*CHAPTER 3*

"The most important decision you make is to be in a good mood."
--- Voltaire


Wala sa mood na dumiretso si Jeffrey sa desk nang makarating sa istasyon. Agad naman siyang nilapitan ni Nievarez na ngingisi-ngisi.

"Wag mo akong asarin ngayon Nievarez, wala ako sa mood baka masapak lamang kita." Umupo agad siya at binuklat ang folder na nakalapag sa desk niya. Umupo naman si Nievarez sa silyang nasa harapan ng desk niya at halos hindi ito makapaniwala sa nakita niya kay Jeffrey.

"Saan galing yang pasa mo?" Nagtatakang tanong ni Nievarez sa kanya.

Ibinaba niya ang hawak na folder at tiningnan nang may pagtataka si Nievarez.

"Pasa?" Tanong niya dito.

"Oo, may pasa ka diyan sa kanang pisngi mo. Namumula at fresh na fresh pa." Tugon nito na may halong pang aasar.

Hinawakan niya ang kanang pisngi at nakaramdam siya ng sakit na para bang pagang paga ito.

"Yung babaeng iyon." May diin pero mahinang niyang usal. Nanlaki naman ang mata ni Nievarez at halos pigilan na nito ang badyang pagtawa nang malamang babae pala ang may gawa nito.

"Langya ka Jeff. Babae ang may gawa niyan?" Pa-inosente nitong tanong sa kanya.

"Magtigil ka diyan Nievarez." Babala niya dito. Hindi pa rin siya makapaniwalang ganun pala talaga kalakas ang pagsampal nito sa kanya para magresulta sa pamamaga at
malala pa, namamasa pa ito.

"Asus." Bahagyang tumawa si Nievarez hanggang sa hindi na nito makontrol. "Isang babae ang may gawa niyan?" Natatawang usal nito.

"Gusto mo ipalunok kong lahat sa iyo itong paper clip?" Sarkastikong usal niya.

Napatakip naman ng bibig si Nievarez at parang bata na napahawak sa batok saka tumayo at naglakad papunta sa desk nito.

It was really his fault. Napatigil siya nang maalala ang nangyari. Napasandal siya at napapikit. Hindi naman talaga niya intensyon na gawin ang bagay na iyon, na halikan ito.

Pinagde-kwatro niya ang paa at inilapag ang kanyang kanang kamay sa arm rest habang ang isa ay hinihimas ang kanyang pisngi.

But for him it was just a kiss. No big deal. Pero, kahit saang anggulo tingnan mali ang ginawa niya. Paano kung minor pa ito? 16? 17? He’s really messed up. Agad niyang kinuha ang incident report nung gabing iyon.

And it was a relief. She’s 19. But he need to fix these thing right away.

"Hey! it's not a big deal." Mapang asar na tumawa si Nievarez habang tinataas-baba nito ang dalawang kilay.

"Big deal ka sa akin mamaya." Pagbabanta niya dito. Meron talagang isang katrabaho o kaibigan na masarap tirisin at para sa kanya, si Nievarez ito.

***********

Isang magandang umaga para kay Cassiedy ang pagbangon tuwing lunes dahil palagi na lamang siyang nala-late sa pagpasok. Ewan ba niya, kahit anong gawin niya hindi talaga siya magising ng maaga.

"Cassie uuna na kami!" Sumilip si Judy sa pintuan at nakakunot noong tumingin sa kanya. "Hihintayin na lamang kita sa Chemistry class natin."

"Okay bye ingat." Narinig niya ang pagtakbo nito at ang langitngit na tunog ng gate. Nanlalambot siyang bumangon at pumasok sa banyo.

Sabi nga sa kanta "Mondays coming the day i hate."

Para sa mga college students, saturday and sunday is just the "extended" school day para ipagpatuloy ang mga school works. At ang pagpasok ng panibagong lunes---

Lamentar (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon