Chapter 10: He's my Partner

249 24 0
                                    

Fire's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko... Pagmulat ko nagulat ako sa posisyon namin...

Kung kagabi nakasandal kami sa puno at nakasandal ang ulo ko sa balikat nya... Ngayon nakahiga kami sa harap ng puno habang nakayakap kami sa isa't-isa...

Kaya eto ako ngayon kinikilig na naiilang... Hayyy... Lumalandi na ako ah... Ansarap titigan ang pagmumukha ng Yelong ito... Mahahabang pilik mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi.. KYAAAAHHH!!! Ngayon ko lang napansin na napaka-inosente ng mukha nya pag tulog sya...

Hindi ko alam pero bigla ko na lang sya hinalikan... At sakto naman na nagising sya... At tinulak nya ako ng malakas...

Shete!!! This is so embaraasing!!!

"Why. Did. You. Do. That??!!" matigas na tanong nya at matalim na nakatingin sa akin

OH MY GOD!!! ANONG SASABIHIN KO??!!!

"What??!!" inis na sigaw nya

"E-eh... Trip ko lang hahaha!" sagot ko habang pilit na tumatawa

"Just your trip huh??? B*tch!! Kagaya ka din ng mga babaeng malandi!" inis na sigaw nya na talagang nagpasakit ng damdamin ko

"I'm sorry... I didn't meant to do that to you.." sabi ko habang nakayuko

Anytime kasi pwede ng pumatak ang luha ko, at ayaw kong makita nya iyon..

"Tsk!" yan nalang ang sinabi nya at naglakad palayo

At ako naman eto nagpaiwan... Nung naramdaman kong wala na sya ay dun na lumabas ang masagana kong luha..

Tsk! Bakit ko ba kasi sya hinalikan??!!! Dahil lang sa bw*sit na halik nasabihan pa ako ng Flirt!! Takte!!

"Tahan na.." sambit ng isang boses sa taas ng puno

And to my surprice nakita ko ang isang babaeng nakaputi at nagliliwanag...

At dahil sa gulat at takot ko napaatras ako... Sino sya??? Multo ba to??? Pero umaga na... Paano nagkaroon ng multo sa umaga???

"Huwag kang matakot... Isa akong diwata na nakatira sa lugar na ito... Ako nga pala si Teriyana ang diwatang namamalagi dito.." pagpapakilala nya

"Ah hi Teri! Ako nga pala si Akyra Safire Roswell! Tawagin mo na lang akong Fire!" masayang pagpapakilala ko

"Ah Fire... Pwede ba kitang maging kaibigan???" tanong ni Teri sa akin

"Oo naman... Bakit hindi???" pagsang-ayon ko

"Salamat" sagot nya at bigla nalang syang lumutang at bumaba sa gawi ko at niyakap

"Kailangan mo ng bumalik.." sabi sa akin ni Teri

"Ay oo nga pala..." sambit ko

"Fire.. Pwede bang kahit minsan dalawin mo ako dito???" tanong ni Teri

"Oo naman! Kahit araw-araw pa kitang dalawin kung gusto mo eh!" sambit ko

"Salamat sayo ah" pagpapasalamat nya sa akin

"Okay lang! Bakit kaya di ka sumama sa akin???" tanong ko

"Hindi pwede... Dito ang tahanan ko... At hindi ko pwedeng lisanin ang lugar na ito.." sambit nya

"Ganun ba... Wala ka sigurong kaibigan dito noh.." sabi ko

"Marami akong kaibigan dito... Nandito ang mga hayop, mga puno, mga bulaklak at ikaw ang kauna-unahan kong kaibigan galing sa labas ng gubat na ito.." sagot ni Teri sa akin

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon