*CHAPTER 4*

"You may not control all the events that happen to you, but you can decide not to be reduced by them."
----Maya Angelou


"Lampa."

Pabulong na singhal ng lalaki. Agad siyang tumayo at pinulot ang kanyang bag pati na rin ang mga nagkalat niyang gamit mula sa bag niya at mga libro.

Agad niyang pinulot ang mga nagkalat niyang gamit. Parang naging triple ang kamalasang nangyari sa kanya ngayong araw na ito. Not to mention na tanghali pa lamang. Ano pa kaya ang maibibigay sa kanya ng buong maghapon na ito.

"Sa susunod, wag kang tatakbo ng mabilis sa lugar na maraming tao." Seryosong usal ng lalaki. Nang makuha na niya lahat ng gamit, agad niyang hinarap ang lalaki at humingi ng paumanhin nang hindi inaangat ang tingin sa mukha nito.

"Sorry po." Hindi niya magawang tingnan ang lalaki dahil sa alam niyang nakatingin ito sa kanya at higit sa lahat, pinagtsi-tsimisan na siya ng mga estudyanteng dumadaan.

"Dito ka pala pumapasok." Napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses nito at nagtama ang mata nila ng lalaking magnanakaw ng first kiss. Pervert.

Nakaramdam siya ng nerbyos--- at inis. Nakangiti itong nakatingin sa kanya habang nakapamulsa. Para sa kanya, nakakaasar ang aura nito. Huminga siya ng malalim at tinaasan ito ng kilay sabay walk-out. Sira na nga ang umaga niya dahil sa chemistry, pati ba naman ang tanghalian sisirain pa ng isang damuho.

Dire-diretso siyang naglakad papasok ng canteen. Hindi niya pinansin ang mga matatalim na tingin na binabato sa kanya ng mga babaeng makakapal ang make-up sa mukha.

Lihim na napangisi si Jeffrey habang tinatanaw si Cassie na nasa loob ng canteen at tila may hinahanap.

"Mukhang hindi magiging boring ang pagbabantay ko dito. This could be the right time to make it up to her." Usal niya sa sarili. Noong huli nilang pagkikita, aminado siyang hindi niya intensyon na halikan ito at dalhin sa kanyang bahay. But something about her just catch his attention. Yung plain yellow dress na suot nito at silver na flat shoes pati na rin ang nakalugay nitong buhok nung araw na yun ang nagtulak sa kanya na gawin iyon.

"Kaninong notebook ito?" Pinulot ng lalaking estudyante na nakaupo sa bench ang notebook na nasa paanan
nito.

"Baka dun sa babae kasi nagkalat ang gamit niya dito kanina." Tugon naman ng babaeng katabi nito. Napalingon si Jeffrey sa gawi ng mga ito at lumapit.

"May problema ba?" Tanong niya sa mga ito.

"Ah, sir nalaglag po yata ito nung babaeng nakabunggo sa inyo kanina." Inabot nito ang notebook sa kanya. Isang pink spring-notebook na may disenyong bulaklak at may cover. May nakasipit ding ballpen dito na kulay pink din. Kinuha niya ito at ngumiti sa mga estudyante.

"Ako na ang magbibigay nito sa kanya. Kakilala ko siya. Sige mag aral na kayo, pagbutihin niyo para wag masayang ang pinagpagurang pera ng inyong mga magulang." Tumalikod na siya at naglakad papunta sa may canteen. Tiningnan niya ang hawak na notebook at binuksan.

"Omg ang gwapo naman ng pulis na iyon. Single kaya siya?" Saad ng
babaeng nakatayo sa may poste.

"Che! Tumigil kayo diyan. Akin lang siya." Singit naman ng kaibigan ng mga itong beki.

*********

"Judy nandiyan ka lang pala."

Magkasalubong ang kilay ni Cassie na umupo sa tapat ni Judy at inilapag ang dala-dalang tray.

Lamentar (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon