Chapter 9: Cold Hearted Ice Elemental Man

242 25 0
                                    

Ice's POV

Tsk!! Bakit nga ba ako nagprisinta???!! Kakaasar na kasi!!! Wala na silang ginawa kundi mag-sigawan!!

Kaya eto ako ngayon hinahanap ang babaeng apoy na yun... Hanggang sa nakaring ako ng kaluskos, kaya naman napatigil ako....

Ilang minutos akong napatigil hanggang sa may naglabasang mga hayop... Pero sandali.. Hayop ba talaga ang mga to??? O mga halimaw???

Sumugod silang lahat sa akin ng sabay... At dahil wala ako sa mood, ay lumamig ang temperatura... At ang mga halimaw na yun ay ginawa ko nang yelo...

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makakita ako ng liwanag sa banda ng malaking puno... Kaya naman agad akong pumunta doon... At nakakita ako ng isang babaeng nagliliwanag... So totoo pala ang sinasabi nilang diwata sa gubat...

"Hinahanap mo ang babaeng kumikinang na naglalagablab.." sambit ng diwata

Noong una hindi ko sya naintindihan hanggang sa naisip ko si Fire... Naglalagablab??? Meaning umiinit... Pero kumikinang??? Tsk! Kelan pa??!!

"Nasaan sya???" walang expression kong tanong

"Tapat nang isang malaking puno na natatapatan ng liwanag ng buwan.. Makikita mo sya doon..." sagot nya at tatakbo na sana ako para hanapin ang punong yun nung nagsalita sya ulit...

"Bantayan mo ang babaeng kumikinang... Wag mong hayaang makuha sya... Tandaan mo... Pinapaubaya ko sya sayo... Wag mong hahayaan mawala ang liwanag nya at mabalutan ng kadiliman..." sabi ng diwata at lilingon sana ako para tanungin ang mga pinagsasabi nya nung bigla nalang sya nawala...

Ano bang ibig sabihin ng mga sinabi nya???

Haist... Mahanap na nga ang babaeng apoy na yun!!!

...

...

...

...

Ilang oras akong naghanap sa punong yun hanggang sa mahanap ko rin...

Ang weird ng punong to... Kasing weird ng babaeng apoy na yun... Isang malaking puno na natatapatan ng liwanang ng buwan at ang pinakaweird... Kulat puti at itim ang kulay ng mga dahon nya...

Pero takte!!! Wala naman sya dito!!!

Hanggang sa nakarinig ako ng ungol..

"A-ah.." rinig ko sa isang boses sa ibaba... Sa malaking puno kasing yun.. Sa likod ng puno ay may bangin pero hindu naman masyadong kababahan eh... Pero kapag di mo napansin to pwede kang makaranas ng sakit pag bumagsak ka..

Agad naman ako pumunta sa likod ng puno at tumingin pababa.. At ayun nga... Nakita ko syang nakasandag sa may malaking bato at may sugat sa may siko at paa..

Agad naman akong tumalon at nagulat sya nung nakita nya ako... Kita kong nanghihina na sya sa sobrang sakit...

***
Fire's POV

Nagulat talaga ako nung nakita ko si Ice sa harap ko... Naku please lord!! Wag po sana nya ako gawing Yelo!!! Huhuhu..

"P-patawad na... H-hindi ko n-naman sinasadya e-eh..." pagpapaumanhin ko gamit ang mahina kong boses

Malamang mahina na ang boses ko... Kasi naman hindi ako makasigaw kasi sobrang nanghihina talaga ako.. Wala naman kasing nag-inform sa akin na may bangin dito...

Lumapit naman sya sa akin at yumuko para makapantay nya ako... Na sobrang ikinatakot ko..ñ

"A-anong gagawin m-mo sa a-akin??? P-please... W-wag mo a-akong gawing y-yelo.." takot na saad ko

"Kumusta?? Masakit pa ba???" cold na tanong nya na ikinataka ko

"Hindi ka galit???" takang tanong ko

"Kelan pa naging sagot ang tanong sa tanong???" sarcastic nyang saad

"Ngayon-ngayon lang???" sagot ko sa patanong

Hehehe nanghihina na nga ako... Trip ko pang asarin..

"Nang-aasar ka??? Baka gusto mong iwanan kita dito.." inis na saad nya

"Eh hehehe... Eto naman napakaseryoso mo naman ng sobra... Syempre masakit eto noh... Try mo kayang mahulog sa bangin.." sagot ko

"Tsk! Halika na nga!" sigaw nya sabay hila sa akin kaya naman napadaing ako sa sakit

"Aahh.." daing ko

Kaya naman pinaupo nya ulit ako... Pero ramdam ko na ang antok sobra...

"Kaya mo ba??" cold na tanong nya

At umiling naman ako..

"Inaantok na rin kasi ako eh.." sabi ko

"Kailangan na nating bumalik..." cold na saad nya

"Kahit ngayon lang... Inaantok na talaga ako... Pwede bang dito nalang tayo matulog..." mahinang sambit ko habang humihikab

"Tsk! Ayaw mong bumalik??? Edi maiwan ka dyan" cold na sabi nya at akmang aalis nung hinila ko ang laylayan ng polo nya

"P-please... Wag m-mo akong iwan.." nanghihinang saad ko

At kita ko sa mukha nya ang pag-aalalangan..

"Fine!" sagot nya bigla nya akong binuhat na ala bagong kasal na ikinagulat ko ng sobra..

"Akala ko pumayag ka na??? Bakit binubuhat mo ako ngayon???" gulat na tanong ko

"Tsk! Tumahimik ka na nga lang.." cold na saad nya sa akin kaya naman tumahimik agad ako

Then the next thing i knew ay nasa taas na kami ng bangin... Nandito kami ngayon sa malaking puno na putinat pula ang dahon nito na nasisinagan ng liwanag ng buwan...

Sinandal nya ako sa puno at sya naman tumabi sa akin para maalalayan nya ako...

"Salamat ah" pagpapasalamat ko

"Matulog ka na.." utos nya sa akin

"Oo na.." sagot ko at hindi ko alam pero pinasandal nya yung ulo ko sa balikat nya..

At sa oras na yun... Nakaramdam ako ng init at kuryente na dumaloy sa katawan ko... At naramdaman kp din ang pagbilis ng tibok ng puso ko...

Am I inlove with this Cold Hearted Ice Elemental Man???

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon