Fire's POVNaalimpungatan ako dahil sa sakit sa likod...
Pagmulat ko... Nakahiga ako sa isang malambot na kama at nasa isang malawak na silid...
Wait???? Malawak na silid????
P*TCHA!!! NASAAN SILA???!!! NASAAN KAYO???!!!! NASAAN KA ICE!!!!!
"mabuti naman at gising ka na..." rinig ko sa isang boses sa likod ko
Paglingon ko... Nakita ko ang isang babaeng mataray ang mukha... Pero aminin... Maganda sya...
"S-sino ka???" natatakot na tanong ko
"Me??? Well, I'm Shana Euran Havens" mataray na pagkakakilala nya
Kaya naman napatayo ako.... At tinaasan sya ng kilay...
Sorry pero ayaw ko sa babaeng to eh kahit maganda... Antray eh...
Agad naman syang lumapit sa akin at akmang sasabunutan ako nung hinawakan ko ang kamay nya at tinulak ng malakas..,
Lingid sa kaalaman nyo... Tinuruan akong mag-martial arts para sa self defence at mukhang dito ko magagamit eto..,
"Argh!! F*ck you!!" inis na sigaw ni Shana at akmang tatakbo papunta sa akin para saktan nung may nagsalita..
"Shana! Stop!" sigaw ng isang lalake kaya naman napatigil eto...
Pagtingin ko sa lalake... Nagulat ako... Syempre sinong di magugulat...
Kung makakita ka ng boy version mo...
Kilalang-kilala ko ang pagmumukha ko kaya alam kong kamukha ko ang lalakeng to...
May mga pula din syang mga buhok kagaya ko...
"Young master Azyro" sambit ni Shana sabay yuko
Napangiti naman sya nung tumingin sya sa akin..
"Alam kong nagtataka ka na kung bakit tayo magkamukha Kira..." sambit nung lalakeng nagngangalang Azyro
"Sino ka???? Bakit... Err bakit magkamukha tayo??? Anong kailangan nyo sa akin???" takang tanong ko
"Malalaman mo din ang lahat mayamaya lang... Sumunod ka sa akin.." utos nya at sumunod naman ako
**
Matapos ng ilang minutong paglalakad nakarating na kami sa isang silid na mas malawak pa sa silid na tinulugan ko... Puro puti at pula ang makikita mo dito sa silid na ito...
Nung inilibot ko ang tingin ko, natinag ang tingin ko sa isang bagay...
Isang litratong nakaframe ng isang batang babae at lalakeng masayang nakaupo....
Alam nyo??? Parang ako yung batang babae at sya naman yung batang lalake... Kagaya namin may pula din silang mga buhok...
"Halika.." tawag nung lalake
Kaya naman lumapit ako...
Pagkalapit ko hinila nya ako papunta sa tabi nya at niyakap...
"Namiss kita ng sobra Kira.." sabi nya at mahigpit akong niyakap nung kumalas ako..
"Errr what do you mean??? Do i know you???" takang tanong ko
"Kira.. Di mo ba ako naaalala??? Ako to... Yung kambal mo... Si Zero.. Hindi mo ba naaalala???" tanong nya
"Zero??? Pasensya na ngunit wala akong maalalang ganung pangalan... Tsaka kambal??? Wala akong ala-ala nung bata ako, lumaki akong walang kambal..." sagot ko sa kanya
"Alam kong wala kang naaalala... Kung sabagay... Malakas ang kapangyarihan ng salamangkerong yun noon..." sambit nya
"Anong alam mo tungkol sa pagkatao ko???" seryosong tanong ko
"Marami... Pero bago ko sagutin ang mga tanong mo... Magpapakilala muna ako... I'm Azyro(aziro) Light Axenia-Roswell, ang iyong kambal na kinalimutan ng buong angkan ng mga Roswell..." malungkot na may galit na pagpapakilala nya..
(Axenia- (aksenya)
"Axenia???" takang tanong ko
"Yan ang apelyido ng nanay natin.." malungkot na sagot nya
"Nasaan na sya???" tanong ko
"Nasa--"
*BOOOOOOOM!!!!!*
"Mukhang sandali lang ang pag-uusap natin Kira... Eto kunin mo... Masasagot lahat ng mga tanong mo na gusto mong alamin..." sabi niya sabay abot ng isang notebook
"At oo nga pala call me Zero... Kagaya ng pagtawag mo sa akin dati..." Hindi ko alam pero napatango nalang ako..
Feeling ko kasi gustong-gusto ko rin syang tawaging Zero..
Yinakap nya ako ng mahigpit at hindi ko alam pero yinakap ko rin sya...
Ngayon ko lang naramdaman ang feeling na may kaibigan... Nung nagtagal ang yakapan namin ni Zero ay sya na mismo ang kumalas..
"Kira... Your friends are here to save you... You need to go now... Don't worry.. I'm always at your side... Bye for now twin sister" pagpapa-alam ni Zero sa akin
"But... You can come with us... I want to know you more.." pagmamakaawa ko
"Sorry Kira... But i can't... They need me here... Kailangan ako ng mga taong tinuring kong pamilya at tinuring akong pamilya..." sagot ni Zero sa akin
"Kung ganun... Bakit mo pa ako pinakuha??? Anong kailangan mo sa akin???" tanong ko
"..i just want to see you.. Yun lang wala ng iba.. Gusto ko lang kasing malaman kung maayos ka... Tsaka gusto lang kitang balaan... Mag-iingat ka sa lahat... Wag mong hahayaan na makuha ka nila... Itrain mong mabuti ang kapangyarihan mo... Sa susunod na magkita tayo... Gusto kong kontrolado mo na ang kapangyarihan mo para di ka na napapahamak pa..." sagot ni Zero at dun ay nakita ko syang lumuha kaya naman niyakap ko sya ulit.. Kumalas naman sya agad...
"Go now... Don't worry about me... I can manage myself.. Go now bago pa magbago ang isip ko at hindi na kita pauwiin pa..." biro ni Zero sa akin
"Oo na... Bye Zero.." pagpapaalam ko at tumakbo na palabas ng silid..
Takbo lang ako ng takbo...
Liko doon, liko dito...
Hayyy napakalawak naman kasi ng bahay na to eh.. Hanggang sa narating ko ang hagdan pababa at dun nakita ko silang lahat na nakikipaglaban....
Hindi dapat sila naglalaban... Hindi naman kasi sila kalaban... Mga pamilya sila ni Zero...
"TAMA NA YAN!!!" sigaw ko na halos mag-echo sa buong bahay
Lahat naman sila ay napalingon sa akin...
Lahat ng mga kasama ko ay napanatag ang mga mukha nung nakita ako...
Nung akmang lalaban ang mga tauhan ni Zero nung sumigaw si Zero galing sa 3rd floor.,
"STOP!! Let her go with her friends! Its okay now... Panatag na ako... Kira and her friends... Go now!" sabi sa amin ni Zero
Pero ngayon nakamaskara sya... Pero kilalang-kilala ko kung sino ang tao sa likod ng maskara...
Tumango naman ako at bumaba na...
Pagkababa ko niyakap nila ako pwera dun kay Ice na napakacold ang tingin kay Zero sa taas...
"Ice lets go!" sigaw ni Arl
Pagkasabi ni Arl yun ay nagsilabasan na kami ng bahay...
Magtatanong sana ako kung ano ang sasakyan namin pauwe nung isang iglap ay nasa loob ng mansion na kami... As in gulat na gulat ako sa nangyari... Ambilis naman..