A week had already past.
Saturday ngayon at wala akong klase ngayon.
Kaya napagpiliian ko ang tumambay sa park.
Nakaupo lang ako sa isang bench doon at nagmumuni-muni.
Grabe, broken hearted lagi ako >.<
Kailan kaya ako makakahanap ng Absolute Boyfriend ko like Alice. Yung sa channel 2 . Kaso robot naman yun ee, pero atleast may perfect boyfriend naman siya, as in PERFECT. Ehh ako wala.
Hays..
"Walang hindi man lang dumanas kailanman
Magmahal nang tapat at 'di man lamang nasaktan
'Yan ay sadyang bahagi ng karanasan
Minsa'y nadarapa, aano mapagagaang
Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan..."
Aww... tama, t-teka, sino ba yun? Ang ganda naman ng boses nya nakakainlov-- Oooppss yan ka nanaman tapos masasaktan ka nanaman.
"Muling buksan ang pusong minsa'y nagtampo
Mamamasdang muli ang kagandahan ng mundo
Walang hapding mananatiling nasa 'yo
Basta't limutin mo ano mang sakit nito
At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo ..."
Napaka gandang kanta at boses.
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang magandang boses na iyon.
Sa likod ng slide sya naka-upo at naggigitara.
"Aaahh, Bakit miss?" tanung nya sa akin.
"Ahh sorry, ang ganda kasi ng boses mo at ang galing mong maggitara kaya naakit akong pumunta dito at pakinggan ka." pagpapaliwanag ko naman sa kanya.
"Ahh, sorry kung naakit kita. Hahhaha" sabay tawa nitong mr. guitarist na ito.
"Anyways, I'm Owen De Castro. Kamamigrate lang ng family ko ulit dito sa Pinas." pagpapakilala nya.
"Ahh, I'm Edge Gravador. Bakit nga pala kayo nagmigrate dito san ba kayo galing?" pag-uusisa ko naman.
"Ahm, nagkasakit kasi ako and the only treatment is in America a heart transplant at naiwan ko dito yung girlfriend ko dito ng halos 4 years at nagpumilit ako na umuwi dito after the operation to find her again." pagkekwento nya.
Sayang kegwapo pa naman. May destiny na pala.
"Ahhmm, who's that girl naman?" I ask.
"She is Dianne, Dianne Montera." malungkot na sambit nya.
Ano daw? Dianne Montera? Eehh diba si Dianne yun? Yung bestfriend ko ?
"I know her." sabi ko
"Oh ? How ? Where is she?" sunodsunod na tanong nya.
"She is my bestfriend all over my college life, pero wala pa siyang nakekwento sakin tungkol sa past nya." sabi ko naman sa kanya.
"Where is she? Alam mo ba address nya? Pwede mo ba akong samahan sa kanya?" pakiusap nya sa akin
"She is on her trip in Batangas, she will be back tonight" sabi ko naman sa kanya
"Thank you talaga Edge, Hulog ka ng langit sa akin. Di ko akalain na bestfriend ka pala nya thank you Edge" at nagulat ako ng niyakap nya ako.
O///O
Kailan kaya ako huhulugan ng langit ng katulad ni Owen?
Kailan kaya ako magiging masaya?
"Tara tawagan natin sya?" sabi ko naman sa kanya
"No no , wag na! Let's suprise her." pagtanggi nya
BINABASA MO ANG
eleven crushes (Completed)
Novela JuvenilThis story tells us how your willing to wait for love.