"Arriving at one point is the starting point to another."
---John Dewey

Pasalampak na humiga si Cassie sa kama. Huminga siya ng pagkalalim-lalim na parang hinugot pa mula sa balon at pumikit. Nag iisa lamang siya sa boarding house dahil nag-disco ang mga kasamahan niya which is good. Natahimik at naging mapayapa din ang pakiramdam niya. They keep asking about the 'police' who saved her. The more she denies about 'him' the more they asks her a bunch of question. And it's making her more stressed and tired.

Katatapos lamang niyang maglinis ng boarding house when she stumbles upon her drawer. Agad niya itong binuksan in hopes na makakahanap siya ng libro na hindi pa niya nababasa or atleast hindi pa niya natatapos basahin. But she failed.

Napagpasyahan niya na pumunta sa mall at bumili ng libro at iba pang mga kailangan niya. This past few days was rough and she needed something to lighten up her mood.

*********************

Namimili siya ng magandang libro na babasahin nang matanaw niya mula sa labas ng bookstore si Jeffrey. May kausap ito sa cellphone habang abala sa pagbili ng bagong keychain. Agad siyang lumabas ng bookstore at nilapitan ito.

Kinulbit niya ito pero busy pa rin ito sa pakikipag usap. Hinintay na lamang niya na matapos ang kausap nito sa cellphone at nang ibaba na nito ang cellphone ay muli niya itong kinulbit.

Humarap ito sa kanya na nakakunot noo at may pagtataka.

"Anong kailangan mo Miss?" Tanong nito sa kanya. Nginitian niya muna ito bago sumagot.

"Ako yung iniligtas mo nung nakaraang linggo. Cassiedy Abueva." Pakilala niya dito saka inilahad ang kanyang kamay.

"O-kay. Walang anuman----". Naudlot ang sasabihin nito nang magsalita ang saleslady.

"Sir ito na po ang personalized keychain niyo. 150 pesos po." Namumungay ang mga mata nitong saad. Kinapa naman ni Jeffrey ang bulsa at kinuha ang wallet. Naglabas ito ng dalawang daan at kinuha ang keychain saka naglakad paalis.

"Ah sir yung sukli niyo po!" Sigaw ng saleslady. Hinintay niya na lumingon ito at balikan ang sukli pero dire-diretso lamang ang paglalakad nito.

"Mam pakibigay naman po ito sa kasamahan niyo." Pakiusap ng saleslady sa kanya. Nag aalinlangan pa siya nung una pero kinuha na din niya at hinanap agad si Jeffrey. Natanaw niya ito na palabas na ng mall papuntang parking lot.

Agad siyang kumaripas ng takbo patungo dito. Tinawagan pa niyo ito sa pag-aakalang maririnig siya nito at lilingunin pero hindi man lamang ito sumulyap at mas binilisan pa ang paglalakad.

Binilisan din niya ang pagtakbo at muling tinawagan ito. Tumigil ito nang sandali at nilingon siya. Tumigil siya at nag-apuhap ng hangin. Itinaas niya ang kamay at pinakita ang singkwenta pesos na sukli nito pero kumunot ang noo nito.

Umiling pa ito bago bawiin ang pagkakasulyap sa kanya at muling naglakad. Tumakbo muli siya pero hindi na niya naabutan ito nang makitang nakasakay na ito sa kotse nito.
Napalingon siya sa may highway at nakaisip ng paraan. Agad siyang tumakbo papunta sa may labasan at inabangan ito.

*******************
Halatang halata ang pagkainis at pagkairita sa mukha ni Jeffrey habang nagmamadaling maglakad patungo sa parking lot.

"Sandali lang!!!" Sigaw ni Cassie na kanina pa siyang hinahabol sa loob ng mall.

Hindi niya pinansin ito bagkus ay nagmamadali pa siyang sumakay sa kanyang kotse at in-start ang makina. Kinuha niya ang kanyang salamin sa may compartment ng kotse at sinuot ito bago magmaneho.

Lamentar (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon