Chapter 20: controling my powers

244 22 0
                                    

Aky's POV

Pagkagising ko mukha ni Zero at Ice agad ang nakita ko...

"Pumasok na naman kayo sa kwarto ko..." sabi ko habang kinukusot-kusot ang mga mata ko

"Hahaha! Kasi Kira aalis na ako eh.. Magpapaalam lang sana ako.." malungkot na sabi ni Zero kaya naman napabangon ako agad

"AALIS KA NA???!!!" gulat na sigaw ko at tumango naman sya

"WAG NALANG!! GUSTO PA KITA MAKASAMA!!" sabi ko habang umiiyak

At naramdaman ko niyakap ako ni Zero...

"Dadating yung panahon na yun... Dadating yung panahon na magkakasama tayo... Pero... Hindi pa sa ngayon... Kaya tumahan ka na..." malungkot na sabi ni Zero

Pinahid ko ang mga luha ko at hinarap sya..

"Oo na... Basta mag-ingat ka palagi ah.." sabi ko at ngumiti sya bago naglaho...

Ayun edi nagteleport...

"Mag-ayos ka na.. Papasok na tayo.." sabi ni bago lumabas

Bakit ganun??? Parang may kakaiba...

****

Nandito na kami ngayon sa Campus at nakita ko namin ang mga taong nagkukumpulan sa may canteen... At dahil sa curious ay napapunta ako doon at pati na mga kasama namin...

Ako naman nakipagsiksikan... At nung nakarating ako... Halos masuka ako sa mga nakikita ko...

Dalawang janitor yata tong mga to... Yung isa tanggal ang ulo.. Yung isa naman nakahiwalay ang mga paa nya...

Nung biglang may humila sa akin... Nakita ko naman si Ice na nakahawak sa akin...

"Wag mo nang tignan.." malamig na sambit nya habang nakayakap sa akin..

Ako naman eto tulala... Hanggang nakita kong parating si ms. Rin.. At kita ko ang galit sa mukha nya...

"Lahat kayo! Umalis kayo dito ngayon din!" galit na sigaw ni ms. Rin

Halos di ko makilala si ms. Rin na nakilala ko...

Kasi naman, i use to see her wearing smile.. Pero ngayon hindi...

"At kayong dalawa.. Pumunta na kayo sa klase nyo.." seryosong sambit ni ms. Rin

At tumango naman kami... Pero bago pa kami makaalis ay nagsalita ulit si ms. Rin..

"Safire.. Gusto kong gawin mo ang lahat para makontrol ang kapangyarihan mo.. At ikaw Ice.. Gusto kong ikaw ang trainor nya.. Dahil kahit anong oras... Kakailanganin namin ang mga kapangyarihan nyo.." seryosong sambit ni ms. Rin na ikinakaba ko..

***

Nandito kami ngayon sa traning room... Kasi utos daw ng headmaster na kailangan naming sanayin ang mga kapangyarihan namin.. Di ko nga alam kung bakit eh...

"Ice.. Samahan mo si Fire sa room kung saan mamimili sya ng sandata.." sabi ni Sir Jay

Eh???

Agad naman kaming pumunta sa isang silid na hindi ko alam...

Kasi naman.. Tineleport yata kami ni Arisha...

At nakita ko naman agad ang mga sandata..

"Piliin mo sa kanila ang sandatang tingin monh nababagay sayo, at gusto mo.." sabi ni Ice sa akin..

At tumango naman ako at isa-isa kong tinignan ang mga sandata..

Hanggan sa natinag ako sa isang sandata..

Isa itong katana..

Pula ang lalagyan neto tapos pula din hawakan nito..

Agad ko itong kinuha at tumingin kay Ice..

"Yan na ba???" tanong ni Ice

Agad naman akong tumango at agad kaming bumalik sa training room..

Kita ko naman ang gulat sa mga mata ni Sir Jay..

"Bakit po???" takang tanong ko

"Ah.. Eh.. Wala lang.."anag-aalalangang sagot ni sir Jay

Bigla naman akong hinila ni Ice sa bandang gilid..

"Bago mo gamitin yan.. Kailangan mo munang kontrolin ang kapangyarihan mo.." sabi ni Ice sa akin

Magsasalita na sana ako nung bigla nalang nya akong pinatamaan ng spike Ice...

At dahil sanay akong umilag, inilagan ko to..

At hindi tumigil si Ice sa pagbato ng mga bagay na gawa sa yelo, at ako naman ilag ng ilag..

"Ano ba Aky! Wag mo lang ilagan! Gamitin mo kapangyarihan mo!" sigaw ni Ice sa akin habang binabato nya ako

"Eh paano! Hindi kp kayang palabasin ang kapangyarihan ko pag hindo ako galit!" sigaw ko naman habang umiilag

"Tsk! Wag mong sanayin na saka mo lang ipalalabas ang kapangyarihan mo pag galit ka!" inis na sigaw ni Ice kaya napatigil ako

Naiinis na sya... Galit na ba sya sa akin..

Pinanood ko naman ang maraming yelong matatalim na palapit sa akin kaya lahat napasigaw.. Pati si Ice napasigaw..

Hanggang sa..

Nakapaglabas akp ng fireball at agad ko itong pinatamaan sa mga yelong papalapit sa akin, kung kaya naman ay natunaw itong lahat..

Hanggang sa nakaya ko nang magpalabas ng apoy sa kamay ko... Kaya ko na ding painitin ang katawan ko pag nilalamig...

Pero ang nakakaasar, nilalamon na ng apoy ang training room kaya naman nagpalabas ng tubig si Kale at dun ay unti-unting nawala ang apoy..

"Pasaway ka! Wag mo namang sunugin ang buong trainee room!" sigaw ni Arisha sa akin

"Peace! Sorry!" sabi ko

May malamig na kamay naman ang humawak sa palad ko at nakita kong si Ice..

"Sunod.. Subukam mong ilagay ang kapangyarihan mo sa sandata mo.." sabi nya at sinubukan ko naman

Ilang oras ang nakalipas hanggang sa nagawa ko..

Kaya sobrang astig na tong sandata ko..

Nakita ko naman si Kale na may hawak na dalawang pocket knife na sobrang astig ang anyo nito..

Si Fia naman isang sword naman na pero hindi katulad sa akin na katana...

Si Arisha naman isang bow and arrow..

Si Shiska naman isang wand yata na medyo katangkaran nya lang...

Si Leon naman dalawang kutsilyo na ang haba ay mula sa sa kamay nya hanggang sa elbow nya,.

Si Ash naman kunai

Si Ren naman isang spear..

Si Zake naman isang axe pero kakaiba ang hugis neto hindi ko maintindihan..

At si Ice naman..

Sandali??? Bakit dalawa???

Isang sword din na kagaya ni Kale at.. Isang bow and arrow..

Sandali... Parang pamilyar yung hugis ng bow at arrow nya...

O______________O

Sya yung lalakeng nagligtas sa akin noong nasa lugar pa ako ng tao.. Naalala nyo pa ba nung hinahabol ako ng mga lalake...

(A/n: balik kayo sa Chapter 2 kung di nyo na naaalala..)

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon