After 3 days sinundo nga ako ng mga haliparot na ito.
"Hoy te? Anyare? Hindi ko ba nabanggit sayo na magbabaksayon tayo ngayon?" sabi ni Carmen habang ginigising ako. Nakakainis grabe naman kasi mang-alog tong babaeng to.
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Alexsha na nagiimpake ng mga bikini ko at basta basta lang na nilalagay sa maletang gagamitin ko.
Meron silang duplicate key ng condo ko. Kaya agad agad naman silang nakapasok ng wala man lang katok.
"Hoy te tayo na! Ilang oras na lang at lilipad na yung eroplano. Tapos eto tayo nagiimpake ng gamit mo." Sabi ni Alexsha.
Dahan dahan akong tumayo at naligo. Habang naliligo ay naalala ko ang nalimutan na fully bag na souvenir t-shirts na naiwan kahapon. Dalhin ko na kaya? Para wala ng masyadong isipin kapag andun na ko. Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko ang dalawang kaibigan ko na pinapakialaman ang refrigerator ko. Hay naku talaga, parang mga bata ang kalat.
Napatingin naman ako sa maleta na inayos ni Alexsha para sakin. Magaganda naman yung pinili niya kaya hindi ko na masyadong ginalaw. Pagkatapos magbihis ay kumuha ako ulit ng isapang maleta at nilagay ang isang fully bag na t-shirts doon.
"Hoy bes! Ano yan? Hanggang doon ba naman magtatrabaho ka?" sabi ni Alexsha habang kumakain ng sandwich.
"Ha? Sinong magtatrabaho?" tanong ni Carmen, nakatalikod kasi ito sa pwesto ko tinuro naman ako ni Alexsha at tumingin sa pwesto ko. "Hoy ano ba yan!? Bakasyon to te. Day-off. Walang trabaho" agad itong lumapit at pinigilan ang paglalagay ko.
"Ano ka ba, nalimutan lang to. Ihahatid ko lang dun sa store na dapat pinag-deliveran nito. Yun lang tapos rampa agad sa beach" sabi ko naman habang binabalik ang mga damit.
"Okay sige bahala ka! Basta kapag andun na walang tulugan ah. Tapos tanggalin muna natin lahat ng stress natin sa trabaho. At maghanap na tayo ng asawa natin doon. Dios ko gusto ko ng matorjak ng magka-anak na!" sabi naman ni Alexsha. Hayok kasi sa lalaki yan, kaya pagpasensyahan niyo na.
"Ay oo nga no. 28 years old na tayo pero wala paring mga junakis. Ano kayang feeling ng nanganganak?" tanong naman ni Carmen sabay tingin sa kisame na parang nagiisip.
"Aba ewan ko. Basta ang alam ko, masarap gawin ang pag gawa ng bata" sabi ko naman sakanila. At bigla naman silang nagtawanan. Ewan ko ba sa mga to. Ang wi-weird.
"Alam namin te!" sabay nilang sabi sakin.
"To naman makapagsalita akala mo ikaw lang nakakaranas." Sabi ni Alexsha.
"Siya nga pala, kamusta na nga pala yung lalaki na nakilala mo sa burol ng nanay ni Hailey?" tanong ni Carmen na siya naman ikinagulat ko. Hanggang doon ba naman kasi ay humaharot pala tong dalawang to.
"Hindi masarap" sabi ni Alexsha na mukang hindi maipinta ang mukha habang nginunguya ang sandwich sa bigbig niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Parang ngayon lang hindi nakatikim ng masarap. Well hindi ko rin naman siya masisisi dahil sa mga naging ex niya na mala-Athony Gastelier ang dating. Yung mga tipo ng lalaki na gentleman na medyo bastos? Yes! Ang mga gusto namin. Mga yummy.
"Naku tama na nga yan. At ikaw Alexsha dalian mo na diyan dahil baka lumipad na yung eroplano habang tayo eto inaantay kang kumain" sabi ko at sabay bitbit ng dalawang maleta na dadalhin ko.
"Hoy teka! Parang line ko yun kanina ah. Hoy sandali lang!" sigaw ni Alexsha habang hinahabol kami ni Carmen palabas ng condo unit ko.
Sa wakas! Makakapagpahinga na rin ako kahit tatlong araw lang. Sana naman puro good vibes lang ang lahat. Gusto ko ng makaranas ng kapayapaan kahit saglit lang.

BINABASA MO ANG
Until...
De TodoIt's crazy how you can go months or years without talking to someone but they still cross in your mind every day.