Aky's POV
"Zero! Zero!"
Sandali???? Ako ba yun???
Tsaka wait... Zero??? Diba sya yung sinabing kambal ako???
Alam nyo yung feeling ko dito nanonood ako...
"Oh Kira!"
Parang child version to ni Zero.. Malamang si Zero yan! Napaka-engot mo talaga Aky!!
"Zero! Zero! Narinig ko ang usapan nina mama, papa, lola, at lolo!!" sabi ng batang kamukha ko at humahagulgol na sa pag-iyak
Ako yata to eh! Bukod sa parehas kaming may pulang buhok.. Parehas pa kaming maganda.. Hehe
"Bakit???? Anong narinig mo???" nag-aalalang tanong ni Zero
"Zero! Paglalayuin daw tayo!! Ayoko!! Ayokong mawalay sayo kuya!!" saad ng batang ako??? habang umiiyak..
"Huwag kang mag-aalala Kira.. Hindi tayo maghihiwalay.." sabi ni Zero habang yakap-yakap ako..
Hindi ko alam.. Pero tingin ko.. Ako talaga to..
Habang nag-iiyakan yong dalawa may biglang dumating na tatlong babae at dalawang lalake..
O_______________O
Shemays!! Siguradong ako na to!! Kasi naman nakita ko si Lola dito.. Medyo bata pa sya... Yung iba masyadong malabo ang mga mukha kaya di ko maaninag ito..
Nakita ko naman na sapilitang linayo ng babaeng pula rin ang buhok..
Wait???!!! Mama ko ba to..???
"Mama!! Wag nyo po akong ilayo kay Zero!!!" hagugol ng batang babae
"Pasensya na anak.. Pero eto ang kailangang gawin para mailayo kayo sa kapahamakan.." sabi ng mama ko????
"Mama!! Wag nyo pong ilayo si Kira sa akin!!" sigaw naman ni Zero habang umiiyak at nagmamakaawa
"Sorry anak.. Pero kailangan naming gawin ito.." sabi ng mama ko ata at yung isang ababeng kasama naman nila na may mahabang damit ay itinapat ang kamay nya sa ulo ng batang babae.. At doon may liwanag na lumalabas sa mga kamay nya na parang may hinihigop ang babae sa ulo ng batang babae..
At doon ay nawalan ng malay yung batang babae..
"KIRA!!! ANONG GINAWA NYO SA KANYA??!!!??!!" pagwawala ni Zero
Si Lola malungkot na nakatingin kay Zero..
"Mama!! Anong ginawa nya kay Kira??!!??!!" sigaw ni Zero sa kanila
"Zero.. Paggising nya.. Wala syang maalala tungkol sa kabataan nya.. Kahit ikaw ay di nya maalala.. Kahit kami... Kailangan naming gawin to para walang mapahamak sa inyong dalawa.." malungkot na sagot ng mama nila at yung isang lalake na kaage lang siguro ni Lola.. Medyo naaninag ko ang mukha nya..
Binuhat nya si Zero na iyak na iyak at nagwawala.. Halos ayaw nya tanggalin ang mga kamay ni Zero sa akin...
"Kira!! Kira!!! Huwag kang mag-aalala!! Hahanapin kita kahit anong mangyari!! Mahal kita kapatid ko!!" at doon ay nawala silang dalawa. Si Zero kasama yung matandang ka-age lang ni Lola..
"Mama.. Ikaw na pong bahala kay Safire... Wag nyo syang pababayaan... Palakihin mo sya ng parang isa syang normal na tao hanggang sa dumating yung araw na papasok na sya sa academy.." sabi ni lalakeng ka-age ng mama namin ni Zero..
Papa ko ba to???
Nakita ko naman ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nya at mata ng mama namin..
"Pasensya na anak kung wala ka man lang makikilalang ama at ina sa paglaki mo.. Ngunit lagi nyong iisipin ng kapatid mo na.. Mahal na mahal namin kayo ng papa nyo.." sabi ng mama namin at hinalikan ang batang ako sa noo
Pati ako umiiyak na rin sa mga nakikita ko...
Ano to??? Mga ala-ala??? Ala-alang nakalimutan ko..
Other Piece of my Memory..
*****
Nagising naman ako bigla nung naramdaman kong niyuyugyug ako...
"Oh my!! Buti gising ka na iha.." sabi ni Tita Freya na may halong pag-aalala
"Iha bakit ka umiiyak???" nag-aalalang tanong ni Tito Seth
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla nalang ako tumakbo palabas ng mansion..
Takbo lang ako ng takbo habang umiiyak..
BAKIT???!!! MAY KONTING BUMALIK NA ALA-ALA... PERO KULANG PA RIN!!! KULANG PA RIN!!!
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napagod ako...
Tingin ko nakarating ako sa puno kung saan nakatira si Teri..
Mukhang dito mapapanatag ako...
"Kaibigan... Ikaw ba iyan.." bati sa akin ni Teri
"Oo ako to Teri.. Tatambay muna ako ah... Pwede bang humingi ng pabor...???" tanong ko
"Sige kahit anu basta kaya ko.." sagot ni Teri
"Teri.. Pwede bang wag mong hayaang may mga ibang tao ang makarating dito.. Kahit si Ice.. Pwede ba.. Gusto ko kasing mapag-isa eh.." sabi ko
"Oo naman... Hindi ko na tatanungin pa ang problema mo.. Basta gagawin ko ang lahat upang walang makarating dito" sagot nya at lumutang pataas at nagsimula syang magliwanag..
Agad ko namang kinuha ang notebook sa bag na binigay ni Zero at tinuloy ang pagbabasa...
Nang magtagumpay na mapalapit si Kyara kay Arken at sa mga kaibigan nya.. Ay hindi nya sinasadyang nahuhulog na pala si Kyara sa binata... Kahit ayaw nyang gawin to ay pinagtaksilan nya ang angkan nya...
Umamin si Kyara kay Arken sa nararamdaman nya at sa gulat ni Kyara ay umamin rin si Arken na mahal nya na rin si Kyara...
Naging masaya silang magkasintahan hanggang sa dumating yung panahon na nagpakita ang ate ni Kyara na si Elira..
Wait? What?! Elira???? As in???!!! Parang magkadugtong lang ang kinwento ni maam sa mga nakasulat dito ah..
So it means ang fullname ni Kyara ay... Ano na nga ulit yun... Hmmm.. Aha! Kyara Gretchen Axenia... Kaya pala Kyara Chen yung pinakilala nyang pangalan nya...
And if i'm not mistaken... Elira Lymes Axenia ang bupng pangalan ni Elira...
Nabalitaan kasi ni Elira ang namamagitan sa mga mortal na kaaway nya kaya naman nagpakita sya sa kapatid nya upang komprontahin... Ngunit dahil mahal talaga ni Kyara si Arken ay nagpakalayo-layo sila sa tulong ng mga kaibigan nila... Nalaman na rin nila na isa syang anak ng mga Axenia pero tinanggap nila ito ng buong buo...
Sa mga magulang naman ni Arken ay di sila makapaniwalang nagawa ito ng anak nila.. Habang si Arika naman ay nagagalit sa kapatid nya kung bakit sya nagmahal at sumama sa mortal nilang kaaway.. Pero kalaunan ay natanggap rin ng mga magulang nya pero si Arika na kapatid ni Arken ay hindi.. Matagal na hindi nakabalik ang magkasintahan.. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung saan nakatira ang mga ito..