Until... Chapter 1

4 0 0
                                    

Ilang taon na rin ang lumipas simula ng tuluyan kong pag layo kay Brent. Ang lalaking minahal ko simula nung highschool ako. Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga nambubully sakin sa school. Masaya na sana ang buhay ko noon kung hindi lang bumalik si mama sa buhay ko at tuluyan akong kinuha sa aking lola. Oo, galit ako sa nanay ko. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng pwede kong maging nanay ay siya pa.

"Bes! Condolence nga pala sa nanay mo ah." Sabi sakin ni Carmen, Carmen Bautista. High school friend ko hanggang sa ngayon na meron na kaming kaniya kaniyang trabaho. Kakagaling niya lang ng Norway. Doon kasi siya nagtrabaho ng ilang taon bilang nurse.

"Hay diyos ko! Naku bes. Don't get me wrong ah. Pero hindi ko talaga alam kung ikatutuwa ko ang pagkamatay ng nanay mo. Eh simula ng bumalik yan sa buhay mo eh naging miserable ka na." sabi naman ng madaldal at tamad na taong kilala ko si Alexsha Raveles. Hindi ko nga alam kung pano to naka-graduate ng Medicine sa sobrang tamad eh.

Ngumiti ako ng bahagya sa mga sinabi ni Alexsha. Totoo naman kasi talaga ang mga sinabi niya. Alam nilang dalawa ni Carmen ang sinapit ko sa kamay ng aking ina. Ang sarili kong ina na siya rin mismong nag benta ng katawan ko sa iba para magka pera.

"Naku sis. Tama na nga yan! Alam mo after mong maka-move on dito sa nangyari sa nanay mo eh magce-celebrate tayo. Punta tayo ng Bora or Palawan." Sabi ni Carmen.

"Anong tama na yan? Eh hindi naman kami umiiyak ah." Pagtataray na sabi ni Alexsha kay Carmen.

"Eh mukang dun na yung ending eh. Tingnan mo yung mata ni Hailey nagmumugto na." sabay turo naman ni Carmen sa mukha ko.

Ewan ko ba sa dalawang to. Ang dadaldal pinagtitinginan na tuloy kami nung ibang nakikiramay.

Bago ang lahat, nakapagtapos din ako ng kursong Civil Engineering gamit ang perang naipon ko sa pagbebenta ng katawan noon. May tatlo na akong Construction Firm na naipundar dito sa Maynila. Tinutulungan din naman akong ng iba kong mga kamag-anak sa pag-aasikaso nito.

Meron din kasing naiwang business ang Papa simula ng nagpatiwakal siya sa sobrang stress ng nalaman niya ang ginawa sa buhay ko ng aking ina. Isa itong factory ng souvenir t-shirts na pinapadala sa Boracay, Palawan at kung saan saan pang parte ng Pilipinas.

"Hindi na kailangan ng move on. Eh yan ang nagdala ng kasamaan sa buhay ng best friend natin eh." Sagot naman ni Alexsha. Sa totoo lang dapat nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, pero hindi. Namanhid na ata ako sa pagsira ng aking ina sa buhay ko at sa tuluyang pagkakahiwalay namin ni Brent.

"Hoy be! Grabe ka naman magsalita. Nanay parin siya ng best friend natin. Kaya wag kang ano dyan!" sabi naman ni Carmen.

"Alam niyo tumigil na kayong dalawa okay? Ikaw Carmen, tama si Alexsha hindi ko na kailangan mag move on kay mama dahil siya naman din talaga ang sumira ng buhay ko." Sabi ko kay Carmen.

"At ikaw naman Alexsha" sabay taas ng kilay sa impokrita na to. "Alam kong galit ka kay mama, ako din naman eh. Pero wala na siya. Kalimutan na lang natin ang nangyari. Siya parin naman kasi ang nanay ko." At bigla naman nila akong niyakap.

"Sorry bes" sabay na sabi nila.

"So pano ba yan? Gimik na tayo?" tanong ni Alexsha.

"Hay naku, pag pahingahin niyo naman muna ako ng dalawang araw." Pagpoprotesta ko.

"Edi okay. Sunduin ka na lang namin ni Carmen sa Condo mo after 3 days." Sabi ni Alexsha. Paalis na sana ang dalawa ng biglang tumalikod si Carmen "And by the way, mag pack ka na rin ng hot bikinis mo, we're going to Bora this week."

"Wait? What?" tanong ko. Eh ano naman kasing gagawin namin dun. Pwede naman kaming gumimik na lang dito.

"Hay naku. Basta! Maghanda ka na lang." sabi ni Alexsha at umalis na sila.

To' talagang mga kaibigan ko oh. Pero kahit ganyan yang mga yan, mahal na mahal ko yan. Sila lang kasi ang hindi nang-iwan sakin sa mga panahon na kailangan ko ng kausap. SILA lang.

Until...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon