Aky's POV
Mag-isa ako ngayon dito sa library at naghahanap ng tungkol sa history.. Siguro mga 9 o'clock na.. Tulog na ang mga kasama ko tsaka ako palihim lang na lumabas.. Tutal eh bukas naman ang library...
Habang naghahanap ako ng libro may naramdaman akong paparating.. Kaya naman nagtago ako...
At dun nakita ko ang isang magandang babae na naka-itim.. Yung buhok nya may pagkapula na may pagkaitim...
"Alam kong may tao dyan... Lumabas ka.."
Halos kilabutin ako sa boses nya..
Kaya naman lumabas ako habang kinakamot ang ulo ko..
"Hehehe.. N-nakita mo pala a-ako.." sabi ko
Nakita ko naman ang nakakatakot nyang tingin..
"Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras..?" cold na tanong nya
"W-wala.. Nagbabasa l-lang.." natatakot na sagot ko
Nakita ko naman na umupo sya kung saan ka pwedeng magbasa...
"Sino ka?" makahulugan nyang tanong
Halos manginig ako sa boses nya at sa tingin nya..
"A-ako si Akyra Safire Roswell..." sagot ko at napatayo sya bigla
Galit syang napatingin sa akin..
"B-bakit po??" natatakot na tanong ko
"Hmmm i see wala kang alam.." malademonyo nyang sambit habang nakangisi
"P-po??" nauutal na tanong ko
"I'm Arika Gregory Roswell.." malademonyo nyang pagpapakilala
Halos mapahakbang ako patalikod pagkarinig ko ang pangalan na yun..
"Hahaha.. Akalain mo nga naman! Nakita ko ang bunga ng maling pagmamahalan ng kapatid ko at ng babaeng yun!"inis na sigaw sa nya sa akin
Ano bang sinasabi nya..
"Hindi mo alam???!! Imposible! Alam kong kahit konti may nalalaman ka!"
Pagkasabi nya nun bigla nalang sya naglabas ng mga sandatang nakalutang.. May mga kutsilyo, kunai,.. Basta ganun yun..
"Alam mo ba ang kapangyarihan ko! Kayang-kaya kong magpalabas ng daang-daang mga patalim! Na papatay sayo!" sigaw nya at isa-isa nyang pinatama sa akin
Pero...
Wala ni isa ang tumama sa akin...
Hanggang sa nakita ko si headmaster...
Nakita ko rin na may barrier na nakaharang sa akin....
"ATE!! Diba sinabi ko na sayo nun! Wag na wag mong gagalawin ang batang yan!!" galit na sigaw ni Headmaster
"Papatayin ko sya! Inagaw nya ang taong mahal ko!" galit na sigaw ni Arika
Sorry ah.. Hindi ko alam ang dapat itawag sa kanya eh...
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Ate!! Hindi sya si Ate Elaza!!" sigaw ni Headmaster kay Arika
"Tsk! Bahala nga kayo jan! Pero eto lang ang sasabihin ko! Papatayin ko ang anak nyo!" sigaw ni Arika at bigla nalang syang nawala
Ngayon ko lang napagtanto... Kung sya si Arika ang pumatay kay Elaza.. Kung ganun.. Sya.. Sya yung Arken.. Pero hindi eh.. Jiro ang pangalan ni Headmaster.. Pero..
"P-papa.." mahinang tawag ko at napatingin sya na may ngiti sa mga labi nya
"Pero.. Hindi eh... Ansabi notebook.. Arken ang pangalan na papa ko.." naguguluhang sambit ko
"Anak.. Alam kong wala ka nang naaalala tungkol sa akin dahil binura namin ang ala-ala mo.. Kaya kahit mukha namin hindi mo maalala.. Ako si Arken Dyiro Roswell.." pagpapakilala nya
Kaya naman ako napatakbo ako palapit sa kanya..
"PAPA!!"
Sabik na tawag ko sabay yakap sa kanya..
***
Nandito ako ngayon sa bahay ni papa.. Gusto ko kasing malaman ang tungkol sa lahat-lahat..
"Arff! Arff!"
Pagkarinig ko nun nakita ko si Kiro patakbong palapiy sa akin..
"Kiro!!"
Halos pisilin ko sya sa sobrang miss..
"Talagang mahal na mahal ka ni Kiro ah.. Kagaya ng pagmamahal nya sa mama mo.." sabi ni papa
"Po???" takang tanong ko
"Aso yan ng mama.. Nung pinanganak kayo... Kasabay din na nanganak yung aso nila.. At si Kiro nga yun.." sabi ni papa
"Ganun po ba.." sambit ko
"Eto inumin mo.." sabi ni papa habang binibigay ang isang itim na likido na nakalagay sa isang tube..
"Para saan po yan??" takang tanong ko
"Eto yung likido na tinago ko sa matagal na panahon.. Eto ang antidote sa na gawa pa ng salamangkerang nagpakalimot sayo ng lahat ng mga ala-ala mo noon.." sagot ni papa
Agad ko naman itong ininum yun at nakaramdam ng hilo..
Hindi ko nalang napansin nung nawala na ako ng malay...