ikatalsik ng laway ko.
HAHAHAHA!!! Oraaaayt! 1-1 na hahahaha! Nag refresh kasi kami ng bilangan. Kung sinong pinaka madaming point siya ang ililibre ng isa. Sa katapusan pa naman kaya may panahon pa siya para bumawi. XD
Nakita kong umilaw ang phone ko.
Napatingin ako kay Daniel at nakita kong nag susulat siya.
Sino kaya toh?
From: Chloe the kups <3
Patay ka sakin mamayaaaaa!
****
HAHAHAHAHA!!! Hindi ko na sinagot at baka mapalabas din ako ni ma'am XD
*kriiiiiiiiiiiing*
Hay salamat bell na! Gutom na ko.
Lumabas na ko ng room ng biglang may sumabunot sakin.
"Araaay!" Sigaw ko.
Nakita kong si Chloe pala yung nanabunot sakin kaya natawa ako.
"Aray ko gaga ka! Ang sakit nun ah!" Sabi ko sa kanya.
"Hayup ka talaga! sarap sarap ng tulog ko eh!" Sabi niya pa at hinampas ako.
Nakakailan na toh ah!
"Hahahaha! sorry na! Pano ba yan? 1-1 na tayo? HAHAHA!" Sabi ko at iniwan na siya.
"Hey! Athena!" May tumawag sakin.
Si Daniel pala.
"Uy! Ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo kanina ah!" Sabi ko sa kanya.
"Sabay na ko sa inyo. Wala kasi si James eh absent na naman. Tinatamad na naman siguro yun." sabi niya at tumawa.
Di niya naman sinagot yung tanong ko. Hmp!
"Oo na sige na! sabay ka na! Change topic pa eh!" Sabi ko at nauna na.
Ano kaya iniisip neto? Hmm.. Na cucurious ako.
************************
To be continued..
BINABASA MO ANG
Project: Never FALL
Teen FictionAko si Athena Sky Alonzo. Pinanganak akong mayaman pero wala naman akong pakielam sa yaman namin. Simula kasi nung bata ako umaasa ako na makita ng parents ko kung gaano ko kagusto makuha ang atensyon nila. Hindi yung puro negosyo na lang yung inaat...