Kale's POV
Halos maging yelo na kaming lahat sa lamig dito sa loob ng mansion kasi nagwawala si Ice dahil di namin mahanap si Fire..
Pati nga kami gustong magwala pero di namin magawa eh.. Dahil dito kay Ice.. Masyadong malakas ang kapangyarihan nya.. Si Fire lang talaga ang makakapagpakalma dito..
Sinubukan naming tawagan sya pero yung cellphone nya naiwan nya sa kwarto nya...
"ICE ANO BA!! HINDI MAHAHANAP SI FIRE SA PINAG-GAGAGAWA MO!! KUMALMA KA NGA MUNA!!" sigaw ng kambal ko kay Ice
Pero di sya natinag bagkus mas lalong lumamig dito.. Nagyeyelo na rin ang bawat sulok ng mansion...
"P*KSHET ICE!!! Alam mo gusto ko na ring magwala dahil di natin mahanap si Fire!! Pero hindi na!! Tama si Fia! Hindi mahahanap si Fire sa ginagawa mo!!" galit na sigaw ni Ley
Pagkasigaw ni Ley yun may biglang pumasok, kaya naman napalingon kaming lahat...
Si ms. Rin lang pala..
"Ate! Anong ginagawa mo dito!" sigaw ni Ash
"Don't shout brother!" sigaw naman ni ms. Rin sa kapatid nya
"Nagtatanong lang naman eh.." bulong ni Ash sa sarili nya
"So bakit ka nga ba nandito ms. Rin???" tanong ni Zake
"Its about Fire---"
"ASAN SYA!!!???!!!" sigawan naming lahat
"Hayyy masyado kayong nag-aalala... Nandun sya sa bahay ni headmaster... At pinapatawag din kayo ng Headmaster..." mabilis pa sa alas kwatro na nakarating sa harap ng bahay ng Headmaster... Gamit ang teleporter ni Arisha
Agad naman kaming pumasok at sinundan si ms. Rin..
At pumasok naman kami sa isang silid na may malaking pintuan...
Pagpasok namin, nagulat kami kasi nandito ang mga nanay at tatay namin...
"Buti dumating na kayo..." salubong ni Headmaster
"Bakit nyo po kami pinatawag???" tanong ni Shiska
"Pinatawag namin kayo dito... Dahil alam namin na kayo lang ang mga kaibigan ni Fire dito..." pangunguna ni Tita Kisha
"What do you mean po??? At bakit po walang malay si Fire???" tanong ni Ren
"May ni isa ba sa inyo na inatasan ng isang diwata para bantayan sya????" seryosong tanong ni Tita Freya
Wala ni isa sa amin ang sumagot bukod kay...
"Ako.." sagot ni Ice
Hah????
"So ikaw pala anak..." sabi naman ni Tito Seth
Lumapit ang Headmaster sa amin at may sinabi...
"Ang babaeng nakahiga dyan ngayon ay si Akyra Safire Axenia-Roswell... Sya ang aking anak... Siguro hindi nyo pa nakikilala ang buo kong pangalan... Ako si Arken Dyiro Roswell.. Siguro pamilyar na ang pangalan ko sa inyo dahil sa pinag-aaralan nyo sa history.. At tama kayo... Sya ay anak ng isang Frenshir at Shenshin... At sa taong pinili ng diwata... Kailangan nyang gawin ang sinabi neto... Dahil maraming naghahangad na kunin si Akyra... Lalong-lalo na ang mga nakatataas sa Frenshir..." sabi ni Headmaster sa amin
"Kung ganun... Balak nilang kunin si Fire sa atin???" tanong ni Arl
"Oo tama ka iho.." sagot ni Tito Tony
"Eh kung ganun po... Bakit po walang malay si Fire???" tanong ni Fia
"Yun ay dahil may pinainom ako sa kanya na makakapag-pabalik ng kanyang mga ala-alang nawala sa kanya nung mga bata pa sya... At sa paggising nya... Wag kayong magtaka kung bakit may paninibago sa ugali at galaw nya..." sagot ni Headmaster
"Po??? Ano pong ibig nyong sabihin???" tanong ko
"Sa antidote na pinainom ko sa kanya... May hinalo ang salamangkerang may gawa nun... Naghalo sya ng mga pandagdag kung paano nya magagamit ang kapangyarihan nya... At kung paano ito makontrol..." sagot ni Headmaster
Naguguluhan na talaga ako dito!!
"At ang kapangyarihan na meron sya ay may kakayahang sumira ng kahit na anong bagay... Sa paggising nya... Sya pa rin naman... Ngunit may mga katauhan syang magbabago..." malungkot na saad ni Headmaster
Nakita kong lumapit si Ice kay Fire at hinawakan ang mga palad neto...
Kita namin ang lungkot sa mukha ni Ice...
..
..
..
..
..
Hanggang sa nakita namin na unti-unting minulat ni Fire ang mga mata nya...
At paggising nya...
Nakita namin ang kanang mata nya... Naging kulay orange ang kulay.. Kasing kulay ng nagliliyab na apoy....
Agad namang naupo si Fire at hinawakan ang mga mata neto na parang nasasaktan...
At yung mala-apoy na mata nya ay bumalik din sa dati...
"Sino kayo???" tanong ni Fire sa amin kaya naman gulat kaming mga kaibigan nya... Pero si Headmaster at ang mga magulang namin pati na rin si Sir Jay at ms. Rin hindi man lang nagulat na parang alam na nila na mangyayari to..
"Fire... Kami to... Mga kaibigan mo.." malungkot na saad ni Shiska
Napakunot naman sya ng noo...
"Paano ko kayo naging kaibigan eh hindi ko nga kayo kilala! Tsaka! Nasaan ang kapatid ko! Nasaan si Zero!!" pagwawala ni Fire
Nung isang snap lang ni Headmaster nakatulog ulit sya...
"Anong ibig sabihin ng lahat ng yun???!!!" galit na sigaw ni Ice
At syempre pag galit si Ice lumalamig...
"Oo nga po!! Bakit di nya kami maalala????!!" sigaw ko rin
"Eto ang kapalit ng ala-alang bumalik sa kanya... Hindi nya maaalala ang lahat tungkol sa mga nangyari dito Enchanted Academy... Hindi nya kayo maalala, bukod sa mga may kinalaman sa pagkatao nya... Nawala kayo sa ala-ala nya... At hindi ko alam kung babalik pa ba ang mga ala-ala nya..." malungkot na sagot no Headmaster
"ANO!!??!!" galit na sigaw namin
"Pasensya na pero kailangan nyong tanggapin ang lahat... Pero aasahan ko kayo na kahit na wala na syang maalala tungkol sa inyo, aasahan kong proprotektahan nyo sya.. Lalong-lalo ka na Ice... Dahil ikaw ang pinili na tagapagbantay nya..." sabi ni Headmaster
Napatango nalang kami...
Sana...
Sana...
Sana bumalik ang dati...
Bumalik ang ala-ala mo Fire...