Okay, tutungo na tayo sa pinaka-story ng novel ko ! haha. Haba ng intro nuh. Charot! At syempre, dahil madaya ako, hindi ko ilalagay mga real name nila. Wahaha. Eh kasi nga fiction at non-fiction toh eh, bka mamaya sabihin nila nagawa ako ng own story ko <ayy talagang nagawa naman talaga> haha … kk.. ako na corny :))
Andaldal ko na, ako nga pala si Shaira de Vega. 4th year high school na ako ngayon. When I was a baby hanggang 4 years old, dun kami tumira sa Condominium sa Tao Payoh, Singapore. Haha, swerte nuh. Tatlo pa lang kaming magkakapatid nun eh, at ako ang nag-iisang babae nun. Ayun pabalik-balik lang kami minsan, Pinas-Singapore. Medyo boyish, sabi nga nila 50-50 daw <sila nga ba… haha.. well.. yan din minsan kong sinasabi na description sa sarili ko.. na kahit di naman totoo.> simpleng tao, makulit na bata, pasaway, photogenic, daming pangarap sa buhay at isa na dun ang maging ARTISTA at PHOTOGRAPHER <MODEL na din> at syempre….. indi mawawala ang pagiging MAGANDA ko ! hahaha… CHAR lang !
Punta tayo sa past, exact time…….. elementary times…
Okay! Uso na naman ang mga crush nun, pero ang crush noon ay talagang crush lang walang halong churvaness…. I mean… feelings… haha! Hoy di ako bakla nuh .. <kelan pa naman kasi naging bakla ang babae, ABER !?> Normal lang naman sa isang tao lalo na sa mga babae ang magkaroon ng madaming crush , ayt? Kaya nung Grade-5 ako, nagkacrush ako <G-6 nga ba?> haha, well, madami na akong naging crush, mga artista… at friends, classmates at schoolmates ko. Oh huh , padamihan ba ng crush gusto niyo, well, sige ako na panalo! Haha. Ansaya-saya ko lagi pag napasok ako sa school, syempre, mag-aaral, daldalan with friends at makikita ko ulit CRUSH ko! Haha. CHAR!
Monday
Assembly
*kring . kring . kring*
Ok, syempre, hindi papayag ang mga classmates ko na matatapos ang araw without teasing me. So ayan nanaman, asaran sa umaga. Wow huh, parang everyday ko nang almusal mga pang-aasar nila sa akin.
Teacher: GRADE-5! Ang ingay-ingay niyo, inaasar niyo nanaman si Shai.
Classmates: Mam, ang cute po kasi eh, liit pa! <tawanan sila. Wagas eh!>
Me: Kainis na tong mga to ah, crap! Aga-aga, hay!
Pero syempre, hindi ako pwedeng umiyak dun nu, baka makita ako ng crush ko, asarin pa akong iyakin. Haha. Sila nga pala ang leader sa assembly, syempre mga Grade-6 eh. Andun din ang kuya Sam de Vega ko. Dasal. Dasal. Dasal. Tapos exercise. Ayos lang to, once a week lang naman ang morning assembly. Sana nga araw-araw eh, para araw-araw ko rin siya makikita. :”>
Sa Classroom
Mikki Salazar: Ano Shai, Masaya ka nanaman eh?
Me: Di nuh, asa? Sino bang sasaya pag breakfast mo na yung pang-aasar nila Jerick.
Mikki: Aysus, as if naman, Masaya ka naman tuwing inaasar ka ni Jerick nuh!
Me: Yuck men! Who saysss! ABER? Kadiri ka na, ayos lang kung si ano ung iaasar mo sa akin eh.
Mikki: Naku, mas bagay kasi kayo ni Jerick, parehas pang maliit.
Me: Loka ka, ewan ko sa iyo. Baliw ka na!
Ayun, puro asaran nanaman. Hayyy. Di ko nga alam kung anong problema nung mga lalaking yun pati yung mga classmates kong babae lalo na tong si Mikki. Lagi na lang ako ang APPLE OF THE EYE. Haha. NAMAN! Artistahin ba naman ang mukha. Haha. CHAR! Aba ako lang naman si SHAIRA DE VEGA ang MUSE ng room, ever since ata nung kami’y Grade-1. Haha. Tapos lagi ko pa atang partner tong Jerick Espulgar na to. Kaya nai-issue eh. Kainis! Crush ko ba to? Malay ko ba jan! Hay! Di din nu! Yabang-yabang. NEVER! <di nga?>
Kainis lang, kasi half-day lang kami, sila kuya, hanggang 3pm pa sila. Sana ako na lang si kuya, tapos si kuya na lang yung Grade-5 para lagi kong nakikita yung crush ko na si Jasper na anak ng principal naming si Ma’am del Gado.
At dahil may computer shop kami, minsan napunta pa dito mga classmates ko, ako, si Mikki, si Josh at si Rocky. Laro lang naman ng DOTA, oo DOTA, oh huh! Kala niyo panlalaki lang yun, di nu. Nagsimula akong maglaro nung DOTA, syempre nung nagkashop na kami, saka, nung nainggit ako kila kuya at sa isa ko pang kapatid na lalaking si Jake. Aba, saya kaya maglaro ng DOTA. Haha. Dati mga laruan ko, barbie, tapos mga maliliit na mga tauhan at lutu-lutuan na may halong bahay-bahayan kasama mga kapatid kong lalaki. Oo lalaki, pero mga hawak nila sundalo, tapos pinagbabaril daw ang mga barbie ko. Haha. Kulit naming maglaro nu. Tapos ngayon naman, DOTA! Lagi kaming magkakasundo sa mga laro.
Ayun, everyday na ganun lang naman ang routine.
Haha. May mga naging crush din ako dito sa shop naming nuh. Pero syempre di naman yung mga mukhang tambay. Haha. Wala lang.
<haha. Ayun, kulit nilang magkakapatid nuh. Well, posible nga naman kasing maglaro din ng DOTA ang mga babae, eh ang lalaki kaya, posible bang maglaro ng BARBIE?? Haha., yuck naman! Ang GAY! Haha. LIKE. VOTE. COMMENT. THANKS>
BINABASA MO ANG
Who will be the right Prince Charming? Book 1 (23)
Novela JuvenilShaira de Vega is a 16-year-old student when she told her story here. This is a story of her life... of her lovelife especially yung story ng paghahanap ng kanyang ONE TRUE LOVE. Yes, she treats herself as princess waiting for a prince charming to c...